Kabanata 11

12.2K 467 15
                                    

Kabanata 11:
Blink

"Sino ka ba? Bakit nangingialam ka sa usapan naming magkapatid?!" sigaw ni Kuya Edmon.

Biglang naglaho ang tinig ko dahil sa gulat na makita rito si Zaiden. Hindi ako makapaniwala na nakikita ko siya ngayon rito. Kinabahan din para sa kanya, dahil sa pangalawang pagkakataon nilalagay ko na naman siya sa kapahamakan. Zaiden brows furrowed.

"Kapatid? You are his brother?" Zaiden ask and Kuya Edmon smirk.

"Oo kapatid ako ni Kally." sagot ni Kuya at nanghahamon na tumingin kay Zaiden.

Mas lalong lumala ang nerbyos ko. Lasing si Kuya at wala siyang pakialam kung gumawa man ng eksena ngayon. Kahit na pagtinginan pa siya ng maraming mga tao. Kung makatingin siya nang matalim kay Zaiden ay para bang naghahanap siya ng away ngayon.

"Then why are you harassing her? Hindi ganiyan ang turing sa kapatid." ani Zaiden nang seryoso. Nagtangis ang bagang niya. Hindi natinag sa nanghahamong tingin ni Kuya.

"Kuya---" pigil ko na agad sa kanya para agapan kung ano mang mangyayari pero pinigilan niya ako sa pagsasalita.

"Ano bang pakialam mo? Kapatid ko 'to kaya magagawa ko lahat ng gusto ko sa kanya. Ikaw? Ano mo ba si Kally?" lumapit si Kuya at napasinghap ako ng hawakan niya ang kuwelyo ni Zaiden.

"Kuya!" agad ko siyang pinigilan at hinawakan ang braso niya. Hinampas niya lang ang kamay ko at halos mapasinghap ako ng muntik na akong lumagapak sa lupa.

"Kally!" pagalit na sinabi ni Zaiden. Mabilis siyang nakawala sa pagkakahawak ni Kuya sa kuwelyo niya. Pabalya niyang tinulak si Kuya na napalayo sa kanya.

Hindi naman ako natumba pero tumama ang likod ko sa metal na barindilya roon. May nakausling bakal na gumasgas sa balat ko kaya napadaing ako sa sakit. Napangiwi ako sa pagguhit ng hapdi sa sugat.

Agad na humakbang si Zaiden papalapit sa akin para daluhan ako. Worry cross his eyes and Kuya's nose flared in anger.

"Sino ba iyan Kally? Lalaki mo huh? Ang yabang naman niyan porket mayaman lang huh!" sigaw ni Kuya. Namilog ang mga mata ko dahil nakahakot na siya lalo ng atensiyon ngayon.

Hindi lang ako nahiya para sa paggawa ni Kuya ng eksena dito. Mas nahihiya ako para kay Zaiden, I will put his name on shame!

Madadamay ko pa siya sa sarili kong problema.

"Zaiden ayos lang ako. H-Hayaan mo na lang ako rito. U-Umalis ka na." pagtataboy ko sa kanya sa mahinang tinig. Mukha nang galit si Kuya at alam kong palala na ang sitwasyon.

His brows furrowed.

"Sa tingin mo iiwan kita sa ganitong sitwasyon?"

"Kaya ko 'tong ayusin. M-May pag-uusapan lang kami." mas lalo lamang nagsalubong ang kilay niya sa naging sagot ko.

Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi dahil alam ko namang wala talaga akong mabibigay kay Kuya kahit ano pang gawin ko.

"Pag-uusapan? Kung ganoon bakit ka sinasaktan? Hindi ganoon ang alam kong usap Kally. Hindi kita iiwan rito." mariin niyang binigkas ang huling pangungusap. Umangat ang dibdib ko sa marahas na paghinga ng lumapit si Kuya sa amin.

"Bitawan mo ang kapatid ko! Nag-uusap pa kami niyan!"

There's a commotion now from people around us. Puro mga estudyante at nagbubulungan. They are even documenting what is happening.

Hiyang hiya na ako para kay Zaiden. He's name is so clean. Sobrang ganda ng reputasyon at imahe niya. Hindi pa iyon nababahiran ng kahit ano, at kung mananatili siya rito ay baka mamantsahan na iyon. At ako ang may kasalanan!

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon