CHAPTER 51

979 49 13
                                    

A/N: Sinong naka-miss sa update ko?🤧.

***

Chapter 51:

Halos lahat na mga nakakasalubong ko sa pasilyo ay lakad-takbo ang mga ginagawa nila dahil sa announcement mula sa mga speaker dito sa hallway kaya iniiwasan ko sila na huwag akong mabangga.

"All the boys in college go to the gymnasium today." Tatlong beses inulit iyon ng announcer.

Cancelled ang lahat nang klase ngayon kaya pumunta muna ako sa locker room para ibilin ang ibang gamit ko at pagkatapos no'n ay pumunta din ako sa comfort room ng mga babae para magbawas dahil masyadong madami ang kinain ko kaninang tanghali kasama si Dale kaya medyo sumasakit ang tiyan ko.

Pagkatapos kong magbawas ay nag-ayos muna ako ng sarili at pansin ko din na unti-unting lumalabas ang mga babaeng nakakasabay ko hanggang sa ako na lang.

Naglagay ako ng lip therapy at liptint sa labi ko habang nakatingin sa salamin at napatingin ako sa pintuan ng may pumasok na isang babae na sobrang hapit ang katawan nito dahil sa suot niyang damit.

"What a coincidence, my cousin." Tinaasan ko ito ng kilay.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo  na huwag mo akong tawagin cousin," diniinan ko ang huling salita. "Ilagay mo sa makitid na kukote mo ang sinasabi ko. You stupid, woman." Umawang ang labi nito na animo'y magsasalita sana at bumaba ang tingin ko sa kamay niya na nakakuyom iyon.

"Sobrang taas nang tingin mo sa sarili mo, Maxine. Ngunit kung tutuusin ay mula ka din naman sa mahirap na katayuan noon nang hindi ka pa umalis sa poder namin. Ganyan ba ang epekto ng pera sa 'yo?" May bahid sa boses niya ang pang-uuyam kaya hindi ko maiwasan ngumisi.

"Nagiging mataas ang tingin ko sa sarili ko kapag nakakaharap ko 'yong mga taong walang puso. 'Yong mga taong mukhang pera." Seryusong turan ko sa kanya.

Nginisihan ako nito. "Hinay-hinay lang sa mga sinasabi mo dahil baka balang araw ay ikaw ang maging mas mababa sa ating dalawa dito sa lipunan na ginagalawan natin, Empress."

"Sinasabi mo ba ang bagay na iyan dahil alam mong may aasahan kang organization na alam natin malakas ang kapit? Tandaan mo din na sobrang layo ng agwat ng kinatatayuan natin sa mundong ito. I'm a royal and you're a nobody." Biglang nanlisik ang mata nito sa akin.

"How dare you, Maxine!" Mabilis itong lumapit sa akin kaya maagap kong hinawakan ang pulso niya dahil akmang sasampalin ako nito.

Walang emosyong tinignan ko ito sa mata niya. "I'm warning you again that know your limits. Baka gusto mong makita agad ang kaharian ko sa impyerno. Sabihin mo lang sa akin dahil ako mismo ang maghahatid sa 'yo." Mahigpit kong hinawakan ang pulso niya.

"Hindi ako takot sa impyernong sinasabi mo dahil lahat tayo papunta do'n. Walang maliligtas sa kaluluwa natin ngunit sinisigurado ko na ikaw ang unang pupuntang mag-isa sa kaharian mo. At alam kong susunugin ang kaluluwa mo do'n araw-araw" Sarkistong banta niya kaya gigil kong hinawakan ang panga nito gamit ang isang kamay ko.

"You are wrong, Aubrey. Don't you know that I am a Queen of Death? Ibig sabihin no'n, ngayon pa lang ay sinusunog na ang kaluluwa ko sa tuwing nakakaharap ko ang mga hampaslupa sa lipunan namin. Hindi ka bagay sa lipunan na kinalalagyan ko. At sinisigurado ko din na ikaw ang unang mapupunta doon," binitiwan ko ang panga nito at bumulong sa kanya. "Baka hinihintay ka na ni Marga sa impyerno." Malumanay na ani ko para maramdaman niya ang kilabot sa katawan.

Mabilis itong kumilos na nabawi niya ang kanyang pulso sa akin kaya napaatras ako.

"Damn you, Maxine! Huwag mong idadamay si mama dito. Wala kang respeto!" Humanda ito sa kanyang kinatatayuan na akmang susugod sa akin ngunit mabilis kong naitulak ito kaya napa-upo ito sa sahig at nakita ko sa mukha niya ang sakit.

My Husband Is A Gangster King: QueenInHisHeartWhere stories live. Discover now