CHAPTER 54

862 42 5
                                    

Chapter 54:

Maxine's P. O. V.

Kompleto na ang ranking sa mga sumubok kaya nagdaraos ang mga ilang estudyante para sa mga taong sinuportahan nila.

Nang nalaman ni Dale sa mismong araw kung sino ang naging Commander ay halos magwala ito na pilit sinasabi kay Mr. and Mrs. Mendez na ayaw niya kay Aeron ngunit wala siyang magagawa dahil ayaw naman ng dalawang dean na hindi maging patas sa mga sumubok kaya sinaway ko si Dale na hayaan na lang niya si Aeron kung ito man ang maging Commander. No'ng una ay hindi ito maki-usapan ng maayos at mabuti na lang ay napilit ko naman ito sa huli.

Sa gabing ito ay may welcome party sa mga nanalo para sa pagtanggap nila bilang students officer ng Brimstone University kaya abala ang lahat para doon.

Elegante ang hinanda nila para maging memorable ito sa lahat lalo na ay kasama ang mga nasa high school at mabuti na lang ay may arena dito sa BU na kasya ang lahat.

Isang champagne white gown ang suot ko at naka-white tuxedo din ang asawa ko, stand for a royal.

Nagtipon-tipon kamin dito sa exclusive room ng arena. Ang dalawang dean ay naka-royal attire ngayon. Kung tutuusin ay wala ako sa tabi ni Dale ngayon dahil wala naman akong tungkulin sa loob ng BU ngunit wala akong pagpipilian dahil pinilit ako ni Dale na dapat kasama ko siya sa gabing ito. Pansin ko din ang disgusto niya na makasama ang bagong Commander dito sa exclusive room. Lalo na ay panay ang sulyap ni Aeron sa akin na nakasuot ito ng white tuxedo.

Pareho kaming nakaupo ni Dale sa nakalaan na couch para sa amin na nakapulupot ang kaliwang braso niya sa baywang ko na parang sinasabi na walang pwedeng umagaw sa akin.

May isang organizer ng event ang pumasok sa kwarto namin na tinuran nitong malapit nang mag-umpisa ang opening remarks para sa party kaya maghanda na daw kami.

Tinulungan ako ni Dale tumayo para lumabas ng kwarto at hawak niya pa rin ang kaliwang braso ko habang ang isang kamay niya ay nasa kanang baywang ko. Nasa harapan na kami ng entrance door ng arena na nakasara pa rin at hinihintay na lang namin bumukas iyon para pumasok kami.

Sila tito at tita ang nasa unahan, nasa gitna kami, samantala ang iba ay nasa likod namin. Ramdam ko ang nagtatanong na titig ni Dale sa akin ng bigla kong tinanggal ang kamay niya sa baywang ko at binawi ko din ang braso ko na hawak niya.

"Hindi kailangan na nakapulupot ang braso mo sa baywang ko." Nakangiting sambit ko sa kanya na ikinawit ang kamay ko sa braso niya kaya ang kaninang nagtatanong na tingin niya ay napalitan ng ngiti.

"Sorry but not to say sorry. I'm too possessive to wrap my arms in your waist. Ang lambot e." Para akong kiniliti dahil binulong niya pa talaga iyon sa akin.

"Should I say, thank you?" Mapang-akit na tanong ko.

"Na-uhh. No need my love." Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi kaya lihim akong napalunok na mukhang nang-aakit ito.

Nawala ang atensyon ko sa asawa ko ng may tumikhim.

"Masyadong PDA, my dear." Mapanuksong komento ni tita kaya nahihiyang ngumiti ako. "Ngunit mamaya na kayong maglampungan kung tapos na ang party. Ilang segundo na lang kasi ay papasok na tayo." Kinindatan pa kami nito kaya nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"She's teasing at us." Bulong ni Dale kaya lumingon ako sa kanya na pasimpleng ngumuso.

"But don't deny that you don't like it." Komento ko at nakita ko ang pag-iling nito.

"I don't like it because I love it." Gumanti ito ng pag-nguso kaya siniko ko ito.

Maya-maya pa ay binuksan na ang entrance door kaya medyo nakahinga ako ng maluwag dahil pakiramdam ko kapag hindi pa kami pumasok sa venue ay hindi matatapos ang paglalandian namin ni Dale.

My Husband Is A Gangster King: QueenInHisHeartWhere stories live. Discover now