Kabanata 3

15.5K 549 45
                                    

Kabanata 3:
Hot

"Z-Zaiden Tristian Riveron?" nanginginig pa ang boses ni Remi nang sabihin iyon. She look so stunned until now. Kahit ako hindi mairposeso na nakikita ko siya sa tapat ng pinto ng kwarto namin. He glance inside and I gasped.

Bigla akong nagpanik roon. Malinis naman ang kwarto at maayos pero nakakahiya kung makikita niya kung gaano kaliit at kasimple lamang iyon. Bukod sa kama, mga side table, closet, kurtina, at iilang kagamitan ay wala nang iba pang makikita.

I can only describe our room as clean and organized. Hindi iyon elegante at ang mga kagamitan ay hindi rin mamahalin. Kaya walang wala talaga iyon kumpara sa mga madalas niyang nakikita. A fancy and an extravagant mansion. Our room is nothing compared on that.

Humakbang ako ng isa sa gilid para takpan ang tinitignan niya. Wala namang kung anong pang-iinsulto sa kanyang ekspresyon, normal lamang iyon. Nang humarang ako ay napunta sa akin ang tingin niya.

Lumapit sa akin si Remi. I almost rolled my eyes when I saw her intriguing look. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko, para bang gigil sa akin. Ganito siya kapag may tinatago ako sa kanila. Kaso hindi ko naman tinatago ang tungkol kay Zaiden. Saka bakit ko naman sasabihin sa kanila ito?

"Bakit narito iyan huh?! May hindi ka sinasabi sa akin?" hinampas niya pa ang balikat ko na parang galit sa akin. Binulong niya lang iyon sa akin at pinandilatan ako. Sumulyap muli si Remi kay Zaiden at sobrang riin niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

Kinurot niya ako at pinandilatan ko siya. This is her usual reaction whenever I'm hiding something and she accidentally found it! Bumagsak ang mata ni Zaiden sa braso kong hawak ni Remi. Dahil maputi ako namula agad iyong hinampas niya kanina.

"Hindi ang iniisip mo ang rason kung bakit siya narito. May pupuntahan lang kami." she widened her eyes more. Humigpit ang hawak ko sa braso niya. Sanay na rin naman ako sa ganitong reaksiyon niya pero hindi ko maiwasang mapangiwi sa pagkurot-kurot.

"Talaga lang ha? Hindi ako naniniwala! Ilang beses mo na iyang sinabi sa akin noon pero ano huh? Sa huli nagiging boyfriend mo." I rolled my eyes on her.

"Iba 'to. Alam mong..." I trailed off.

"... malabong magustuhan ako ng mga katulad niyan. He's rich and he's a man who won't have a relationship to those girls he's not equal. I'm in a lowest state and he's in the top of hierarchy. Kaya maling mali ang iniisp mo." paliwanag ko sa kanya.

She still arched a brow like she's not convinced on what I said.

"Pero nababasag ang ganoong batas dahil sayo! Ang ganda ganda mo! Kahit iyong mga 4th year na mayayaman bukambibig ka at ikaw ang habol! Kahit saan yatang sulok ng campus ikaw ang pinaguusapan ng mga lalaki! Kaya hindi ako naniniwala na wala lang 'to." mariin niyang bulong rin sa akin.

Napahilot naman ako sa sentido.

"Mahuhuli ka na sa trabaho mo, hindi ba? Bakit hindi ka pa umaalis?" pagtataboy ko sa kanya.

"Iniiwasan mo ang tanong ko! Kung wala lang 'to bakit sinusundo ka dito kung ganoon? Nanliligaw iyan?" bahagyang tumaas ang tono ni Remi roon at namilog ang mga mata ko na baka marinig ni Zaiden. I heard him cleared his throat.

"Mawawalan ka ng trabaho kung magtatagal ka rito. A-AAlis na kami." pag-iwas ko kay Remi at pinanliitan niya ako ng mga mata.

"You're avoiding the question!" she exclaimed. I ignored her again. Hinarap ko si Zaiden na nasa braso ko ang tingin.

"Uh t-tara na. Pasensiya na sa paghihintay." sabi ko. Hindi alam kung bakit kinakabahan ngayong kaharap siya. Si Tita Cy ay palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon