His love for him

265 16 4
                                    

Kai’s POV

Nabusog ako sa bubble tea shop na yun, sarap talagang kumain pag tapos ng trabaho, pero mukha pinakapagod si Baekhyun hyung, di sya bumaba ng van, at nakatulog na. Dahil nauna akong sumakay napansin ko ang pagpatak ng luha nya kahit natutulog na sya, naisip ko nananaginip lang sya pero parang hindi.

“Hyung~” sabay tapik sa balikat nya. Nag mumulat sya umagos ang luha sa mata nya, na parang humilamos sakanya, kahit sya’y nagulat.

“Kai.” Sabi ni baekhyun hyung.

“Hyung naghilamos ka?” kunwari na lang di ko napansin.

“Ah eto?” sabay hawak sa basa mukha nya. “Naglagay  ako sa mukha tunituyo ko maganda daw sa mukha to eh hahaha.” Sabi nya na alam kung nagsisinungaling sya.

“Ah ganun ba? Kala ko laway mo haha” biniro ko na lang sya.

“Di ko din alam Kai, hahaha” biro din nya.

“Tawa kayo ng tawa jan. Pumasok kana Kai dun sa likod.” Sabi ni Suho hyung. Sumakay na ang lahat at pumwesto at kasalukuyan na kaming pabalik ng dorm, kinuha ko ang ipad ko at nagpatugtog:

Yeah Yeah Yeah Yeah
Play it on a slow jam
This is my property
Tell me what is love”

Habang nagpapatugtog ako naisip ko si Ice bigla, di ko alam pero pakiramdam ko gusto ko syang Makita at magpasalamat sa nagawa nya para sa mga hyung ko at sa akin. Di ko namalayan nakatulog pala ako.

“Kai, kai, kai,” naririnig ko ang boses ni Sehun. Kaya naalimpungatan ako.

“Uhmm.” Sabay mulat ng mata ko.

“Baba na, andito na tayo, madaming tao Dalian mo na.” sabi nya. Agad akong bumaba sa van, at nakita ko nga sobrang daming tao sa labas ng dorm gabi na.

“Kai oppa~”

“Sehunnie~”

“Saranghaeyo Oppa~”

“Oppa~”

Sobrang sarap talaga sa pakiramdam ang madaming nagmamahal sayo, kaya para maibalik man lang ang pagmamahal nila, “Saranghaeyo EXO-L” sabay gawa ko nang heart sign gamit ang buo kong katawan, na nagpasigaw sa kanila at syempre nagpangiti sa kanila, at nakita ko si Sehun tawang tawa sa akin, kaya di ko na din napigilang tumawa. “Gabi na, umuwi na kayo at magpahinga na, alam ko galing pa kayo sa school at trabaho, sabi nga ni Kyungsoo hyung, ang babae dapat natutulog ng maaga para di tumanda ng maaga, mag-ingat kayo pauwi. Mahal ko kayo.” Sabi ko at niyaya na si Sehun paakyat ng dorm.

“Ano yun Kai? Hahaha” sabi ni Sehun na hanggang ngayon natawa parin.

“Wag kang magulo jan, halika na baka hinahanap na tayo ni Suho hyung at baka masermunan nanaman tayo.” Sabi ko sakanya.

Sumakay kami nang elevator paakyat sa dorm namin. At pagbukas palang ng elevator, “Saan kayo galing?” boses agad ni Suho hyung ang narinig ko.

“Nakatulog kasi si Kai, tapos kinausap pa nya ang fans, haha.” Paliwanag ni Sehun na natatawa parin sa nangyari kanina.

“Sige pumasok na kayo sa kwarto nyo at magpahinga na may rehearsal pa tayo bukas.” Sabi ni Suho hyung.

“Okay Leader-nim.” Sabay naming sabi ni Sehun at sumaludo pa.

“Hahaha, pumasok na nga kayo.” Tumawa si Suho hyung.

Pumasok na kami ni Sehun sa kanya-kanya naming kwarto, kasama ko kwarto si Kyungsoo hyung, akala nang iba tahimik kami kasi tahimik na tao si Kyungsoo hyung hindi maingay din sya dahil puro sermon sya sa akin, lalo na sa pagtetraining ko ng sobra pag walang trabaho, di ako naiiinis kasi alam ko concern sya sa akin.

MySasaengLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon