His precious smile

224 14 3
                                    

Ice POV's

Bigla akong nagising dahil sa ingay ni Cindy na akala mo eh batang pumunta sa park.

“Hoy Cindy manahimik ka nga! Wala tayo sa park!” sabi ko sakanya sabay ayos sa buhok ko.

“Sorry naman medyo naamaze lang ako sa lugar nyo.” Sabi nya.

“Medyo pa yan? Parang di naman.” Sabi ko sakanya

“Oo na lang, ano saan ba tayo?” tanong nya.

“Sa school na.” sabi ko sakanya.

“Saan tayo tutulog mamaya?” tanong nya.

“Sa bahay ng principal namin noon.” Sabi ko.

“Di ko parin b..” di ko sya pinatapos.

“I don’t want to talk about it.” Sabi ko na meydo pataray.

“Okay, okay, sorry.” Sabi nya, Oo alam ni Cindy ang mga nangyari noon, ano pa nga ba silbi nang may bestfriend kung di mo sasabihan ng problema o feelings.

“Manong, sa kanan po.” Sabi ko sa driver. Sa wakas nasa gate na kami nang Suncheon Academy. Agad na pinarada ni Manong ang van sa loob at yung truck sa labas lang dahil di kakasya sa covert court nang school. “Manong pasabi pababa nalang yung mga gamit, salamat po.” Sabi ko sa driver namin. Bigla lumabas sa isang room ang principal nang school. “Good afternoon Mam.” Bati ko sakanya habang inabot ko naman ang kamay ko para makipagkamay sakanya.

“Justice? Ikaw na ba yan?” tanong nya, ilang taon nadin ang nakalipas nang huli kaming nagkita.

“Ako nga po mam, kamusta na po?” tanong ko sakanya.

“Maayos pa naman, nakakapagturo parin.” Sabi nya na ang ngiti ay abot sa langit.

“Mabuti naman po kung ganun.” Sabi ko naman sakanya.

“Ikaw iha, kamusta na?” tanong naman nya.

“Maayos lang po ako.” Sabi ko.

“Ehem ehem!” singit ni Cindy.

“Ay, Mam, si Cindy ho pala classmate at kaibigan ko po.” Pagpapakilala ko sakanya.

“Akala ko makakalimutan mo na ako. Magandang tanghali mam.” Bati nya.

“Halika kayo sa loob ng principal office.” Yaya nito sa amin.

“Sandali lang pala mam, saan ako pede gumamit nang room?” tanong ko sakanya bagi kami pumunta sa principal office.

“Doon sa may stage tulad nang gusto mo, pinaalis ko na ang mga upuan, at nilagyan ko nang mahahabang  upuan.” Sabi nya sa akin.

“Talaga po? Nako maraming salamat po.” Sabi ko sakanya. “Sige manong pakialagay na lang lahat nang gamit dun sa room na yun salamat.” Sabi ko sa driver namin, at tumuloy na kami sa office nang principal.

“Upo kayo.” Yaya naman nang kasama na guro ng principal.

“Salamat po.” Sabi namin ni Cindy.

“Ngayon palang gusto ko nang magthank you dahil sa pagpunta mo at pagtulong mo sa amin para sa event ni Kai ng EXO, akala naming walang magiisponsor para sa charity event namin para sa mga street childrens, pero nang pinili ni Kai ang event na to kesa sa event na may kikitain sya, sobrang daming sponsors ang tumulong, nagdonate nang mga libro, ng pagkain, mga upuan, sound system, at mga munting regalo sa mga bata, tapos nang tumawag ka sa amin last week para ditto, sobrang nagpapasalamat kami.” Sabi nang principal na parang naiiiyak na.

MySasaengLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon