Chapter 10

15 1 0
                                    

Quarrel

"Celestial"

He looks pissed and cold at the same time. If I was right, tapos na ang event pero hindi ako sigurado dahil papunta pa lang naman ako.

"I heard what happened. You okay?" he held my shoulders and checked if I was okay. His eyes wandered from my head up to my toe and then back to my eyes. I can feel that he's really worried. Umalis ba naman sa event na specially for them.

"I'm fine, uhm Phillip helped me. Tapos na ang event?" slowly, his hands fell from my shoulders. I felt that something is off because I can sense his disappointment. Did I said something inappropriate? Because I feel like I did.

"Not yet, let's go there?"

"Yeah," nilingon ko si Phillip para sana magpaalam at magpasalamat pero wala na siya roon. Hindi ko naramdaman ang pag alis niya. Muli kong ibinalik ang tingin kay Yael at nakitang nakatitig siya sa akin habang ang kilay ay magkasalubong.

"Uhm is there something wrong?" sinilip ko ang mukha niya dahil bigla siyang yumuko.

"Nothing," iniwas niya ang mukha niya at tumalikod sa akin. Pero nilingon niya ako ulit bago naunang naglakad.

I can feel that there is a tension between us. Before, he walks before me and now it was me who walks before him. Ganito naman dapat diba? Hindi dapat ako naninibago kasi ganito naman dapat mula umpisa dahil royal guard niya ako.

Narating namin ang auditorium at hindi pa nga tapos ang event. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang hindi mapakali si Hesse sa upuan niya. Halatang may hinahanap. Hindi ako sigurado pero siguro naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin.

"Andee!" sigaw niya at tumayo siya habang isinisenyas ng kamay niya na lumapit ako sa kanya. Hindi ko gustong umalis na naman sa tabi ng lalaking 'to kaya tinuro ko si Yael at ginaya ang itsura ng isang torong galit. Alam kong mukhang tanga 'yon pero mas okay iyon kaysa sumigaw.

Dahil may pagkatarantada si Hesse ay tumawa siya nang pagkalakas lakas, habang tinuturo turo ako. Napalingon si Yael sa akin kaya umayos ako ng tayo. Nakita niya sigurong sa'kin nakatingin si Hesse. Pucha, lupa kainin mo na 'ko.

"What's wrong?"

"Ah, she's my friend," pilit akong ngumiti sa kanya para itago ang kahihiyan.

"You can go with her, balik na 'ko kila Frost."

And with that, he left me.

I think he's mad, like really. I don't know what did I do. If that's because of Phillip or I don't know. Saka kung babawi naman ako, paano? Damn Yael,  where's your sweet side now?

Nagising ako sa pagkatulala habang malalim na pag iisip at nakitang wala na siya roon. Pumunta na lang ako kay Hesse at umupo sa tabi niya. Maybe she can help me, geez definitely no. She'll just tease me.

"I think Yael's mad," sabi ko sa kanya pagkaupong-pagkaupo sa tabi niya at tumulala sa stage na nasa harapan.

"Ah kaya pala. Ano ba kasing nangyari girl?" humarap siya sa'kin na tila ba handa na makinig para sa aking tea.

I told her what happen from that shit that happened in the field hanggang sa nakita ako ni Yael sa labas ng gymnasium kasama si Phillip. Pagkatapos no'n ay tumawa siya at pinagmasdan iyong suot ko.

"Omg love triangle na kaya ito? Ay jusko Andee bet ka niyan ni Ephraim," Ephraim? Sino na naman kaya 'yon?

"Sino si Ephraim?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EtherealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon