Kabanata 32

13.8K 461 25
                                    

Kabanata 32:
Video

Mabilis akong nagtungo sa kwarto ni Papa nang makapasok sa loob. Naramdaman ko naman na nakasunod sila Hannah at Zaiden sa likod ko. I went upstairs. Nasa unahan ko ang kasambahay. I even had a glimpsed of Zaiden who's looking up at me before I turn to the left hallway.

Nawala siya sa paningin ko at doon lang muli ako nakahinga. Sapo ko pa ang dibdib kung saan sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

Binuksan ng kasambahay ang pinto. Humakbang ako papasok at agad nakita si Papa sa gilid ng kama, nakaupo. Nang makita ako ay tatayo sana pero pinigilan ng kasambahay na nasa loob.

"Huwag na po Sir." pigil ng kasambahay na hinawakan ang braso niya. Nagkumahog ako na lumapit para mapigilan na rin siya.

"Pa." marahan kong tawag. When I finally hold him he engulfed me in a hug. I gasped. Pero niyakap rin siya pabalik. I caressed his back. Agad na lumamlam ang mga mata ko sa mahigpit niyang yakap

"Pa naman huwag mong subukang tumayo. Mahihirapan ka." I said gently and look at him.

"Gusto kong salubungin ka. Sinusubukan ko lang naman anak pero hindi pa pala talaga kaya." huminga ako ng malalim sa sagot ni Papa.

"Saan niyo po gustong pumunta Pa? Ipapasyal ko kayo." his eyes softened on it.

"Kahit sa sala na lang Kally. Ayaw kong mapagod ka. Masaya na ako na narito ka sa tabi ko. Madalas ay abala ka sa trabaho at alam kong bihira lang ang mga pagkakataon na ito."

Napatitig ako kay Papa sa sinabi niya na iyon. I bent my knees to level his eyes. Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Noong mga panahon na kritikal siya abala ako sa trabaho at pati ba naman hanggang ngayon hindi ko pa rin maibigay ang buong oras para sa kanya.

"Sorry Pa." mahina kong sinabi. Ni hindi ako makapagbigkas para mangako sa kanya kung kailan pa talaga maibubuhos ko ang buong oras para sa kanya. Everything right now is complicated. Hindi rin naman ako makakawala sa trabaho.

"Why are you sorry, Kally?" he ask. I didn't respond immediately.

"Oh Kally I didn't mean that I am demanding for your time with me. Yes, I am sad everytime I'm alone here and you're busy but I am contented on seeing you every night. I know you love and you're passionate on your career and even I, can't take it from you. Naiintindihan ko anak, pasensiya ka na kung ganoon ang pagkakaintindi mo sa naunang nasabi ko." aniya at hinaplos ko naman ang kamay niya.

Naramdaman ko ang magaspang at kulubot niyang balat at mas lalo lamang ako noong pinalungkot. Pinaramdam lang sa akin noon na tumatanda na talaga si Papa.

"Totoo naman Pa, halos bihira na lang akong umuwi rito sa bahay." umiling si Papa.

"Ayos lang anak. Kung ako nga noon ay ilang taong hindi umuwi sa bahay dahil nasa ibang bansa ako. Wala ako roon noong mga oras na inaapi at iniinsulto ka ng mga kapatid mo. Anong klaseng ama ako?" napasinghap ako roon. Umiling rin ako sa kanya.

"Pa h-huwag niyong sabihin iyan. I know how good you are. Don't blame yourself for what happened. Kahit kailan hindi kita sinisi tungkol roon. Paano ko magagawa iyon kung h-hindi mo naman ako tunay na anak pero tinanggap at inalagaan mo pa rin ako?" kumislap ang mga mata niya sa sinabi ko.

He caressed my cheeks. Lumamlam ang mga mata niya.

"And I am glad that I took you with me Kally. Lubos ang pasasalamat ko na inaruga kita sa puder koat naging tama ang desisyon ko. Because if I don't, who knows if I'm still alive right now? You owe me but I owe you more." my mouth parted on it.

Kanina ko pa gustong umiyak at ngayon lang kumawala ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan. Papa's eyes sparkled. He wipe the tears in my cheeks.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon