kabanata 65

434 9 1
                                    

Ramdam ko ang pag-galaw ng paligid ko, ngunit hindi ako tiyak kung anong nangyayare dito. Hindi ko matukoy ang kinagagalingan ng ingay na naririnig ko sa paligid, basta ang alam ko lamang ay hindi ko tuluyang maimulat ang mata ko dahil nasisilaw ako sa liwanag na naaninag ko kahit nakapikit ako. Wala din akong ideya kung nasaan ako ngayon.

Ilang beses akong napakurap nang marinig ko ang malakas na pagbusina ng sasakyan. Ito ang kauna-unahang tunog na nagregister sa utak ko matapos ang panahon na hindi ko tukoy kung gaano katagal. Gusto kong takpan ang tainga ko dahil sa pagkabingi buhat ng tunog na ito.

"damn,"

Hindi ako pwedeng magkamali kung kanino ang boses na 'yun. Kahit na hindi ko magawang ibukas ng mga mata ko, humihiling ako na sana hindi ako dinadaya ng pandinig ko.

"What did you do, RO?"

Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, hindi ko alam kung ano ang bagay na tinurok saakin kanina ni RO. Pero isa lamang ang sigurado: ang bagay na 'yun ang dahilan ng panghihina at pagkahilo ko.

Wala pang ilang segundo pagkatapos kong marinig ang boses na 'yun, naramdaman ko ang paghawak sa baywang ko. Animo'y nakahandang suportahan ang bigat ko, ano mang oras mula ngayon. Hindi ko magawang kontrolin ang katawan ko dahil sa grabeng panghihina na nadarama ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin tukoy kung ano nga ba ang bagay na nagpapahina saakin ngayon, pero alam kong malakas 'yun masyado para gawin akong pansamantalang lumpo.

"It's not permanent—"

"Fuck you!" kasabay ng pagmura nya na 'yun, naramdaman ko ang pag angat ng paa ko sa lupa. "If something bad happened to her, I'm telling you..."
"Chill, man." Even if I didn't see them, I know it's RO whom speaking.

"Five minutes more and she will fully conscious. Unti-unting babalik ang function ng senses nya. Don't worry it had no side effect."

Pasimple kong pinapakiramdaman ang sarili ko. Mas klaro ko nang naririnig ang mga ingay sa paligid kumpara kanina. Ngunit hindi pa rin ako tuluyang nakakita ng maayos. Ilang beses kong sinubukan ibuka ang labi ko, ngunit parang hindi ko ito makontrol.

"That woman is my friend, Mico."

Para akong nabingi sa ingay ng paligid nang marinig ko na sambitin ni RO ang pangalan ni Mico. Para bigla akong nakaramdam ng galak, parang bumilis na naman ang lahat.

He is here...

He is here, holding me...

If this thing is just a dream... or I am in an illusion. I wish to be trapped here forever.

"This woman is mine, RO." He replied using a monotone voice.

Sa pagkakataon na 'yun, muli kong sinubukan imulat ang mga mata ko. Kagaya kanina blurred lamang ang nakikita ko, dalawang pigura lamang ng tao ang naaninag ko. Pero sa punto na ito, binalot ako ng pagkasabik: pagkasabik na masilayan syang muli. Makailang ulit ko pang sinubukan ipikit at imulat ang aking mga mata, umaasang sa muli kong pag-dilat; mabibigyan na ako ng pagkakataon na makita sya. Ilang ulit pa, at parang nakinig ang langit sa aking hiling. Luminaw ang paligid at sa tagal-tagal, animo'y natupad ang aking pangarap nang magtama ang mata naming dalawa.

Dalawang mata na wala ni isang emosyon, isang ilong na naanimo'y pinagpuyatan ng syang lumikha. Isang labi na maihahalintulad ko sa isang mansanas sa kapulahan. Ngunit hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang sugat sa kanang pisnge nya. Hindi ko pa man natatanong kung ano ang nangyare doon; para akong nagkakaroon na ng ideya kung ano ang ginamit para sugatan sya. Itak o kutsilyo? Hindi ko alam, pero alam kong malalim ito.

"M-mico," I mumbled,

Naramdaman ko ang paglabo ng mga mata ko kasabay ng paghaplos ko sa pisnge nya. "M-mico!"
Hindi ko mapigilan ang pag-iyak habang direkta akong nakatingin sa mga mata nya. Hindi ko maintindihan kung ano ang mga emosyon na nararamdaman ko, halo-halo na kasi ito. Naghalo na lahat ng ito.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon