NF 04: Her Farewell Gift

63 17 31
                                    

"Make the last time just like the first time
Push a button and rewind"
Summer Love | One Direction

"P're, may iniwan nga pala siya, ibigay ko raw sa'yo kapag nakita kita. Sakto namang pumunta ka, ito oh." Inabot sa'kin ng pinsan mo ang isang maliit at kulay asul na sobre.

"S-Salamat!" sambit ko bago tuluyang umalis sa bahay ng pinsan mo.

Nang makailang hakbang ako ay muli kong nilingon ang motor. Para bang huling lingon ko na 'yon doon, kakaibang pakiramdam ng pamamaalam ang ibinigay sa'kin ng sandaling 'yon.

Pinili kong balikan ang lugar na pinuntahan natin noong unang beses mo 'kong pinilit na tumakas—sa taniman ng mga mangga at sa ilalim ng pinakamalaking puno ng mangga sa taniman na 'yon.

Umupo ako at dahan-dahang tiningnan ang laman ng sobre. Pakiramdam ko ibinabalik mo 'ko sa mga lugar at sandaling nagkasama tayo dahil sa iniwan mong bagay para sa'kin—isang larawang kuha mula sa asul mong polaroid camera.

Larawan nating dalawa. Ito 'yung unang selfie natin kung saan sapilitan mong ipinatanggal sa'kin ang salamin na suot ko. Sabi mo kasi, gusto mong mapagmasdang mabuti ang mga mata ko. Kaya naman wala rin akong nagawa kundi sumunod sa'yo kahit pa paraan mo lang pala 'yon upang makapag-picture tayong dalawa na kung saan kitang-kita ang mukha ko at ni hindi man lang ako nakapaghanda para sa pag-click mo ng camera.

Kahit pa gano'n at mukhang ewan ang hitsura ko sa larawang 'yon, hindi ko pa rin mapigilang tumitig doon.

Sana sa bawat pagtitig ko sa larawang iniwan mo, maari rin akong makabalik sa mga pagkakataong nagkasama tayo . . . at naging masaya.

Never ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon