CHAPTER 3

0 0 0
                                    


KANINA PA KAMI NAG-IINGAY NI ZIGGY TUWING NAKAKAPUNTOS SI MAYA.

Mayroong napapatalon at hiyaw kami. Mayroong nabibitin sa ere ang sigaw namin nang wala man lang kami reaksyon nakikita sa mukha ni Maya.



Pagtatanong ang kababakasan sa hitsura niya. Sabagay sino namang hindi mawewerduhan sa akin, sa amin? Hindi naman kami close ni Maya. Pero huwag kayo, nag- eenjoy akong panoorin si Maya na seryosong maglalaro. Sa hinaba-habang taon ko siyang kaklasi, ngayon ko lang siya napagtuonan ng pansin. Hindi nakapagtatakang siya ang team captain sa volleyball.



She's a badass, dude.



'Di ko maiwasan alalahanin ang nangyari kanina. Loko 'yon.


"Insan, mali yata ang ginagawa natin." Siniko ako ni Ziggy. Hindi kasi kami pinapansin ni Maya. Daig pa namin ang agiw sa mundo.



Pero positibo ang pananaw ko. "Ano ka ba? Ganyan talaga si Maya, nakalimutan mo?" Kinawayan ko si Maya nang magtawag ng break ang coach. "Hi, Maya! Dito. Dito." Aligaga kaming lumapit upang bigyan siya ng tubig. Natampal ko ang noo.


May tubig pala siya at...snob.


Inagaw ni Nuclei ang bottled mineral water na hawak ko. "Salamat, Green," labas-ngiping ngiti ni Nuclei.



"Hindi sayo 'yan pero you're welcome na rin." Ayun at tinutungga na niya ang laman ng tumbler.


Oo, pareho silang volleyball player ni Maya.


"Hi rin sayo, Ziggy." Bati ni Nuclei sa pinsan ko matapos saidin ang lamang tubig. Likod ng palad ang ginawang pamahid sa bibig.



"Hindi tayo close, tsupe." Bara agad ng pinsan ko. Nagulat si Nuclei. Pati ako.



"Luh, inaano kita?" Pabirong umatras. Sinipat ang pinsan ko.


"Wala naman. May pakiramdam akong hindi ako hiyang sayo." Pagsusuplado ng pinsan ko. Nagpatiunang umupo sa bleacher.


"Kafeeling. Hindi naman guwapo."


"Ha. Ha. Ha. Nakakatawa." Sarkastiko.


"Oo nga, sobra. Ha. Ha. Ha." Pang-aasar pa. "Alis. Peste."

Umikot ang bilog ng mata ko sa dalawa at nilapitan na lang si Maya.


Alanganin akong makipaghigh five sana kaso hindi man lang tinanggap.
"Ang galing mo Maya. Hehe. Super! Grabe. Paano mo iyon nagagawa?" Naitago ko nalang ang kamay sa likod.


"Practice lang." Hindi ko inaasahang pagsagot niya habang nagpupunas ng pawis. Pero hudyat iyon para magpatuloy ako.


"Ang galing mo talaga!"


"Wala na bang iba, Green? Rinding-rindi na ang tenga ko sa kakagaling mo na iyan, ah." Supalpal ni Nuclei. Inagaw ang towel ni Maya para ipampunas din sa pawis.



Hindi Ako In DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon