"Fuck the rules."
Midsummer Madness | 88rising"Pst!"
Hindi ko akalaing maiisipan mong kausapin ako noong mga sandaling 'yon. Nang lumingon ako sa'yo ay napansin kong mag-isa ka. "Nasaan ang mga kasama mo?" gusto ko sanang itanong.
"Naliligo sa talon 'yung mga kasama ko, 'di ba nakita mo naman sila kanina no'ng nasa peak tayo? 'Yon sila oh!" Napatango na lang tuloy ako noong itinuro mo sila gamit ang tumbler na hawak-hawak mo habang kausap ako.
Ngumisi ka. "Ikaw ah! May nangyari lang kasing gulo kanina kaya hindi kita agad nakausap pero pansin kong kanina mo pa 'ko tinititigan. Nasa bukana pa lang tayo ng trail, pansin ko na! Tell me, are you just like those men?" naniningkit ang mga matang usisa mo sa'kin.
Agad akong napailing sa mga sinabi mo. "H-Hindi. Hindi sa gano'n, sorry." Nakatungong sagot ko. "K-Kakaiba kasi . . . 'yung buhok mo. T-Tapos . . . ang astig mo pa."
Tinapik mo 'yung magkabilang balikat ko. "Huy, ano ka ba! Joke lang naman, ramdam kong mabait ka at hindi katulad nila."
"S-Salamat." Gusto ko sanang ngumiti pero isang simpleng tango lang ang naisukli ko sa'yo.
Sumandal ka sa isang malaking bato malapit sa ating dalawa at iminuwestra mo sa'kin ang espasyo sa tabi mo. Tiningnan lang kita noong mga oras na 'yon. Bakit parang ang bait mo sa'kin, kahit unang beses lang naman nating pag-uusap 'yon?
"Upo ka, huy! Usap tayo, dali!" masiglang tawag mo sa'kin.
"Bakit nag-iisa ka? Taga-rito ka ba talaga sa Peningsur? Lagi ka sigurong nagha-hike, ano?" sunod-sunod na tanong mo nang makaupo ako sa tabi mo.
Natawa ako sa'yo dahil doon.
"Hala siya, bakit tumatawa ka d'yan mag-isa? Sagutin mo kaya 'yung mga tanong ko para nagkakaintindihan tayo rito, 'di ba?"
Huminga muna 'ko nang malalim bago bumaling sa'yo. "Taga-rito talaga ako sa Peningsur. I-Ikaw ba?"
Ngumiti ka na naman na para bang sobrang saya mo na sa pagsagot ko sa tanong mo. Samantala hindi ko pa naman nasasagot ang iba pang mga tanong mo.
"Kaya mo naman palang sumagot ng tanong eh!" Ihinarap mo sa mukha ko ang isang kamay mo. Huli na noong napagtanto kong gusto mo palang mag-apir tayo. Nahihiya na sana ako dahil para 'kong walang alam pero mas nangibabaw sa'kin 'yung kakaibang pakiramdam no'ng ikaw mismo ang kumuha ng kamay ko para magawa mo 'yung naiisip mo. "Ako kasi, hindi taga-rito. Pinag-summer vacation lang ako rito ng mga parents ko. 'Yung mga kasama ko, mga pinsan ko 'yon, sila naman ang taga-rito talaga. Kaya nga ako lang ang naiibang suot sa amin. Hindi kasi ako nakapagdala ng mga damit na pang-hiking. Ayaw ko naman humiram sa kanila, kaya ganito tuloy," paliwanag mo.
Tumatango-tango lang ako sa ipinaliwanag mo. Hindi ko naman kasi alam kung anong dapat kong sabihin sa'yo nang marinig ang kwento mo. Hindi ko alam kung dahil lang ba 'yon sa kawalan ko ng salitang maisasagot o dahil sa lungkot at kakaibang kirot na naramdaman ko nang sabihin mong nagbabakasyon ka lang naman sa lugar namin. Ibig sabihin . . . aalis ka rin.
"Ikaw?"
Napilitan akong tumingin sa'yo . . . sa mga mata mo. "H-Ha? Anong ako?"
"Ikaw, anong kwento mo? Kung taga-rito ka nga talaga sa Peningsur, bakit mag-isa ka lang? Wala ka bang mga kaibigan? Family or relatives?" Kung alam ko lang na talagang curious ka lang noong mga pagkakataong 'to kaya ang dami mong gustong malaman, hindi ko na sana binigyan pa ng kahulugan.
"Bakit pa 'ko magkukwento sa'yo? Panigurado namang aalis ka lang din dito sa Peningsur?" gusto kong isagot sa'yo.
Isang alanganing ngiti lang ang naiganti ko. "U-Uh, wala naman akong maikukwento. Boring ang buhay ko." Nag-iwas lang ako ng tingin bago napakamot sa gilid ng noo.
"Alam ko na, may solusyon ako d'yan! Tara!" Mabilis kang tumayo at nag-abot ng kamay sa'kin.
Kunot-noo lang akong tumitig sa'yo.
"A-Anong ibig mong sabihin? S-Saan tayo pupunta? Bawal pa kayong umalis hangga't hindi pa sinasabi ng hiking guide niyo . . . 'di ba?"
"Akong bahala!" masiglang sabi mo pa, habang naka-thumbs up. "Ako ngang bahala! Tara na kasi!"
Hindi na ako nakatanggi nang mabilis mo 'kong hinila patayo at tinangay sa pagtakbo mo palayo sa mga kasabay nating hikers at guide.
BINABASA MO ANG
Never Forgotten
Short Story[Completed, An entry to RomancePH Contest entitled Remembering November Love] "There are too many kinds of love-from great to mediocre, painful to joyful, young to mature, risky to safe, most-awaited to unexpected-but ours was the one that will neve...