CHAPTER 1

0 0 0
                                    

HINALIKAN NI MOMMY ANG NOO KO.

"Mamimiss ka ni Mommy, baby. Ingat ka roon." Hinaplos ang pisngi ko. "Text me if you're there na. Text mo rin ako kapag may problema roon. Oras-oras dapat i-text mo ako para hindi ako mag-aalala."

"Mamimiss din kita, Mommy. Itetext kita, promise. Don't worry, Mom, kasama ko naman si Manong Oscar," tukoy ko sa driver. " 'Tsaka ano, 'my..." Nakamot ko ang tungki ng ilong. "Huwag ka nang mag-alala sa akin masyado, nagbibinata na ho ako." May supil na ngiti sa labi ko dahil na-e-excite akong makita ang babae'ng kinahuhumalingan ko.

"Basta, baby pa rin kita!" Maktol ni Mommy. Bumusangot ang mamula-mulang pisngi.


Napangiti ako at niyakap muli si Mommy. " 'My... I love you." Nanlalambing. "Baby mo naman talaga ako."


"Basta, ingat ka roon, ah," pagkalas sa akin. May ngiti na ngayon sa labi.

Wala na yatang tatalo sa pagiging malambing at maalalahanin ni Mommy.


"Always, " pasaludong sagot ko. Ngiting-ngiti.

"Bye, love," pinupog pa ako ng halik. "Huhu ang baby ko, basta ingat ka roon." Napakamot na lang ako sa batok.


Doon na sumabad si Dad. Kanina pa nakahawak sa gate, hindi iyon masara-sara dahil sa kadramahan ni Mommy. "Papasok lang sa eskwela ang anak mo, Isabel, hindi sa seminaryo."

"E, kasi naman, mamimiss ko naman talaga ang anak mo."

Doon tumingin sa akin si Dad.

"Sige na, Gray. Alis na, baka ma-late ka pa sa kadramahan ng Mommy mo, " pang-aasar kay Mom.

"Bye, Dad, love you." Paalam ko. Akma na akong papasok nang lingunin ko si Mommy. "Bye, Mom. Love you!"

"Bye, baby! I love you!"Dalawang kamay pa ang pinankaway sa akin. "Ingat ho kayo manong sa pagda-drive."

"Oho, Ma'am," anang si Manong Oscar, sinimulang patakbuhin ang sasakyan.

Tuluyan na kaming umalis. "Ang sweet talaga ng Mommy mo, Sir Gray. Parang bata, tulad mo," ani Manong nang nasa daan na kami. Napangiti ako. Alam ko naman iyon.


Parang uncle ko na si Manong Oscar, matagal nang naninilbihan sa amin. Kampante na kami sa kanya dahil mabait at pamilya na ang turing namin sa kanya. Sinuklian naman kami ng magandang serbisyo at mabuting pag-uugali.

"Sobra, manong--" pero agad akong sumimangot. "Nagbibinata na ho ako manong. Hindi na ako baby." Ang laki ko na kaya. Matangkad na nga ako kay Mom, pantay na rin kami ni Dad.

Natawa lang si Manong. "Kakasabi pa lang ng Mommy mo, e."

"Basta, binata na ako."

Hindi Ako In DenialTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon