CHAPTER 78

1K 47 4
                                    

Chapter 78:

Isinama kami ni mommy sa basement nila para ipakilala sa kanyang underling. Kasama si Kuya Azi na tahimik lang sa tabi ko dito sa backseat habang bumabiyahe pa kami.

Si daddy ang nagmamaneho ng sasakyan na katabi si mommy na nasa passenger seat. May ilang CBG din nakasunod sa sasakyan namin bilang bantay.

Tulad ng napag-usapan ay nagkaroon nga kami ng DNA test na positive ang lumabas na sinasabi si Azem ang tunay namin na mommy. Nasaksihan ko kung paano umiyak si kuya ng malaman niya na si Azem ang aming ina. Nagmukha itong bata sa bisig ni mommy habang umiiyak. Mas malakas  ang epekto n’yon kay kuya dahil nakasama niya si mommy no’ng siya’y bata pa.

Ang inis ko kay mommy bilang Ms. Azem ay parang yagit na natangay agad ng hangin palayo sa sistema ko. Masaya ako para sa pamilya naming buo na.

Huminto ang sinasakyan namin sa tapat na isang malaking gate at ilang sandali lang ay pinagbuksan na kami. Pinark muna ni dad ang kotse bago huminto ng tuluyan. Nginitian kami ni mommy bago siya bumababa at ako naman ay bumababa na din nang pagbuksan ako ng pinto.

Iginala ko ang paningin sa paligid. May tatlong fountain sila na ang dalawang maliit ay pinagigitnaan ang malaking fountain na katapat sa main door nang gusali na hula ko ay nasa anim ang palapag dahil mataas ito kaysa sa aming  gusali.

“Anak kong buntis,” napalingon ako sa tumawag sa akin. “Halikana sa loob,” masuyong ani ni mom na ginayak ako.

“Ingatan si bunso dahil hindi kasama ang mahal niya,”

“Hmp! Huwag ka ngang ngumisi kuya! Baka magmana sa ‘yo ang anak ko,” sita ko dito.

“Mabuti nga kung sa akin magmana ang pamangkin ko para naman magkaroon ako ng little version,”

“Ano ka? Hibang? Maghanap ka ng ibang babae na magdadala ng anak mo,” bara ko pa.

“Nye... nye. Natutuwa talaga ako kapag pinipikon k—,”

“Dad!” hingi kong saklolo sa ama namin.

“Tumigil ka nga Azi! Mahiya ka sa mommy niyo. Baka isipin niya na pinalaki kitang abnormal,” pabulong na saway ni dad sa mga huling pangungusap.

“Nadinig ko ang sinabi mo, Enrique,” tumaas ang kilay ni mom habang si daddy naman ay napakamot ng batok. “Hayaan mo na ang mga anak natin na magpikonan. Ang cute nilang tignan,” ako naman ay napairap dahil sa ngiti ni mom.

“Nakakainis naman e. Ako ang talo sa ‘min ni kuya!” napapadyak ako.

“Ang OA ni bunso,” mataray kong inirapan si kuya.

Inaya na kami ni mommy na pumasok at napansin ko na hindi pa pala kami gumagalaw sa kinatatayuan namin.

Mula sa main door ay napahanga na ako sa disenyo ng kanilang basement. Mala-classic hotel ito na may red carpet pa talaga ang inaapakan namin. At may malaking chandelier na nakasabit dito mismo sa lobby. Bawat disenyong bagay na nakikita ko sa paligid ay alam ko na mula iyon sa ibang bansa.

Hindi yata basement ang pinuntahan namin kundi isang mamahaling hotel.

“Good day, Ms. Mistress and to your family,” nauuna sila mommy at daddy. Kami ni kuya ang nasa gitna samantala ang CBG ay nasa likod namin.

Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa underling ni mom na nakahilira habang nakayuko ang ulo ng bumati sila.

“Ms. Mistress,” isang babae ang sumalubong sa amin na malawak ang ngiti.

“Engrid,” bangit ni mom sa pangalan nito. “By the way, I want you to meet my Engrid Salvuches... ang kanang kamay ko,” humarap si mommy sa amin nila daddy.

My Husband Is A Gangster King: QueenInHisHeartWhere stories live. Discover now