Chapter 03

23 4 3
                                    


Phrygian Prince's Royal Guard

"Andralee, your eyes."

I don't know what's happening too. I don't know why my eyes react with that man's presence. Who is him?  I look intently at his eyes and there,

it was like mine.

Hindi ako makakilos. Nakatitig lamang ako sa mga mata ng binata na sumasalamin sa aking mga mata. Magkaparehas na magkaparehas ito!

"What's with her eyes hijo?" narinig kong tanong ng ina ni Yshmael na mukhang papalapit na rin sa kinaroroonan namin.

"Nothing Mother. It's j-just beautiful, yeah," ramdam ko ang kaba niya. Paano kung ipahuli nila ako sa mga konseho? Hindi maaari.

"Kaparehas ng mga mata mo ang mga mata ni Frost? Tama ba hija?" alam kong malalaman ito ng ama ni Yshmael dahil nakakabasa ito ng isip. Sinasabi ko na nga ba eh. Maling sumama sa kumag na 'to.

"I'm t-the daughter of Queen Fauzia o-of Porto Louis," pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng aminin basta basta na isa akong forbidden, hindi tatagal ang buhay ko kung ganoon.

"You're not my sister Miss," hindi ko maintindihan. Ano raw? Malamang hindi!

"I'm the Prince of Porto Louis and I don't have a sister," malamig na sabi ng binatang nakatitigan ko kanina. Hindi ko na alam kung anong mangyayari!

"So you're a forbidden hija?" obvious ba? Edi huli kung huli, ngunit hindi pwedeng dito lang ako  mamatay. Nangako ako kay Mommy.

"Hindi ako pwedeng mamatay mahal na hari at reyna! Nais ko sanang parusahan niyo na lamang ako kesa ipahuli sa konseho. Pagbabayaran ko ang pagtatakip niyo sa pagkatao ko pangako!" pagsusumamo ko.

Sa pagpasok ko sa palasyong ito, hindi ako nakaramdam ng kahit anong kaba o takot. Ngunit sa pagkakataong ito kinakabahan na ako para sa buhay ko.

"Be my girlfriend then. Make her my girlfriend Father,"  at sino namang hudas iyon? Anong akala niya sa'kin? Trophy? I'd rather die single than being with this shitty guy. Hell nah.

"Shut the hell up Yves," may diing sabi ni Yshmael. Mukhang siya ang nakababatang kapatid ni Yshmael.

"Woah kuya don't tell me you-," hindi naituloy ni Yves ang pang aasar niya sa kanyang kuya dahil pinigil siya nito.

"She's mine. She's under my responsibility. She saved me from being caught as the prince and now I'll save her here," seryosong sabi nito.

Heart beats.

Beats after beats.

"Be my son's royal guard then hija," kalmadong sabi ng hari. Mabigat na responsibilidad ang iniaatang niya sa akin at paniguradong iiwan ko ang tahimik kong buhay para rito.

"If that will cost my life, then I'm willing to be his royal guard your highness," alam kong mahirap pero para sa buhay na pinaghirapang iligtas ng mga magulang ko ay gagawin ko.

"You sure? I'll be good then," he whispered and chuckled beside me. Fucking whisper again, shit.

"Frost bring her to the arena. Let's test her skills," alam ko ang ibig sabihin ng hari. Hindi naman pwedeng isang inutil ang magiging guard ng anak niya.

Pagkarating namin sa arena ay namangha ako sa ganda nito. Halatang ginawa ito para lamang sa pagsasanay nila. Kaming dalawa lang nung Frost ang naglalakad papunta sa gitnang babang bahagi ng arena kaya't napatingin ako sa itaas na bahagi nito at nakitang mula doon nanonood ang hari at reyna pati ang magkapatid na prinsipe.

Mukhang sumasang-ayon sa akin ang mga kapangyarihan ko. Napapikit ako nang ipakita ng aking isipan ang mga galaw ni Frost at sa huli ay natalo niya ako sa aking pagsusulit. Hindi iyon maaari. Hindi ako pwedeng mapahiya rito.

Thanks that I can predict the future.

Alam kong matatalo niya ako sa paggamit ng yelo kaya ang apoy ang aking gagamitin. Looks like he's expecting me to use my ice then, we'll see.

"You look confident babe," ngisi nitong si Frost sa akin. Playboy.

"Excuse me? I don't just look, I'm really confident," I smirked. He's belittling my ability.

I'm planning to let him attack me first before my show, and I wasn't wrong. We're 10 meters away from each other.

He started throwing sharp ice spears and all I do is avoid. He ran towards my position which showed me a glimpse of his white eyes. Bago pa niya marating ang kinaroroonan ko, tumalon ako nang mataas na naging dahilan para mapunta ako sa likuran niya.

Kasabay ng pagharap niya ay ang biglaang paglitaw din ng mga matutulis na yelo sa aking harapan, ngunit mabilis ko itong nailagan.

"Babe you're good at avoiding. Why not show me what you've got?" he smirked. Naiirita ako sa ngisi niya. Akala niya siguro  matatalo niya 'ko, tsk my ass.

"Why? You tired already? Galingan mo naman Mr. Frost," kalmadong sagot ko sa kanya.

Muli niya akong inatake ng mga matutulis na ice spears na kung matamaan ka ay tiyak na tatagos sa katawan mo. Lahat iyon ay nailagan ko. Prinsipe ba talaga ito?

Hindi niya natiis at lumapit na siya sa akin at sinulubong ako ng suntok. Nasalag ko ito gamit ang palad ko at saka ko sinipa nang malakas ang likod ng tuhod niya na siyang nagpaluhod sa kanya. Hindi ako nakuntento kaya tumalon ako at umikot para bumwelo para sa isang malakas na sipa sa panga niya.

Napahawak siya sa mukha niya at mukhang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Bigla niyang itinapat ang mga palad niya sa kinatatayuan ko na siyang nagpako sa kung nasaan man ako. Sa isang iglap nababalot na ako ng yelo!

Ayoko sanang gamitin ang kapangyarihan ko ngunit hindi ako makakilos kaya nagsimula na akong painitin ang katawan ko. Sa sobrang init ay kahit ang gawa niyang yelo ay natunaw.

"Let the show begins," I smirked when I saw confusion in his eyes. Not expecting this eh?

Bago pa siya makabawi sa kanyang pagkagulat ay sinimulan ko nang atakihin siya ng aking fire balls. Mabilis niyang iniilagan ito ngunit hindi nya inaasahan ang isa ko pang fire ball na bumulusok sa kanya.

Biglang nasunog ang kanyang kasuotan at sinubukan niya iyong patayin gamit ang yelo niya. Ngunit dahil apoy ko ito, walang makakapatay non kung hindi ako lang.

Bago ko lapitan ang posisyon ni Frost, I made a sword using my ice. I positioned myself on his top while pointing my sword on his neck. Inihipan ko ang nagliliyab niyang braso habang nakatapat pa rin ang aking espada.

"What now?" I asked him while I'm still on his top. I'm literally sitting on his stomach. He looked at me like he's somehow amused or I can see that he likes what's happening right now?

"You look hot in there babe," sumipol siya at pinasadahan ng tingin ang katawan ko. Nagawa niya pang ilagay ang braso niya sa uluhan niya na para bang gustong gusto niya ang nangyayari.

Mabilis akong tumayo at itinutok pa rin ang espada sa kanya, mahirap na. Manyakis.

"King she's good. I think this hot woman right here can protect your son," tumayo na siya at tinunaw ko na rin ang yelong espada ko.

Habang pinapagpagan ko ang damit ko, biglang niya akong ninakawan ng halik sa pisngi!

"ASSHOLE!" sigaw ko sa kanya. Napakamanyakis ng prinsipeng iyon! Hahabulin ko sana siya at bibigyan ng leksyon ngunit nakalabas na ito ng arena.

"That asshole is invading someone's property," napasinghap ako sa biglang pagsulpot ni Yshmael sa gilid ko. Parang mushroom ang lintek na 'to.

"Makakabawi rin ako doon tsk," naglalakad kaming dalawa palabas ng arena dahil kami ang nahuli.

"Nice fight for my gorgeous royal guard," he whispered and chuckled, again!

Fuck Yshmael and his whispers!

Kinikilig ba ako?

( ˘ ³˘)♥

EtherealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon