kabanata 46

509 13 0
                                    

 Inayos ko ang mga folders na nakabalibag sa sahig. Animo'y dinaanan ng sampung bagyo ang opisina ko ngayon; napakalat at napakagulo. Halatang hindi na ako madalas na nakakabisita dito.

I roam my look around, maraming mga furniture sa loob ng opisina ko at iba't-iba ang mga sukat nito. May malaking mic na nasa wall ko, at mga trophies sa baba na cabinet nito. Naglalakihan ang mga awards na may nakalagay na pangalan ko doon.

mga bunga ng paghihirap ko...

Umupo ako sa tapat ng cabinet na 'yun kung saan nakalagay ang mga trophies ko. Ang ilan sa kanila ay international awards na ginawad saakin biglang pagkilala sa kabayanihan ko bilang isang journalist. Hard work pays off, parang kahapon lang nangyare ang lahat. Isang Tantay na gumawa ng sarili nyang daan para matupad ang pangarap nya. Isang babae na handang gamitin ang boses nya sa kapakanan ng nakakarami.

Natigilan ako sa pag-alala ng mga nangyare sa nakaraan ko nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Nakapatong 'yun sa table na nililinis ko kanina, kaya ramdam na ramdam ko ang pag vibrate nito dahil malapit lang saakin ang kinalalagyan nyun.

"Ate," I mumbled,

"I'm in the middle of preparing for another mission..."

Kumunot ang noo ko sa bungad ng ate ko saakin. Si Ryleigh ay napakamalihim na tao, kaya nga ito naging special agents na wala kaming kaalam-alam, kaya nakakapagtataka na sasambitin nya ng mga bagay na 'yun saakin. Imbis na magsalita ako, tumahimik nalang ako habang pinakikinggan syang magsalita.

"There is something different in this mission,"

"What is it, Ryleigh?"

"I don't know... I didn't yet figure it out." She said after a paused, "but I'll sure will,"

Kumunot ang noo ko, "Why did you call me?"

"where are you, Mei?"

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ko, "RTN, nag-aayos lang ako ng ilang gamit. Malapit na kasi ang anniversary celebration ng mga trainee noong last 2 years,"

"pauwi ka na rin ba?" Tanong ni Ryleigh, pinagsasawalang bahala ang mga sinabi ko.

"yah..." I murmured, "why?"

"pwede bang—hmm..." She paused, "Mei, I need you to go at the house now."

"Now?" takang tanong ko,

"yah, go out now. Bilisan mo Mei!"

Hindi ko napigilang mataranta dahil sa sinabi nya, mabilis kong kinuha ang bag ko na nakapatong sa lamesa. Hindi basta basta sumisigaw si Ryleigh, kaya alam kong importante ang pinapagawa nya. Halos takbuhin ko ang corridor nang makalabas na ako sa opisina ko. Kahit ngiti ay hindi ko nagawa sa mga taong bumabati saakin sa labas.

"eto na, ate," I mumbled, "ano ba kasing gagawin ko pa?"

Halos talunin ko ang distansya ko sa sasakyan ngayon. Hinagis ko na rin ang bag ko sa passenger seat, masyado akong tinataranta ni Ryleigh ngayon. Ilang beses pang muntik mahulog ang susi ng sasakyan ko sa kamay ko nang subukan kong ipasok 'yun sa key hole.

"Agent Luzane is with me in this mission," halos pabulong na saad ng ate, pero sapat na 'yun para marinig ko.

"Ano bang mission 'yan?" tanong ko kasabay ng pag-andar ng makina ng sasakyan.

Mabilis kong minanioobra ang sasakyan ko nang uminit na ang makina nito. May mga naririnig akong mahihinang tunog sa kabilang linya, mukhang naglalakad si Ryleigh ngayon. Hindi ko nalang 'yun pinansin at tinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa kalsada.

Oenomel: Pleasure In Fraud. (BS7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon