kabanata 55

481 13 0
                                    

"Hindi mo ba icoconsider mag-isip ulit, Mei?" Nag-aalalang saad saakin ni Ryleigh pero nanatiling ang atensyon ko ay nasa mga damit lamang na iniimpake ko ngayon.

I sighed, "ate," Muli akong dumampot ng iba pang mga damit para ilagay 'yun sa maleta na nasa ibaba.

"Nakapagdesisyon na ako at..." I glance at her, "napag-usapan na natin 'to, diba?"

"oo nga, pero—"

"Ate," mariin na saad ko, "please, malalate na tayo sa flight natin. Mag-impake ka nalang din muna,"

Ilang segundo kaming nagkatitigan ng ate bago ako mismo ang mag-iwas ng tingin. Alam kong sariwa ang mga sugat, alam kong pare-parehong nag-iwan ng malaking pinsala ang nangyare saaming lahat.

Saglit na natahimik ang kabuohan ng kwarto ko, ngunit hindi 'yun nagtagal dahil agad din namang binasag ni Ryleigh ang katahimikan. "eto ba talaga ang gusto mo, Mei?"

Nagpawala ako ng malalim na buntong hininga bago ko binitiwan ang hawak kong damit. Umupo ako sa gilid ng kama at nagbaba ng tingin.

"Noong araw na umalis ako sa bahay ng mga Gideon," panimula ko, "may tumatak na kataga saakin na sinabi ni Ally, isang babae na naging biktima ng nakaraan. Sabi nya saakin iligtas ko daw si Amelia..."

Nag angat ako ng tingin kay Ryleigh na mukhang nakikinig ng husto saakin, "iligtas daw kita..."

"Mei,"

"Nawala si daddy," napahikbi ako nang sambitin ko ang pangalan nya, "at alam kong may banta sa buhay mo, Ryleigh. Hindi ko na kaya kung mawawala ka pa, ate—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla akong yakapin ni ate. Hindi ko mapigilang mapahagulgol habang nakayakap sa kanya. Hindi mo maiwasang maalala ang nakaraan, ang araw kung saan huling beses kong narinig ang boses ng ama ko.

"Ate," parang batang nag-susumamo na saad ko, "ate, umalis nalang t-tayo,"

"shhh..." pagpapakalma nito saakin,

Marahan nyang hinaplos ang buhok ko para patahanin ako, "Mei, sige... aalis na tayo,"

Nanatiling manumuno ng luha ang mata ko, nakayakap pa rin saakin si Ryleigh ngayon. Ang mommy naman ay may kinakausap sa salas kaya kaming dalawa lang ang naiwan dito.

"pero," kinalas ni Ryleigh ang pagkakayakap saakin nang muli syang magsalita, tinignan nya akong direkta sa mga mata ko. "paano ang Burgurls... paano si Mico?"

Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan nya mula sa labi ng kapatid ko. Marahil, ang isang rason din kung bakit ako natigilan ay dahil pilit kong inaalis ang lalaking 'yun sa sistema ko.

"I don't want to see him again," walang ganang saad ko, "I will connect to my squad after I get over this one."

"but I still don't want to see each of them now," dagdag ko,

"Mei!" sigaw saakin ni Ryleigh, "wala silang kasalanan sa mga nangyayare—"

"wala nga," kalmado ngunit mariin na saad ko, "pero nirerespeto ko ang desisyon ko ate, ayoko munang makakita ni isa sa kanila ngayon. I want to spend more time with you and mom, I don't want to get any distractions."

Muling binalot ng katahimikan ang paligid, hindi ako naglakas loob na magsalita pa. Bumalik nalang ako sa pag-iimpake ng mga gagamitin ko.

"Hinahanap ka nya," Mahinang saad ni Ryleigh, "gusto ka daw nyang makausap kahit saglit."

Nanatili ang paningin ko sa mga kumpol na damit na nasa lapag. Makalat ang kwarto ko dahil sap ag-iimpake ko ngayon, balak ko kasi ay ang mga importanteng bagay lang ang dadalhin ko, at ang mga damit ay bibili nalang kami ng bago. Pero nang makita ko ang mga sweater ko noong bata pa ako ay napagdesisyunan ko na dalhin ito lahat. Naalala ko kasi ang daddy sa mga ito.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon