kabanata 57

467 8 1
                                    

Nilibot ko ang paningin ko sa kabuohan ng paligid. Hindi ko inaasahan na dito nila kami papapuntahin, ang buong akala ko ay didiretso kami sa mansion ng mga Gideons. Ngunit hindi ganon ang nangyare, sa halip ay nakatayo kami ngayon sa harap ng isang abandonadong gusali na mukhang napakalayo sa kabihasnan.

"They really want to play with us," mahinang saad ni Ryleigh habang nakatayo sa gilid ko.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang gusaling 'yun. Hindi ko sigurado kung nandoon nga ba talaga ang ina ko, pero iisa lang ang bagay na nasisigurado ko: hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita si mommy at hindi ko nabibigyang hustisya ang pagkawala ng daddy.

I pressed my lips as I saw something moving beneath the grass. "Laser eyes, Ate."

Parang nakuha naman agad ng kapatid ko ang ibig kong ipahiwatig. Mula sa gilid ng mga mata ko nakita ko ang paghaplos nito sa baril na nasa bulsa nya.

Dahil sa sobrang layo ng binyahe namin magkapatid, palubog na ang araw nang makarating kami dito. Wala ni isa saamin ang naglakas loob na humingi ng tulong sa mga awtoridad, hindi dahil sa hindi namin sila kailangan kung hindi dahil sa sitwasyon namin ngayon. Gideons are demons walking freely in Earth, demons with countless of tentacles. And we have no idea, who can trust.

"Madami sila," Ryleigh mumbled at me,

Kinagat ko ang pangibabang labi ko bago ako lumingon sa paligid. Agad ko namang nakuha ang bagay na sinabi nya, hindi lang isang damo ang gumagalaw ngayon kung hindi napakarami. Sinandal ko ang likod ko sa likuran ng kapatid ko nang mapagtanto ko na napapaligiran nila kami.

Ang sasakyan naming ay nakapark ilang hakbang mula sa direksyon ni Ryleigh pero hindi namin pwedeng pagtaguan ang isang 'yun. Lalo na kung may nakita akong paa malapit sa likuran ng gulong nito.

"This is a trap," mahinang saad ko kasabay ng paglabas ng dalawang relolver mula sa bulsa ko.

"Ready to get this mission done, Mei?" bulong saakin ni Ryleigh.

I sighed, "dad will scold us both, if he saw what we are into."

Ang atensyon ko ay nanatiling nasa paligid ko. Hindi mabilang na mga tao ang nasa likuran ng mga damo na 'yun, alam kong kayang-kaya nila kaming saktan.

"That made my blood boil," Saad ni Ryleigh bago magpaputok ng baril sa harapan nya, "because we have a chance to heard his voice again."

Naramdaman ko naman ang pagka-alarma ng mga taong nasa paligid ko. Nakita ko ang pagtutok ng baril ng lalaking nakatago sa damo, agad kong tinamaan ang balikat nito nang mapansin ko na si Ryleigh ang target nya.

"One at the time, Mei." Saad ni Ryleigh bago magpaputok ng sabay sa magkabilang direksyon, "but if you want to be outrageous, feel free to make this people know that we are Tantay."

Marahan akong napailing bago asintahin ang lalaking nagpakawala ng bala malapit sa paanan ko. Hindi ko na inintindi ang kapatid ko na mukhang natutuwa pag may nakikita syang lalaking bumabagsak sa lupa. Ramdam ko ang gigil nya sa bawat pagputok ng baril.

Alam kong kagaya ko, nakatanim pa rin sa isipan nya ang nangyare.

"Ryleigh, don't kill—"

"Mei, I didn't..." seryosong saad nya, "...heard what you've said."

Namilog ang mata ko nang sagutin ako ni Ate ng ganon. Akmang lilingunin ko sana ang direksyon nya nang marinig ko ang pagputok ng bala malapit sa braso ko. Mariin akong napapikit nang inadahin ang sakit buhat ng pagdaplis nyun.

"Arg," I mumbled,

"Focus on targets, Mei." Mariin na saaad ni Ryeligh, bago paputukan ang direksyon ng lalaking bumaril saakin kanina. "Okay ka lang?"

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon