Chapter 39

690 18 0
                                    

Enjoy reading
Please follow,vote and comment^_^

Lucas's POV:

Nginisian niya lang ako kaya nilapitan ko na siya. Huminto ako sa harap niya mismo at tinignan siya nang malamig.

"It's been a while, brother."he said.

"Hearing you call me 'brother' makes me feel so disgusted."I said. Agad na sumama ang tingin niya.

"Really? I thought you were yearning for me to call you that."he said and I remained cold.

"Well,you thought wrong."I said and grinned.

Umilag ako nang balak niya sana akong sapakin. Hinawakan ko din ang paa niya na sisipain sana ako.

Binaril niya ako at mabilis ko iyong iniwasan. Binaril ko din siya ngunit naiwasan niya din iyon. Pineke ko siyang sapakin kaya di niya nailagan ang kaliwa kong kamao.

Napaupo siya dahil sa lakas nun ngunit nginisian niya lang ako na parang wala lang iyong sapak na iyon.

Sasapakin ko sana siya ulit ngunit nasalo niya iyon. Tinignan niya ako ng mapang-asar.

"Oh by the way,tell your wife I liked her lips."ngising sabi niya. Nagdilim agad ang paningin ko nang marinig ko iyon.

Marahas kong kinuha ang kamao ko sa kanya at agad siyang pinagbabaril. Mabilis niya iyong inilagan ngunit nadamplisan siya sa braso nung isa.
Nang mapatingin siya doon ay agad ko siyang sinipa sa tiyan kaya napaurong siya at napahawak sa tiyan niya.

"I'm going to f*cking kill you."madiin kong sabi at agad siyang sinugod ulit.

May naramdaman akong paparating na bala sa likod ko kaya umilag ako. Nakita kong lumabas ang mga reapers ni Mikael.

"I'm sorry we're late,Master."sabi ni Six.

"No,it's fine. You came at the right time."Mikael said and smirked at me.

Agad akong sinugod ng mga reapers niya. Inilagan ko ang mga kamao na papunta sakin at pinagbabaril sila pabalik. Nang maubusan ako ng bala ay nilabas ko ang reserba kong baril at mga patalim.

Agad ko silang pinaulanan ng bala. Hindi ko nailagan ang sipa sa likod ko kaya napaurong ako paharap. Sinipa din ako mula sa harap kaya napaatras ako. May sumapak sakin at sinaksak ko naman siya ng patalim ko.

May sasaksak sana sa akin ngunit may bumaril na sa kanya. Nakita kong si Clifford iyon kasama si Lexter at Zed. Agad nila akong nilapitan at hinapit palapit sa kanila.

"Is she okay?"I asked Zed.

"Yes. She arrived safely at the headquarters."Zed replied.

"Good."I said and put my attention towards Mikael.

"Let's do this."I told them and I saw them smirk.

We fixed our gaze towards Mikael. Mikael also faced us while smirking.
Agad silang tumakbo papunta samin kaya sumugod din kami.

I'll win this fight not because I want the title, but because I'm doing for my wife...

Mae's POV:

Nandito na ako sa headquarters nila Lucas at kanina pa ako hindi mapakali dahil sa kakaalala. Nasa kwarto ako at kanina pa ako paikot-ikot dito dahil sa pag-aalala.

Napatingin ako sa balcony ng kwarto na ito. Napangisi ako nang may maisip ako na gawin.

"I won't stay here and no one can stop me from leaving. I have not been following the rules all my life. Guess it's time to release my bad side."I muttered to myself and grinned.

I have broke tons of rules before so breaking this one won't be the first time...

"I'm not called a troublemaker if I'm not."I said and smirked.

Nagbihis na ako at naglagay ng mga patalim sa damit ko at baril. Pumunta na ako sa balcony at tinignan ko kung gaano kataas iyon. Napatingin ako sa puno malapit sa balcony.

Napangisi ako nang may maisip ako. Umakyat ako sa taas fence ng balcony at binalanse muna ang sarili ko bago ako tumalon sa puno. Huminga muna ako nang malalim at agad na tumalon at kumapit sa puno.

Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ako mahulog mula roon. Dahan- dahan akong bumaba sa puno at tumingin sa paligid kung may mga bantay na reapers. Dumiretso ako sa pintuan at may nakita akong kotse na nakaparada doon. Agad akong pumunta doon at napangiti ako nang nandoon pa ang susi. Paalis pa lang siguro yung gagamit nito. Agad kong pinaandar iyon at dumiretso patungo sa venue.

Wait for me,Lucas. I'm coming...

Lucas's POV:

Patuloy ang labanan namin nila Mikael. Tinignan ko si Clifford at naramdaman niya naman iyon kaya tinignan niya din ako.

"Let's split up. I'll take care of Mikael. You guys take care of his men."I said and they nodded.

We split up and I was left with Mikael. I immediately attacked him. Binaril ko siya sa tagiliran kaya napahiyaw siya dahil sa sakit at napahawak doon. Hinagisan niya ako ng kutsilyo. Naiwasan ko ito ngunit nadaplisan ang braso ko.

Sinuntok ko siya pero nailagan niya kaya sinipa ko yung tagiliran niya na binaril ko. Napasigaw siya sa sakit at lumayo sakin. Kinuha ko ang baril ko at binaril siya sa paa kaya natumba siya.

Hinawakan ko siya sa kaniyang kuwelyo at galit na tinignan. Nginisian niya lang ako kaya mas sumama ang tingin ko sa kaniya.

"This is for her."I said and punched him hard.

"For me."I angrily said and punched him again.

"And this, is for my wife!"galit na sabi ko at sinapak siya sa huling pagkakataon.

Duguan na ang kaniyang mukha at sigurado akong maraming dugo na ang nawala sa kanya dahil din sa tama niya.

"You won't live happily,Lucas. Never!" nakangisi niya pang sabi kaya umigting ang panga ko.

Tinulak ko siya at napahiyaw siya dahil sa sakit ng mga sugat niya. Kinuha ko ang kutsilyo ko at tinutok sa kanya.

"Farewell, brother..."I said and threw it directly to his head.

I sighed and turned my back to leave. Nagulat ako dahil pagkaharap ko ay nakita ko si Mae.

"Wife?"I asked. Umiiyak siyang nakatingin sa akin at halata sa kaniyang mata na masaya siyang makita ako.

It hurts me to see her cry...

"Lucas..."she called me.

Lalapitan ko na sana siya ngunit napatigil ako nang maramdaman ko ang pagtama ng bala sa akin. Nakita ko ang gulat sa mata ni Mae at mas umiyak siya.

Napahiga ako at bago ko pa mapikit ang mata ko ay narinig ko ang pagtawag niya sa akin at may narinig din akong sunod-sunod na putok ng baril.

"Lucas! No!"she said.

Ang huling itsura na nakita ko bago ako pumikit ay ang lumuluha niyang mukha habang papalapit sakin. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa pag-iyak niya. Pagkapikit ko ay limang salita lang ang pumasok sa isip ko na gusto kong sabihin sa kaniya.

I love you,my wife...

_________

Next chapter is the Epilogue^_^

MOBA: Mafia Over Badass Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon