Kabanata 10

13.1K 508 112
                                    

Kabanata 10:
Money

"Zaiden!" hindi na ako nabahala sa naiwang bag at gamit roon sa bench sa paghabol sa kanya.

Ilang minuto pa lang siyang humahakbang pero ang laki na agad ng distansiya ng layo niya sa akin.

He didn't stop even I called him. Para bang walang narinig at nagpapatuloy lang. Hindi ako huminto sa paghabol sa kanya. I run again towards him.

"Zaiden!" I yelled again and yet he didn't still turn to me. Habol ko na ang paghinga ng bahagya dahil sa pagtakbo. Nakaabot na kami sa kabilang dulo ng soccer field. Mabuti na lang at walang tao roon kaya malaya akong magsisigaw rito at hindi mapupunta sa disciplinary office.

"Zaiden Tristian Riveron!!" tawag ko at nagawa ko nang huminto sa likod niya at nagtagumpay ako na mahuli ang laylayan ng suot niyang shirt.

I'm panting to breath. Ilang metro rin ang tinakbo ko at tuluyan kaming nakalayo ngayon kay Raiden. Rinig na rinig ko ang malalim na paghinga at sa wakas ay napahinto na rin sa paglalakad si Zaiden.

"Bakit hindi ka humihinto? Kanina pa kita tinatawag?" hinihingal kong sinabi. Nakatalikod pa rin siya sa akin.

"Doon ka na sa lintik na si Raiden. Tss." namilog ang mga mata ko sa narinig sa kanya. Sapo ng kanang kamay ko ang tuhod dahil sa paghingal. He's holding a paper bag in his left hand.

"Galit ka ba?" tanong ko. Wala akong ideya kung bakit bigla siyang huminto kanina at kung bakit rin siya nagagalit ngayon. He turned to me with his irritated expression and his eyes were so dark. Bumagsak ang tingin niya sa akin dahil bahagya akong nakayuko.

A scowl is etched on his face.

Hininingal pa ako. His eyes suddenly softened when he's gaze dropped on me. Nalusaw ang galit niya sa ekspresyon at napapikit ng mariin. He muttered something under his breath and he messed his hair.

"Are you okay?" he ask now on his calm tone. Napanatag naman ako roon. My hands is still holding the end of his shirt.

"I'm fine. Bakit galit ka?" tanong ko. Pinapahinahon lang ang paghinga at lumanghap ng hangin para punan muli ang baga. Nakatitig lang siya sa akin. His irritated expression totatly vanish now and I can't see any traces of it anymore. Malumanay na ngayon ang mukha niya.

I was surprised when he suddenly kneel his one feet just to equal me. Nabitawan ko ang laylayan ng suot niyang shirt dahil roon.

"I'm sorry. Napagod ka dahil sa akin." normal naman ang tinig niya at ganoon na rin ang ekspresyon kaya alam kong wala siyang ibang kung anong ibig sabihin roon pero hindi ko alam kung bakit nag-init ang pisngi ko ng iba ang sumagi sa isip ko dahil roon.

Tinakpan ko ng kanang kamay ang mukha para hindi niya makita iyon at baka kung ano pa ang isipin niya.

"Okay lang naman. Nagulat ako noong tumalikod ka." I said. Tumuwid na rin ako ng pagkakatayo ngayon. Nagkapalit kami ng sitwayson. Siya na ngayon ang nakatingala sa akin at nakayuko ako para tignan siya. My mouth parted and my cheeks flushed suddenly.

He's like proposing to me. Kahit alam ko namang sobrang layo noon sa aktwal na totoong nangyayari ngayon. He's still not standing. Nakaluhod lang siya roon at nakatingala sa akin na para bang komportable siya sa ganoong ayos.

"I thought you are eating alone?"

"Mag-isa lang dapat. Kaso gustong makipag-usap sa akin ng Kuya mo kaya kasama ko siya." his face suddenly distorted and he grimaced. Rinig ko rin ang pag-ismid niya na para bang may nasabi akong sobrang mali.

"Galit ka ba na nakita mong kausap ko ang Kuya mo?"

He didn't respond on it. Sumimangot lang at bumagsak ang tingin sa lupa. Bumalik ang iritadong ekspresyon.

Dancing in the Burning Sand (Isla Vagues Series #3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon