Chapter 30

738 23 1
                                    

Enjoy reading 😊
Please follow,vote and comment^_^

Lauren's POV:

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop at hinihintay na dumating si Clifford para makausap siya. Naisip ko na kausapin na siya ngayon dahil wala naman akong gagawin at mas maganda kung mas maaga ko siya kakausapin.

Maya-maya ay nakita ko na siya na papasok na dito. Ginala niya ang mata niya at natagpuan niya naman ako ka agad kaya dumiretso siya agad rito at nginitian ako.

"Good morning!"masaya niyang bati.

"Good morning!"bati ko din. Umupo na siya sa harap ko.

"Sorry kung ngayon lang ako. Kanina ka pa ba naghihintay?"tanong niya.

"Hindi naman."sabi ko at nginitian siya.

"Order muna tayo?"tanong niya at tumango naman ako.

"Ako na mago-order. Ano sayo?"sabi niya.

"Latte at cheesecake na lang sa akin."sabi ko at tumango naman siya.

Tumayo na siya at pumunta sa counter para mag-order. Tinitigan ko ang likod niya habang nago-order siya. Hindi ko maipagkakaila na kinakabahan ako ngayon dahil sasabihin ko na sa kanya na pumapayag na ako na bigyan siya ng pagkakataon.

Maya-maya ay bumalik na siya at umupo nang muli sa upuan sa harap ko.

"So...uhm,bakit mo gustong makipagkita?"tanong niya.

"Huwag kang excited. Hintayin muna natin order natin nagugutom na ko." sabi ko at natawa. Napapahiya siyang tumango at ngumiti.

Tinawag yung pangalan niya at agad niya namang kinuha yung order namin at bumalik dito.

Kumain muna kami saglit at sa buong oras na yun ay walang nagsalita maski isa sa amin. Nang matapos kami kumain ay napatikhim ako para kunin ang atensyon niya.

"Clifford..."tawag ko sa kanya.

"Pumapayag na ko."nakayuko kong sabi.

"What? What do you mean?"tanong niya.

"I'm willing to give you a chance." I said lowly.

"What?! Yessssss!"masayang sigaw niya at tumayo sa upuan niya para yakapin ako.

"Thank you so much for giving me a chance,Lauren. You don't know how happy I am right now!"he said happily.

Napangiti na lang ako habang nakayakap siya sa akin kaya tinapik ko na siya sa likod para humiwalay na siya sakin. Humiwalay na nga siya at bumalik sa upuan niya.

"Don't make me regret giving you a chance."I said.

"I'm telling you,you will never regret it,baby."he said and I can feel his sincerity.

I smiled at him. I don't know why but I feel so happy. Maybe, it's because I've already let out what I wanted to say. I looked at Clifford as he looked at me with full of sincerity.

Don't make me regret my decision, Clifford...

Lexter's POV:

Nasa labas ako ngayon ng coffee shop na pinuntahan ni Lauren at Clifford at pinagmamatyagan ko sila ngayon.
Nakacap, shades at mask ako para hindi nila ako mapansin.

"Hindi ka ba naiinitan?"tanong ni Odelaine.

Napatingin ako sa kanya. Kasama ko siya ngayon dahil gusto ko kasing makita kung ano mangyayari kaya tinawagan ko yung mga kaibigan ni Lau na samahan ako para mangspy.
Si Mae hindi ko na binalak na tawagan dahil alam ko na ngayon na ang training niya kasama si Lucas.
Si Flora naman hindi nakasama dahil may lakad daw sila ng pamilya niya kaya si Laine lang ang kasama ko ngayon.

Tinanggal ko muna ang suot kong mask at shades dahil naiinitan na rin ako ngunit hindi ko tinanggal ang cap ko. Nilapag ko ang mask at shades ko sa lamesa at tinignan siya.

"Bakit mo ba sila kailangan sundan? Wala naman mangyayaring masama kay Lau e'."masungit na sabi niya habang sumisipsip sa Iced coffee niya.

"Alam ko naman iyon. Gusto ko lang siguraduhin na walang gagawin yung kaibigan ko- Ano iyan?! Bakit sila nagyayakap?!"gulat na banggit ko nang makitang biglang niyakap ni Clifford si Lau.

"Ang oa mo! Yakap pa lang yan,Lex. Hindi naman sila naghahalikan. Kalma ka lang. Paano pa kaya kapag naging sila na? Baka himatayin ka sa gagawin nila."natatawang sabi ni Laine. Tinignan ko siya ng masama at binelatan niya lang ako.

"Manahimik ka na nga, Laine. Ang daldal mo!"inis na sabi ko sa kanya. Inirapan niya ako at pinagmasdan ko nang muli yung dalawa.

"Ano ba kasi gagawin natin?! Titignan lang ba natin sila buong magdamag?! Nabobored na ko!"sabi niya.

"Ba't kasi sumama ka pa?"sabat ko naman.

"Inaya mo ko,diba?"inis na sabi niya.

"Puwede ka naman tumanggi e'."sabi ko sa kanya.

"Paano ako makakatanggi kung grabe yung pagmakaawa mo sakin kanina? 'Please,Laine, samahan mo na ko. Pleaseeee! Samahan mo na kooo!'." gaya niya pa sa boses ko kanina at sa sinabi ko.

Tinignan ko siya nang masama at nginisian niya lang ako. Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Pota.

"Nahihiya ka ba? Huwag ka mahiya, kaibigan mo naman ako. Ayos lang iyan."nang-aasar na sabi niya.

"Sasamahan kita sa panahon ng pangangailangan mo."tuloy pa niya.
Mas lalo ko siyang tinignan ng masama dahil sa pang-aasar niya. Natawa siya lalo at nginisian ako.

Dapat pala hindi ko na siya sinama...

"Punta lang ako cr."sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Tumayo siya kaya napatayo din ako. Hinawakan ko siya sa palapulsuhan bago pa siya makalayo.

"Teka!"sabi ko.

"Bakit? Sama ka?"nakangising tanong niya.

"Hindi! Suotin mo itong cap ko! Baka makita ka nila Lau."sabi ko at tinanggal ang cap ko.

Nilagay ko yun sa ulo niya at inayos ang buhok niya. Napatitig ako sa kanya at nakatingin rin siya sakin habang inaayos ko ang cap sa ulo niya.

Hindi ko maipagkakailang maganda si Odelaine. Ilang taon ko na siyang kilala kaya kumportable na ako sa kanya kaya ganito na lang kami kung magbiruan. Napatitig ako sa light brown niyang mata at sa mahaba niyang pilikmata pababa sa ilong niyang tama lang ang tangos at huli sa mapula niyang labi. Maganda si Laine, hindi ko itatanggi yun pero ngayon ko mas napansin ang ganda niya at ako'y naaakit nito.

Matagal kaming nagkatinginan nang may biglang dumaan sa likod kong bata na tumatakbo ng mabilis at nabangga niya ako na siyang dahilan nang paglapat ng labi naming dalawa. Parehong nanlaki ang mata naming dalawa dahil sa nangyari lalo na't nakahawak pa ako sa ulo niya.

Agad kaming napahiwalay sa isa't isa at nagkaiwasan ng tingin. Ramdam ko ang pagkapula ng mukha ko at mas lalo iyong pumula nang may tumawag sakin.

"Kuya?!"rinig kong tawag sakin kaya pareho kaming gulat na napatingin ni Laine kay Lau at Clifford na lumabas sa coffee shop.

Ngunit mas lalo akong nagulat sa sumunod niyang sinabi sakin na naging dahilan nang pagtitigan namin ni Laine.

"Magjowa ba kayo?! Nahuli ko kayang naghalikan!"

*******
Thank you for reading
Please follow,vote and comment^_^

So ito po muna sa ngayon
Malakas po ang bagyo ngayon!
Mag-ingat po kayong lagi!
#StaySafeReaders!^_^

MOBA: Mafia Over Badass Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon