Chapter 17

5.7K 266 158
                                    

Thank you, glxyalien, myungsooism, JhazzyMyelah, prinsesajin & acissejebio! Ilang linggo akong nawala pero flinood niyo notifs ko hehe. Salamat sa pagvote! Simpleng bagay lang yun but it means a lot to me. <3

Jungkook's POV

Psh.

Kanina lang kami yung magkausap ni Yana. Pero nung dumating si Taehyung hyung, hindi na niya ako pinansin.

Okay lang naman yun pero lagi na lang kasing nakikieksena si hyung sa amin. Alam ko namang gusto niya si Yana. Sinabi ko rin na tutulungan ko siyang mapalapit sa kanya, pero bakit hindi niya muna kami hayaang dalawa na maging malapit din sa isa't-isa?

Gusto ko lang din namang maging kaibigan si Yana.

Lumabas muna ako dahil wala na rin naman akong gagawin doon sa loob. Naglakad ako hanggang sa makarating ako doon sa dulo ng floor. Nasa isang studio kasi kami. May pictorial kami sa The Star Magazine.

Naglalakad na ako pabalik sa dressing room ng may tumawag sa pangalan ko.

"Jungkook."

Lumingon ako para tignan kung sino at.

Dug dug

"Yella?"

"Ako nga! Hihi. Bakit ka nandito?" tanong niya at tsaka siya lumapit sa akin. Ang lawak ng mga ngiti niya. Lalo tuloy siyang gumanda sa paningin ko.

"Ah wala lang. Wala kasi akong magawa kaya naglakad-lakad muna ako. Ikaw bakit ka nandito?"

"Wala lang din. Hehe."

Hindi muna ako bumalik sa studio. Sinamahan ko muna si Yella tutal wala naman na akong gagawin.

"Teka, anong nangyari dyan sa daliri mo?" Kanina niya pa kasi pinapansin yung daliri niya.

"Paper cut." sabi niya.

Bigla akong nag-alala dahil alam ko kung gaano yun kasakit kahit paper cut lang yun.

"Teka. Akin na yang kamay mo." Inilahad naman niya sa akin yung kaliwang kamay niya. Nasa hintuturo niya yung paper cut. Nilabas ko sa bulsa ko yung band-aid at nilagay doon sa sugat niya. Buti na lang at lagi akong may dalang band-aid.

"Ayan Yella okay na. Mag-iingat ka na sa susunod." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at nagpasalamat sa akin.

Sumandal kami ni Yella sa isang pader at nag-kwentuhan lang. Habang nag-uusap kami, mas napapansin ko yung pagkakaiba nila ni Yana. Si Yella kasi napakaenergetic tuwing kausap ko. Si Yana hindi. Cold siya pero hindi siya boring kausap. Siya yung tipo ng babae na hindi ka kakausapin hangga't hindi ikaw ang unang magsasalita at lalapit sa kanya. Parang ako. Si Yella naman yung tipo ng babae na unang lalapit at makikipag-usap sayo. Parang si Taehyung hyung. Kahit magkapatid sila, marami rin silang pagkakaiba.

Oo nga pala. Si Taehyung hyung at Yana, magkaholding hands kanina. Alam ko namang gusto siya ni hyung at gumagawa lang yun ng move.

Siguro nga, eto na yung turn ko.

Tumingin ako kay Yella. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Bahala na. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko. Tinawag ko siya sa pangalan niya. Lumingon naman siya sa akin ng nakangiti.

Huminga ako ng malalim. Tama kaya 'tong gagawin ko? Tinignan ko siya sa mga mata niya at..

"Pwede ko bang hawakan ang mga kamay mo?"

Hindi siya agad nakasagot. Alam kong masyado akong mabilis. Hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niya.

"Pero kung ayaw mo okay la-"

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon