CHAPTER THIRTEEN

61 25 1
                                    


Chapter " 13 "

Lucas " P.O.V "

Kompleto na kami sa misa at kumain ng breakfast habang katabi ko Henley.
Sila Mom at Dad rin ay nasa harap namin.

Habang kumakain, biglang nagsalita si Dad kay Henley kaya napatingin ako sa kanilang dalawa ni dad.

" Henley! maghanda ka? bukas ng gabi, gusto ko maganda ang suot mo. Dahil bukas may bisitang darating at sigurado akong magkakasundo kayo! makilala mo rin ang magiging asawa mo. " sabi ni dad kay Henley, kaya napatigil itong kumain at nagulat sa sinasabi ni dad

" Dad! naman. " sabi ko naman sa daddy ko

" So, tama pala ang narinig ko noon, na ipapakasal niyo ako sa lalaking hindi ko naman gusto! " sabi ni Henley habang tumitingin sa aming tatlo.

" Henley! hindi naman sa ganon anak, gusto lang namin ng daddy mo na magpakasal ka? Sa lalaking pinipili namin para sa'yo dahil ayaw naming tumanda kang dalaga! " sabi ni Mom habang tumitingin ako sa mga mata ni Henley na parang hindi papayag.

" Mommy Carina! Hindi na ako bata para sumunod sa gusto niyo at alam niyo 'yun may sariling desisyon na ako. Matanda na ako! para magdesisyon sa sarili kong plano. " sabi ni Henley kay mom.

" Henley! 'wag mong sigawan ang mommy carina mo? Hindi kita ganyan pinalaki at alam mo 'yun! Kung anong plano ko ay susundin mo, alam ko naman na magugustuhan mo rin ang lalaki na pinipili ko sa'yo balang araw. Kaya sundin mo! Ayaw ko! tumanda ka? na maging isang matandang dalaga. " sabi ni Dad kay Henley habang tumulo na ang luha nito.

" Dad! Mom! Tama naman si Henley, may sariling desisyon na siya at alam niyo 'yun. Alam niyo naman na wala siyang gusto sa lalaking papakasalan niyo para sa kaniya. Hayaan natin siyang magdesisyon! " sabi ko kay mom at dad habang pinagtanggol si Henley para hindi matuloy ang plano tungkol sa kasal.

" Lucas! Hayaan mong kami ang magdesisyon para kay Henley. " sabi ni Mom habang natinginan silang dalawa ni Dad.

Tiningnan ko si Henley habang umiiyak sa harapan namin, wala akong magagawa dahil ang pamilya namin ang nagdesisyon. Agad naman nagbigay si manang rose ng tissue para kay Henley.

Ibibigay kuna sana ang tissue sa kaniya ng bigla siyang tumayo, pinunasan niya yung luha niya gamit ang kaniyang kamay tapos nagsalita.

" Kung 'yan ang gusto niyo dad!  Pag-Isipan ko! I have to go, aalis muna ako, para makapag-isip. " sabi nito at agad umakyat sa kuwarto, habang iniwan niya ang pagkain na hindi pa niya naubos sa misa.

Hinayaan ko nalang baka kasi lumaki pa ang gulo, habang sila Mom at Dad nag focus na lang sa pagkain. Lalo kasing iiyak si Henley may pagka O.A kasi ang ugali 'non minsan, parang batang umiiyak matagal tumahimik.

Makilala ko rin ang magiging asawa ni Henley bukas, kung ano ang itsura nito ang sabi ni Dad sa akin, Zane Henry Alvarez daw ang pangalan ng lalaki.

Mayaman din ang nag-iisang anak ng pamilya Alvarez iwan ko ba? malalaman ko rin 'yan.

Kade " P.O.V "

Nasa gilid ako ng kama habang hinawakan ang kamay ni lola, hinintay ko siyang magising sabi kasi ng doctor baka nadulas lang ito kaya nahimatay buti at hindi gaano natamaan ang ulo nito sa sahig kung mangyari 'yun, malala ang ano nito maaaring mag cause ng comatose sa lola ko buti at hindi nataman ang ulo.

Kanina may nurse pumasok dito maraming dinala, akala ko naman naligaw lang pero ako pala ang hinanap.

Sabi daw ng nurse may tao daw na nagbigay sa kaniya ng bulaklak, pagkain at isang sobre na may lamang 100k para ibigay sa akin. S'yempre hindi nakapaniwala 'yun wala naman akong kaibigan na sobrang yaman at magbibigay ng 100k sa buhay ko at ngayon lang nangyari ito. Nagtanong ako kung sino ang pangalan na sinasabi niyang kaibigan ko raw, sabi niya hindi ito nagbigay ng pangalan sinunod lang daw niya ang utos nito.
Tinanggap ko naman, sayang kasi kapag hindi ko tatanggapin nakapag-isip nga ako na maghihiram nalang ng pera, pero dumating ang blessing tatanggapin ko.

Sinabi din ng nurse na hindi kuna  kailangan magbayad ng bill sa Hospital dahil binayaran na ito.

S'yempre hindi nga? ako nakapaniwala na wala na akong kailangan bayarin ng bill sa hospital. Sana makita ko yung nagbigay ng bulaklak, pagkain, at pera na bigay niya sa akin, sali na ang binayaran niyang bill sa hospital gusto kulang magpasalamat sa kaniya.

Inisip ko nga? kung sinong kaibigan na maaring magbigay nito sa akin eh, lahat naman sila hindi mayaman.

Hindi naman puwede ingkanto ang tanungin ko, kung sino ang nagbigay nito, s'yempre malaking kalokohan
'yun.

Hindi ako pumasok sa trabaho dahil kailangan kong bantayan si lola. Tinawagan kuna ang boss ko at naintindihan din niya.

Si Clara naman pupunta dito kapag out na, niya sa work ngayong hapon siguro sasama si Valerie para bisitahin ang lola ko.

Pinag isipan ko, talaga kung sinong tao ang magbibigay sa akin nito.
Mababalngiw na siguro ako sa kaiisip dito.

Hinalikan ko ang noo ni lola habang hindi pa ito gising, nagpasalamat ako sa Diyos dahil walang nangyari sa lola ko at may blessing din na biglang dumarating.

Henley " P.O.V "

Habang sumakay ng taxi hindi ko mapigilan na umiiyak dahil sa naramdaman ko ngayon. Malungkot kasi hindi mo magawang ipagtanggol ang sarili mo kahit hindi mo naman gusto, ang plano ng magulang mo! Para sayo.

Siguro nabuhay ako sa mundo, na walang silbi at ang lage kung tinatanong sa sarili ko, kung bakit?

Gusto ko magpakasal sa sariling kong desisyon, sariling mahal ang katabi sa altar pero bakit? pinipilit nila akong ipakasal sa isang lalaki na hindi ko naman gusto paano kung saktan lang niya ako? Paano kapag ginagamit lang niya ako para sa pera? Paano kapag na in-love na ako sa kaniya tapos sasaktan lang pala ako? Mahirap sagutin at intindihin.

Pero bakit? Sarili kong pamilya ang magdesisyon, wala na ba? Akong karapan para magdesisyon sa sarili ko? Puwede naman maghintay sa tamang lalaki na handa akong dalhin sa simbahan, Bakit? Idaan pa, ito sa kamalian!

May panahon naman maghintay.

Dinaan ko nalang sa iyak ang lahat, na parang isang panaginip lang ang nangyari. Siguro sa tingin nila tama sila, dahil magulang ko sila at matanda sila kaysa akin.

Pero mali parin na, pinipilit mo? Ang tao na hindi naman niya gusto!

Pinunasan ko nalang ang luha ko gamit ang panyo na hawak ko. Biglang tumawag si Kuya Lucas sa cellphone ko s'yempre wala ako sa mood kaya hindi ko sinagot ang tawag niya at nagtext din si manong pedro sa akin, na ang inuutos ko sa kaniya ay nagtagumpay.

Mabuti naman at ganon, natulungan ko si Kade. Siguro mamaya kapag out na namin sa work ni Clara, sasama ako papunta sa hospital para bisitahin ang lola niya doon. I bring my lunch para sabay kaming kumain ni Clara kapag lunch break na, nilagay ko ulit ang cellphone ko sa bag at tumingin sa bintana ng taxi habang nagbyahe ito patungo sa Hawaii Restaurant na tinatrabahuan ko ngayon, tinatanaw ang mga kotseng tumatakbo sa kalsada.

WHEN LOVE FINDS YOU (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon