NF 05: Her Name

70 17 46
                                    

"Can I keep you as a souvenir?"
Souvenir | Avril Lavigne

Sa likod ng larawan na iniwan mo para sa'kin ay may dalawang titik na nakasulat—LJ.

Noong una ay hindi ko pa maunawaan kung ano bang ibig sabihin ng dalawang titik na 'yon.

Saka ko na lang naalala ang naging pag-uusap natin noong pangalawang beses mo 'kong niyaya na tumakas at sa mas malayo pang lugar.

"Tara na kasi, samahan mo 'kong mag-roadtrip! Adventure 'yon." Hindi ko alam kung may matibay ka bang dahilan kung bakit niyaya mo 'kong mag-roadtrip na lang bigla sa labas ng Peningsur o katulad ng dahilan mo sa maraming bagay, sadyang na-trip-an mo lang.

"H-Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Saka p-paano naman kita sasamahan kung hindi pa nga tayo magkakilala? Hindi mo pa nga alam ang pangalan ko," sagot ko sa'yo na may pag-asang malalaman ko na rin ang pangalan mo.

Ngumisi ka lang sa'kin. "Bago ako umalis, mag-iiwan ako ng something . . . ng souvenir para sa'yo. Doon ko ilalagay ang pangalan ko." Nang mga panahong 'yon, napagtanto kong LJ ang pangalan mo.

Pero nawala na rin ang saysay ng bagay na 'yon, dahil hindi ka naman bumalik.

Kahit summer o hindi ng mga sumunod na taon, walang LJ na nagpakita sa'kin.

Walang motor na naghihintay sa labas ng subdivision namin. Walang nag-aayang mag-adventure.

Wala ka at hindi na bumalik pa.

Sa paglipas ng mga taon, oo at aminado akong hindi talaga kita nakalimutan. Paulit-ulit ka pa ring sumasagi sa isip ko. Ngunit sa paglipas din ng panahon, marami na rin akong napagtanto.

Na siguro nga, sadyang hindi lahat ay nananatili. Sadyang hindi lahat ay kailangang maging pangmatagalan para magampanan ang tungkulin nila sa buhay natin. At sadyang hindi lahat ng pag-ibig, kailangang mabigyan ng pagkakataon. Dahil minsan, sapat nang naranasan at naramdaman ng isang tao ang umibig. Sapat na ang mga alaala na lang. Minsan . . . sapat nang hanggang doon na lang.

There are too many kinds of love—from great to mediocre, painful to joyful, young to mature, risky to safe, most-awaited to unexpected—but ours was the one that will never be forgotten, for I never got the chance to tell that it was love all along. I only realized it . . . way too late.

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon