CHAPTER EIGHTH

110 35 0
                                    


Chapter " 08 "

Mandy " P.O.V "

Papasok na sana ako sa Hospital ng nakasalubong ko si Henley na tumatakbo. Habang hinahabol ito ng mga tatlong Bodyguard niya na hindi ko kilala.

Anak ng isda!

Sinubukan kong harangin siya pero tinulak niya ako at nakatakas pa rin, patuloy talaga itong tumakbo hanggang sa nakasakay ito ng taxi.

Anong gagawin ko nito? mapapagalitan talaga ako ng pamilya niya hindi lang 'yun kasali na si Lucas kulang nalang mamatay na ako, sa takot na naramdaman ko ngayon.

Di kaya, natanggap na ito sa trabaho kaya nagawa nitong tumakas? Sa hospital na mahina pa ang katawan o di kaya may rason kung bakit? niya ito ginawa naguguluhan ako.

OMG! Henley, matalino ka? talaga kaysa sa akin.

Paano niya naisahan ang tatlong
bodyguard niya? na mag-isa.

Sinubukan kong magtanong sa mga bodyguard nito para malaman ko, pero malas yata ako. Dahil biglang dumating si Lucas kasama ang isa niyang bodyguard.

Kaya hindi ko nalang natuloy ang pagtatanong.

" Anong nangyari dito? bakit nasa labas kayo lahat? " Tanong niya sa mga Bodyguard

Habang ako nalilito kong anong gagawin kapag biglang magtanong si Lucas sa akin.

" Sir Lucas! natakasan po! kami ng kapatid niyo. "

" Ano? " gulat nitong sabi

Hindi ko na talaga kaya na tumahimik nalang at nakikinig sa kanila, kaya nagsalita ako.

" Totoo 'yun, tumakbo si Henley! para tumakas, sinubukan kong harangin siya pero tinulak niya ako! pagkatapos sumakay ng taxi. " sabi ko kay Lucas habang nag-alala ito sa kapatid niya.

" Alam mo ba? Kung saan ang punta niya o 'di kaya yung lugar na lagi niyang puntahan kaibigan ka? niya Mandy at kilala mo? ang kapatid ko s'yempre alam mo 'yun. " sabi nito sa akin.

Isa lang ang nalalaman ko, baka nasa Restaurant ang punta niya? kung saan doon siya magtatrabaho bilang isang Janitress 'yun lang kasi ang iniisip ko.

Nangako ako kay Henley na hindi ko sasabihin kanino man, kundi ako lang ang may alam at si manong pedro. Kung mangyari 'yun s'yempre malalagot ako sa pamilya niya hindi lang 'yan mawawalan pa ako ng trabaho dahil kay Henley.

Hindi ko nakita dito si Manong pedro at Nakasiguro ako na may alam 'yun, hindi ko alam ang plano nila pero malalaman ko rin 'yun.

Matalino ka? Talaga Henley, magaling magplano.

" Sorry Lucas! hindi ko talaga alam, hindi nga ako nakapaniwala na tumatakas si Henley dito sa Hospital. Subukan mo kayang tawagin, baka sasagutin ka 'nun. " Sinungaling kung sabi kay lucas habang nakita ko sa mga mata niya na, nag-alala ito sa kalagayan ng kapatid niya.

" Siguro hindi niya ako sasagutin kapag tumawag ako! Nag-alala ako sa kanya, it's already 7:30 AM in the morning hindi pa 'yun kumakain. Dapat kasi hindi ko siya iniwan at binantayan ko nalang 'di sana ngayon nakapagpahinga siya ng maayos. " sabi nito

WHEN LOVE FINDS YOU (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon