Present dayBatch 2018 Alumni Reunion
Naibaba ko ang make up sa lamesa nang tumunog ang cellphone ko sa taas ng night table.
"Ano na, Maya? Huwag mong sabihing nagdadalawang-isip ka pagpunta roon. Aba, dinaig mo pa ako na wala ka namang kambal na lumalambitin sa dalawa mong bundok."
Nailayo ko ang cellphone sa aking tainga. "Patapos na, Nuclei. Sino ba ang maghahatid sayo?"
Niloud speak ko iyon bago nagpatuloy sa naudlot kong pagmemake-up. Oo, marunong na ako sa mga ganitong bagay. Babae'ng- babae na rin ako pumorma kung pagbabasehan ang suot kong midnight blue A-line gown. With slit pa siya, ha. Sinadya kong magpakita ng kaunting balat na hindi naman bastusin tingnan.
Para makapagpapansin lang, bakit ba.
"Sino pa ba? E, di ang kolokoy kong asawa. Batchmate natin 'to, diba? Kaklasi mo pa nga."
Oo nga pala.
"Nakaalis na ba kayo? Hintayin ko na lang kayo rito."
"Paalis pa lang. Chika tayo mamaya ha ikaw naman kasi, pinili mong lumayo. Puwede namang magmove on sa malapit."
Natigilan ako saka pilit na ngumiti.
"Hindi ako lumayo, siya lang." Pahina nang pahina kong sabi.Rinig ko ang pagbuntunghininga ni Nuclei sa kabila.
"Okay ka naman na?"
Napaisip ako. Hindi ko magawang tumango o umiling. Hindi ko alam.
"Yaan mo na, malalaman mo rin iyan mamaya."
"Nuclei--"
"Sumipot ka. Malapit na kami." May diin sa boses niya na para bang alam na nagdadalawang-isip talaga ako.
Kahit naman nagdadalawang-isip ako ay wala akong balak na umatras. Kailangan ko 'tong gawin.
"Closure raw sabi ng pinsan ko, Maya!" Rinig kong sigaw ni Ziggy. "Aray naman, Bansot. Bakit ka namamalo?"
"Bunganga mo. Alam na iyan ni Maya."
"Ah, alam na ba? Nagpapaalala lang, baka nakalimot hehe. Diba, Maya?"
Ilang sandali lang ay nasa daan na kami papunta sa dati naming paaralan. Naikuyom ko ang parehong palad habang nakatanaw sa labas. Ramdam ko amg tensyon at excitement na gumagapang sa buong parte ng katawan ko. Mariin akong napapikit at nagbuga ng hangin sa tindi ng kaba ko.
"Kinakabahan ka." Deretsang sabi ni Nuclei sa unahan ko. Napatingin ako sa salamin. Doon ko nakasalubong pati ang naglalarong tingin ni Ziggy.
"Oo, kinakabahan ako." Pag-amin ko ng totoo. "Kumusta siya?"
Sumipol si Ziggy.
BINABASA MO ANG
Hindi Ako In Denial
General Fiction"Ang sarap pala sa pakiramdam ngayong alam ko na sa sariling 'di na ako in denial." It isn't much but I hope you could give it a shot. ©photo-pinterest