Chapter 37

5.2K 242 136
                                    

Jungkook's POV

"Dati? Anong dati? Tsaka, base sa natatandaan ko, walang tayo, Yana. Wala. Kaya pwede bang layuan mo na ako?"

"Sinabi ko ba yun? Sinabi kong mahal kita? Parang wala akong naaalala. Tsaka, ang dati ay dati na. Dapat ng itapon at kalimutan."

"Bakit ka pa kasi bumalik? Hindi ba pwedeng lumayo ka na lang? Hindi kita kailangan. At higit sa lahat. Hindi na kita mahal, Brianna."

"Tigilan mo na ako. Hindi na kita mahal, Yana."

Napasapo na lang ako sa noo ko habang inaalala yung nangyari kahapon. Ang tanga mo Jeon Jungkook. Ang tanga-tanga mo. Paano mo nagawang sabihin sa kanya ang lahat ng yan?

Sobrang sakit palang sabihin sa kanya na hindi ko na siya mahal, na hindi ko na siya kailangan, na layuan na niya ako dahil may girlfriend na ako. Pero mas masakit pala yung makita ko siyang lubos na nasasaktan nang dahil sa akin. Alam kong ang sama-sama kong tao pero hindi ko naman talagang ginustong pagsalitaan siya ng mga masasakit na salita.

Talagang naiinis lang ako. Oo, galit ako sa kanya. Iniwanan niya ako nang hindi man lang nagpapaalam. Nawala siya nang parang bula pagkatapos bigla na lang babalik na akala mo wala siyang nasaktan na tao.

Sinaktan niya ako. Nagmukha akong tanga. Nag-antay ako. Naghanap ako ng iba.

Pero, bakit hanggang ngayon mahal ko pa rin siya?

"Jungkook, okay ka lang? Ang lalim yata ng iniisip mo? Gusto mo masahehin kita?"

Napatingin ako sa taong kumakausap sa akin. Si Sewon pala.

Yung girlfriend ko.

Sikreto yung relasyon namin ni Sewon. Alam naman sa company namin yung tungkol sa aming dalawa pero syempre, hindi alam ng fans.

"Sige nga, para mawala yung sakit ng ulo ko." sabi ko sa kanya.

Minasahe niya yung ulo at balikat ko. Buti na lang ang at nandyan siya para pagaanin yung loob ko. Simula nung umalis si Yana, naghanap si manager ng papalit sa kanya. Doon ko nakilala si Sewon. Ginawa siyang personal stylist noona ko kaya siya palagi yung kasama ko. Simula noon, palagi niya akong inaalala, inaalagaan. Hindi siya mahirap mahalin. Kaya siguro nahulog na rin ako sa kanya.

Siya yung nagpasaya sa akin noong mga panahong hinihintay ko si Yana.

"Okay na ba? Nawala na ba ang sakit ng ulo mo?" tanong niya sa akin. Tumango ako bilang sagot. Pagkatapos noon, nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi. Bigla ko tuloy naalala si Yana.. at yung paghalik ko sa kanya noong umamin ako sa kanya.

Kainis ka naman Jungkook! Huwag mo ngang isipin si Yana, nandyan naman si Sewon oh. Sa kanya mo na lang ituon yang atensyon mo.

Napapikit ako. Gustuhin ko man pero.. mahirap pala.

"Jungkook.. Sigurado kang ayos ka lang? Ano ba yang iniisip mo at parang stress na stress ka?"

Ang daming tanong sa akin ni Sewon pero hindi ko man kang siya masagot ng maayos. Umiling ako sa kanya at sinabing ayos lang talaga ako.

". 나는 당신을 정국아 사랑." (okay.. i love you, jungkook-ah.)

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon