"I wish I could unmiss you
Reverse the time so I could unmeet you."
Unmiss You | Clara MaeHaving the same color with water and night sky, some people say that blue-green symbolizes tranquility and peace.
I never believed that though.
Naalala ko kasi noong unang beses kitang nakita, nagtatalo ang kulay ng asul at berde sa buhok mo. Hindi ko alam kung sinadya mong maging gano'n kasi sa pananaw ko noong mga panahong 'yon, parang pinag-trip-an mo lang naman ang buhok mo. Kung ang iba, naiisipan na lang bigla na gupitan yung buhok nila o magpalagay ng bangs, ikaw naman ay para bang naisipan na lang bigla na magpakulay. Walang sapat na dahilan, basta ginawa mo na lang kasi gusto mo. Even slightly, you were not bothered that most of the hikers and hiking guides were eyeing you. Some were looking at you with pure interest, some were just curious but there were also few of them who were staring at you with malice, disgust or hostility. Ang akala ko nga ay hindi mo na talaga sila papansinin pero bigla ko na lang narinig na nagsalita ka at humarap sa isang partikular na grupo ng kalalakihan. "Ano bang itinitingin-tingin niyo, ha? Masyado ba 'kong maganda para sa bundok na 'to?" nakangiting sabi mo pa sa kanila.
Sasagot na sana sila nang itaas mo ang isang kilay mo saka umirap. Napangiti ako sa ginawa mong 'yon.
Hindi na nawala 'yung atensyon ko sa'yo mula nang mapagmasdan kita sa pagkakataong 'yon. Naka-maroon ka pa ngang short shorts, naiiba sa isang babae at tatlong lalaki na kasama mong nagtatawanan noong mga sandaling 'yon. Lahat kasi sila, hindi mo pagdadalawang-isipan na aakyat talaga ng bundok dahil sa mga suot nila samantalang ikaw, short shorts at midriff shirt lang. Dahil natawag mo ang pansin ng ibang mga hikers na kasabay natin, nakita ko na lang na inabot sa'yo ng kasama mo 'yung jacket niya. Tumango pa siya sa'yo na para bang inuudyok kang isuot na lang 'yon at hayaan na ang mga nasa paligid. Mabuti naman, nasabi ko na lang sa isip ko.
Akala ko isusuot mo na 'yon, pero pahagis mo lang na ibinalik sa kasama mo. Kasabay ng pagkunot ng noo niya ang paglapit ko nang bahagya sa lugar niyo.
Humarap ka ulit doon sa grupo at unti-unting naglakad palapit sa kanila. May ilan sa kanilang tumango at ngumisi sa kasama rin nila.
Sinubukan kang pigilan ng mga kasama mo pero halata namang hindi rin nila kaya.
"Anong problema niyo?" mataas ang boses na tanong mo sa grupong 'yon.
Tumayo 'yung isa at akmang aakbay sa'yo, pero mabilis kang lumayo sa kanya.
"Gago ka, bastos!" Isa-isa mong tinapunan ng tingin ang iba pa niyang kasama. "Mga bastos kayo! Umalis nga kayo rito, tangina, dapat sa inyo na-re-report eh! Hindi naman hike ang ipinunta niyo rito!"
"Ikaw 'tong nagsuot ng gan'yan tapos kami sisisihin mo?" singhal ng isang lalaki na siya ring tumingin sa'yo mula ulo hanggang paa. "Tingnan mo nga 'yung kulay ng buhok mo, 'yung hitsura mo, para kang--"
Hindi na naituloy no'ng lalaki 'yung sasabihin niya dahil sa ginawa mo.
"Tanginang utak meron ka!" sigaw mo pagkatapos siyang sipain. Gaganti pa nga sana 'yung lalaki, mabuti na lang at may mga hiking guides na na lumapit at namagitan sa inyo.
Hanggang sa makababa tayo ng bundok, patuloy ka pa ring pinakakalma ng mga kasama mo pero nabigo lang sila. Doon ko nasigurong ikaw 'yung tipo ng babae na hindi basta-bastang mananahimik. Hindi basta-bastang uurong o magpapatalo na lang. Hindi rin basta-bastang makalilimutan.
Ikaw . . . 'yung tipo ng babae na hindi basta-bastang mawawala o maaalis sa sistema.
Kung alam ko lang nga na hanggang doon lang pala, hindi ko na sana hinayaan pa.
If only I knew that everything would just end there, I wouldn't have let myself be drawn into your blue-green hair.
If only I didn't let myself be drawn into you . . . then I wouldn't have missed you this much even after these years.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Short Story[Completed, An entry to RomancePH Contest entitled Remembering November Love] "There are too many kinds of love-from great to mediocre, painful to joyful, young to mature, risky to safe, most-awaited to unexpected-but ours was the one that will neve...