Chapter 11

6K 281 138
                                    

Jungkook's POV

"B-Bria?"

"Yana!!"

Nagsitakbuhan sina hyungs papalapit kay Yana. Ako naman parang estatwang nanigas sa kinatatayuan. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi. Kinakabahan kasi ako. Kaba na may halong saya kasi nakita ko na ulit siya. Panaginip ba 'to? Kung panaginip 'to, wag niyo na akong gisingin.

Si Bria. Kasama siya ni Yana. Nagkatotoo nga yung sinabi ni Jimin hyung na baka siya na ang susunod na pupunta rito.

PAANO BA KUMALMA?

"Yana Banana!!" Sigaw ni Taehyung hyung tapos niyakap niya si Yana. Nagulat naman si Yana pero yumakap din siya pabalik. Sus, kinikilig yang si hyung pustahan.

"Hoy Taehyung ano yan?!"

"Kung makayakap naman 'tong si alien!"

"Hoy hoy!"

"Close kayo? Close kayo?"

"Hehehehe~ close kami wag kayo."

"Group hug na lang dali!!"

Hinila ako ni Hobi hyung papunta kay Yana at tsaka kami nag-group hug. Tumingin ako kay Bria na kasalukuyang nakatingin din sa amin. Sana kasama siya sa group hug para nayakap ko rin siya.

Psh. Landi mo Jungkook.

Hehe.

"Oy oy tama na yan baka hindi makahinga si Yana." Suway sa amin ni Mr. Son.
Kumawala na kami sa pagkakayakap. Sina hyung tuwang-tuwang makita si Yana. Masaya rin naman ako pero higit na mas masaya dahil nandito si Bria.

Shet hindi ako makapaniwalang nandito siya. Baka panaginip lang lahat ng 'to.

"Halikayo dito dali." Utos ni Mr. Son kina Yana at Bria. Tinawag ni Yana si Bria para lumapit.

"Tito!! Hello!" Bati ni Bria kay Mr. Son. Nakatingin lang kami sa kanila habang sila ay nag-uusap. Nagkumpulan naman sa isang sulok sina hyungs at sinama pa ako.

"Sino siya?" Tanong ni Hobi hyung.

"Hindi ko alam hyung e?" Sagot naman ni Taehyung hyung.

"Bakit siya nandito?" Hirit pa ni Jin hyung.

"Kilala din siya ni Mr. Son?" Dagdag ni Yoongi hyung.

"Malay ko ba bakit sa akin niyo tinatanong? I don't no!" sigaw ni Jimin hyung.

"I don't no amputek!" Sabi ni Suga hyung habang tumatawa.

"Mamamatay kami ng wala sa oras nang dahil sa english mo Jimin." sabi ni Jin hyung.

Pinapanood ko lang silang lait-laitin si hyung. Kawawa naman siya lagi na lang nababara nina hyungs.

"Hay Park Jimin. Sa susunod huwag kang mag-english kung hindi ka sure sa grammar ha? Sumasakit ulo ko sayo e." Sabi ni Hobi hyung kay Jimin hyung tapos umarte pa siya na parang sumasakit nga ang ulo niya. Tama ka hyung. Pati ulo ko sumasakit sa english ni Jimin hyung.

"Jimin?" Tawag ni Namjoon hyung.

"Bakit hyung?" Sagot naman ni Jimin hyung.

Nagsitinginan kaming lahat kay Namjoon hyung. Mukhang alam na namin ang kasunod nito.
..

..

..

"You got no jams."

"..."

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon