Chapter 16

7.2K 235 153
                                    

Yana's POV

Nawiweirduhan ako sa mga nakaraang araw.

Una, palagi na lang akong nililigtas ni Jungkook. Yung sa sofa at sa bag. Pangalawa, nagtalo kami ni Briyella nang dahil sa kanya. Pangatlo, kinuha niya yung number ko. At pang-apat, sinabi niya na mag-iingat ako dahil mahalaga ako sa kanya.

Mahalaga na raw ako sa kanya kahit ngayon-ngayon pa lang kami nagkakilala.

Kainis. Kinikilig kasi ako sa mga ginagawa at sinasabi niya sa akin.

Okay naman.

Na hindi.

Hindi okay kasi may mali sa nararamdaman ko. Alam ko namang hindi tama 'to. Dahil unang-una, fan lang ako. Oo fan na ako at siya, isang idol na mahirap abutin.

Sa huli, alam ko namang walang patutunguhan 'tong feelings ko.

Okay na nga pala kami ni Briyella. Nagselos pala ang bruha. Kasi nga di ba, gusto niya si Jungkook. Napapansin niya raw kasi na medyo close na kami. E sa kanya, hindi pa raw. Kaya ayun nagsenti ang lola mo. Tsaka pansin din niyang mas masaya raw ang Bangtan kapag nandun ako. Syempre, Yana pa ba. Huehue. Pero siguro nga dapat hindi na ako masyadong lumapit kay Jungkook para iwas away sa amin ng kapatid ko at mawala din 'tong nararamdaman ko para sa kanya.

Tama. Lalayuan ko na siya.

"Tulala ka na naman dyan."

May isang boses na parang kumausap sa akin. Lumingon naman ako. Sino ba 'tong-

"Uy Jungkook."

Napalunok ako nung makita ko siya. Jusko Lord. Paano ko ba lalayuan 'to kung siya mismo ang lumalapit sa akin.

"Tulala ka yata? Iniisip mo ako no?"

Oo iniisip kita at iniisip ko kung paano ka lalayuan.

"Hindi ah. Kapal mo naman." Napatawa na lang siya sa sinabi ko. Tumabi siya sa akin dito sa sofa at nilabas yung phone niya. Tinignan ko lang siya.

"Sasama ka ba?" tanong niya pero hindi siya tumingin sa akin.

"Saan?" tanong ko naman habang nakatingin sa nilalaro niya.

"Sa puso ko?"

FCK.

"Baliw."

"Joke lang hehe. Sa HongKong."

Yan tayo sa mga joke mo Jungkook. Hindi mo ba alam na jokes are half meant? Nakakainis ka.

"Hindi ko alam. Wala pa namang sinabi sa amin." sagot ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at nagpatuloy na sa paglalaro ng timber man. Wala akong magawa kaya pinanood ko na lang siyang maglaro. Ang boring.

Aha, may naisip ako.

"Jungkook, kantahan mo nga ako." sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin tapos pinatay niya yung phone niya at ibinulsa ito. Pagkatapos ay humarap siya sa akin.

"Anong gusto mong kanta, Yana?" tanong niya.

"Uhm, kahit ano."

Nag-isip muna siya ng kakantahin niya. Excited na ako. Ano kayang kakantahin niya sa akin? Nakatitig lang ako sa kanya habang nag-iisip siya. Sinusubukan kong kumalma at hindi kiligin kasi. Ako na. Ako na ang kakantahan ni Jungkook.

"Sana magustuhan mo, Yana." sambit niya at ngumiti sa akin.

"Yes you're my only girl
Neoneun naege choego
Neoui harureul algo sipeo,
Neoui hansumi doego sipeo..

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon