Chapter 12

6.1K 295 49
                                    

Yana' POV

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Jungkook. Pati nga mismo ako nagulat sa mga pangyayari.

"Ako Yella, gusto kita."

"..."

"..."

"..."

Anong?! Nagconfess ba si Jungkook kay Briyella? O double meaning yun?

Nagpapalit-palit ng tingin yung anim at si Mr. Son kina Briyella at Jungkook.

"Ahehehe I mean, gusto kitang maging make-up artist ko." sabi ni Jungkook habang kinakamot-kamot yung ulo niya.

Napabuntong-hininga ako. Akala ko naman.

"Ayun naman pala!" sigaw ni Jimin habang habang hawak-hawak yung dibdib niya.

"Ito talagang si maknae!" sigaw naman ni Yoongi.

"Wew! Akala namin kung ano na!" sabi ni Hoseok.

"Jungkook ha?!" sabi naman ni Jin tapos hinampas niya ng bahagya si Jungkook sa may balikat nito.

Nakahinga na ng maluwag yung anim. Ako nga rin. Akala ko kung ano na. AKALA KO IBA NA.

Ang gulo. Bakit parang hindi ko gusto yung narinig ko?

Kasi noong mga nakaraang buwan at araw parang concern na concern si Jungkook sa akin. Lagi niya akong sinasabihang ingat daw ako. Alam kong natural lang yun, pero noong sa kanya na nanggaling, nag-iba yung dating.

Medyo nakalimutan ko na nga si Taehyung dahil sa kanya. Alam kong medyo malandi ang dating ko. Jungkook tapos Taehyung? Hindi naman ako malandi. Ni hindi ko nga sila nilalapitan. Nagmamahal lang naman ako ng palihim e.

Pero noong narinig ko yung sinabi ni Jungkook kay Yella, bakit parang nasaktan ako? bakit parang nagseselos din ako?

At bakit parang may mali rito sa nararamdaman ko?

"Ah hehe ganoon ba Jungkook? Thank you ah?" Sabi ni Yella sa kanya. Tinignan ko si Jungkook. Bakit parang iba yung tingin niya kay Yella?

"Walang anuman. Basta ikaw, Briyella." Sagot ni Jungkook.

"Kayo talaga. Pwede namang kahit sino sa kanila ang maging p.a niyo. Nag-aagawan pa kayo diyan." Sabi ni Mr. Son sa kanilang pito. Pag-agawan daw ba naman kasi ako. Huehue.

"Oo nga naman!" Sigaw ni Yoongi.

"Ang galing mo Mr. Son!" Sigaw ni Taehyung. Hahaha. Nakakatuwa talaga siya lalo na sa personal.

"Osya dali na. Magpractice na kayo at mamaya na ang rehearsal niyo sa KBS."

Tumango naman yung Bangtan at tinuloy na ulit ang pagpapractice. Quotang-quota na nga yung mga mata namin ni Yella. Puro maskels omg. Tapos kami pa yung nag-aabot ng tubig sa kanila. Nilagay nga ni Yella sa bag niya yung pinag-inuman nila. Baliw talaga yun.

Pagkatapos ng tatlong oras na practice nila, pumunta na kami kaagad sa KBS. Magsisimula na kasi maya-maya yung airing nila at isa sa mga magpeperform ang Bangtan.

Nandito kami ngayon sa dressing room kasama ang Bangtan. Inaayusan ko ngayon si Jungkook. Si Taehyung naman ang inaayusan ni Yella. Yung limang members, ayun tapos na at pavideo-video na lang ng bangtan bomb. Tiyak na may kababaliwan na naman ang ARMYs.

"Jungkook, okay na. Nagustuhan mo ba yung ayos mo?" Tanong ko sa kanya habang inaayos yung buhok niya.

"Wow. Lalo akong gumwapo sa ayos mo, noona." Pabirong sabi niya. Sus Jungkook wag ka ngang ganyan. Binobola mo pa ako e. Kinikilig tuloy ako. Joke.

Jokes are half meant, Brianna.

"Ganun? Sige libre kita mamaya." Biro ko tapos tumawa ako. Natawa rin siya sa sinabi ko. Para kaming batang nagtatawanan dito. Nagsisitingan na nga yung ibang staffs sa amin. Wow Yana close na kaagad kayo ni Jungkook?

"Sabi mo yan noona ah. Pag wala akong libre, lagot ka sa akin." sabi niya.

"Ililibre nga kita. Haha. Tsaka ano ka ba, di ba sabi ko Yana na lang ang itawag mo sa akin?" sagot ko.

"Eh..sige na nga, Yana." Sagot niya tapos ay nginitian niya ako.

Napakaganda ng mga ngiti niya. Parang bunny. Tinitigan ko siya, ang gwapo niya talaga. Gwapo naman lahat ng miyembro ng Bangtan pero ewan ko dahil sa kanya ako pinakanagwagwapuhan. Nakatitig pa rin ako sa kanya, ineeksamina ang bawat parte ng mukha niya. Yung mata niya, yung ilong niya, yung labi niya. Hindi ko nga namamalayang nakatingin na rin pala siya sa akin.

"Staring is rude, Yana." sabi niya.

Bigla naman akong bumalik sa wisyo ko. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.

"Staring is rude, Jungkook." Sagot ko pabalik.

"Haha wag kasi masyado. Baka matunaw ako niyan, Yana." sabi niya.

"Ang gwapo mo kasi, Jungkook. Lalo na nung inayusan kita. Hehe." Biro ko sa kanya.

Hala shet naman Yana nakakahiya ka!!! Huehue. Nahuli niya pala akong nakatingin sa kanya. Ang pula-pula ko na siguro.

"Ikaw, kahit hindi ka mag-ayos, maganda ka na." Sabi niya sa akin at ginulo ang buhok ko. Pagkatapos ay lumakad na siya papaalis.

Dug dug

"Jungkook wait lang! Bibihisan pa kita!" Sigaw ko sa kanya.

Ang kulit talaga ng batang 'yon. Tinakbuhan ba naman ako e hindi pa nga siya nakabihis ng attire nila mamaya. Pasaway na maknae talaga. Sinundan ko siya sa pinuntahan niya habang dala-dala na yung damit at mga accessories na gagamitin niya.

"Ang kulit mo talagang bata ka." Sabi ko sa kanya tapos hinila ko siya sa braso niya papalapit sa akin.

Medyo napalakas yata yung hila ko sa kanya kaya na-out of balance kaming dalawa.

"Uy uy Yana!" narinig kong sigaw niya.

Hinila niya ako pabalik kaya ang resulta, nahulog kaming dalawa sa sofa.

Shit.

Ang lapit ng mukha ko sa kanya.

Nasa ibabaw niya ako habang hawak-hawak ko yung dibdib niya. Siya naman ay nakasuporta at nakayakap sa likuran ko.

"Y-Yana. Okay ka lang ba? Muntik ka na dun." Tanong niya sa akin. What the eff ang bango ng hininga ni Jungkook.

TURN ON.

Hormones please. Wag ngayon.

Ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Nakatitig lang siya sa akin. Tinignan ko rin siya at pinagmasdan ang mga mata niyang punong-puno ng pag-alala.

Jungkook. Ngayon alam ko ng concern ka talaga sa akin.

"O-Okay lang ako Jungkook. S-Salamat."

Hinawakan niya yung magkabilang-side ng mukha ko at tsaka ako tinitigan sa mata. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

"Yana naman, pinag-alala mo ako. Buti na lang nasalo kita."

Ayokong aminin sa sarili ko, Jungkook pero.

Nahulog na nga yata ako sayo.

Golden-Kookie's Note:
Salamat sa mga nagtatyagang magbasa neto mahal ko kayeung lahat <3 thank you timothyJK! Flinood mo notifs ko ng votes mo /throws heart/. And thank you rin Kookiefied tuwang-tuwang talaga ko sa mga comments mo! <3 opkors makakalimutan ba kita Hobi-shii na kauna-unahang reader ko? Syempre hindi huehue ilysm!

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon