DAHIL NGA SA SINABI NIYA KAHAPON, hindi na ako mapakali ngayon. Nakakakaba ang babae'ng 'yon. Ni hindi ko man lang siya nagawang sagutin. Natameme ako hanggang sa nagtaka siya sa reaction ko at tuluyan kaming nilagpasana.
Pasulyap-sulyap ako kay Maya na nasa unahan. Sa may aisle banda, kanang bahagi. Kami naman sa kaliwa at pinakahuli.
"Ano na? Anong plano?" Bulong sa kanya ni Ziggy.
"Wala pa akong plano. Wala akong maisip. Ikaw na lang kaya magtanong?" Napa-frustrate na ako. Hindi naman kasi kami close ni Maya.
Nadagdagan pa kahapon. Parang ayaw ko nalang na lapitan siya. Para kasing nadodominate niya ang atmosphere kapag siya ang kaharap ko."Bakit ako? Ako ba manliligaw kay Elizabeth? Saka, hello? Di ko siya type, 'tol."
"Tama iyan. Hindi tayo pwedeng mag-agawan sa isang babae." Nahimas ko ang baba Nanliliit ang mga mata kong pinapanood ang bawat galaw ni Maya.
Galaw na hindi ko mawari kung galaw pa bang maitawag doon.
Ang weird niya. Hindi ba napapagod ang muscle niya sa mukha at panga?
Hindi ba nag-iinit ang puwet niya?"Dumiskarte ka na at nang mapasaiyo na si Elizabeth."
"Oo na nga diba?" Sinamaan ko ng tingin ang katabi. Napaatras si Ziggy.
"Galit ka na niyan, insan?"
Humigop-buga ako.
"Paano ko ba e-aapproach si Maya? Ganito ba? Ehem," umakto akong kaharap si Maya. "Maya, mag-usap tayo."Mariin akong inilingan ng pinsan ko.
"Maling-mali insan. Ano ang iisipin niya? Malamang mawewerduhan iyan sayo.""Mas werdo siya." I said, as a matter of fact.
"Oo nga, mas werdo siya pero normal sa kanya ang gano'n. Pero ikaw? Iyong e-approach mo siya bigla, mas werdo ang dating no'n sa kanya."
Oo nga, 'no?
"E, kung ganito." Umubo ako at muling umakto akong kausap si Maya. "Maya , pwede ba tayong mag-usap?"
"Tunog desperado ka, insan." Iling niyang muli.
Napahilamos ako. "E, paano ba? Daming arte. Ikaw ba si Maya?"
"Tañaga!" Boses ni Miss Kelly. English teacher namin. Maganda pero strict. Matalas na pala tingin sa amin ni Ma'am.
"Sorry, Miss." Nakangusong paumanhin ko. Siniko ko ang katabi. "Ikaw kasi." Mahinang singhal ko. Nanininisi.
"Anong ako?" Pag-alma.
"Masyadong tahimik si Miss Trias para mapasali sa angilan ninyong magpinsan."
BINABASA MO ANG
Hindi Ako In Denial
General Fiction"Ang sarap pala sa pakiramdam ngayong alam ko na sa sariling 'di na ako in denial." It isn't much but I hope you could give it a shot. ©photo-pinterest