Its not Goodbye

279 17 15
                                    

Kai’s POV

 Nakauwi na kami galing Beijing, kasalukuyan na kaming nasa van naming pabalik ng dorm. Ang tahimik walang umiimik, may kanya kanyang ginagawa, ako ito nakasalpak nanaman ang earphones at nakikinig ng Moonlight Chinese version,

Hei ye yi ran leng qing   kong qi li shi qu ni

So Baby Hold On   she bu de kan zhe ni

Zai wo zhui bu shang de ju li   dan xin ni yi ge ren gu ji

Ni zai sa luo de yue guang xia mu yu

Cong wei jian guo ru ci zhao mi de na shen qing

Ning jie cheng hua   zai wo shi xian jin tou”

(TRANS: The dark night is deserted as before   you’ve disappeared from the air

So Baby Hold On   I can’t bear to not be able to see you

In the distance that I can’t catch up   I’m worried that you’ll be lonely by yourself

You bathe in the scattered moonlight

I’ve never seen such an enthralling expression

Turned into a painting   at the end of my line of sight)-MOONLIGHT by EXO

Naalala ko si Luhan hyung, dito sa kantang to, napaluha sya, hanggang ngayon andun parin yung pagkabigla, yung tipong parang nananaginip ka lang ng masama, eto nanaman ako, naluluha nanaman. Inayos ko ang upo ko at earphones ko dahil nalaglag yung isa. Narinig ko na parang  may nahikbi, nalingon ko sa likod si Sehun, gising na naiyak nanaman, hanggang ngayon di parin sya makausap, naalala ko nung pagtapos ng concert kagabi.

Flashback

“Salamat sainyong lahat, ito na ang huling concert namin dito sa China, pero ito ang pinaka maaalala ko sa lahat, maraming salamat sa mga pumunta at sumuporta sa amin , sana pagpatuloy natin ang pagsuporta ang pagmamahal natin sa EXO. EXO, EXO-L SARANGHAJA!” huling speech ni Luhan hyung, masaya nyang sinabi pero di alam ng lahat na yun na pala ang huling araw na makikita nila si Luhan hyung na kasama namin, dalawa beses na masasaktan ang mga EXO-L dahil may isa nanamang aalis, ayoko nang Makita yung mga fans na umiyak at masaktan, natrauma na ako nung umalis si Kris hyung sobra kung dinamdamdam yun pero kinaya, tapos eto nanaman. Natapos ang concert agad kaming nag-ayos ng gamit at sumakay sa van papunta sa hotel naming, buong byahe walang nag-iimikan, hanggang makarating na kami sa hotel.

“Magbihis kayo tapos pumunta kayo sa kwarto namin.” Utos ng leader namin. Kaya agad silang pumunta sa kanya-kanya nilang kwarto at nagpalit ng damit, ako pagdating ko sa kwarto naming ni Sehun, niyakap ko agad sya.

“Okay lang yan.” Malungkot kung sabi habang nakayakap ako sakanya, kahit nasa isip ko di naman talaga okay.

“Una si Kris hyung ngayon si Xiaolu naman.” Di na napigilan ni Sehun inilabas na nya ang lahat ng luha nya, di na kami nakapagpalit nang damit agad nan yang gusting pumunta sa kwarto nila Suho hyung at Makita si Luhan hyung.

Pagdating namin sa kwarto nila Suho hyung, andun na pala ang lahat, di na din nakapagpalit, nakita kung naiyak si Luhan hyung habang nakayakap kay Kyungsoo hyung, naiyak na din si Baekhyun hyung habang nakaupo at nakayuko, ganun din si Chanyeol hyung na pinipigilan ang pag-iyak kahit kitang-kita naman ang pagpula ng mga mata nito, si Xiumin hyung at Lay hyung walang reaction, tulala at parang wala sa sarili habang magkatabing nakatayo. SI Chen hyung naman nasa likod ni Luhan hyung pinapakalma sya sa pag-iyak, si Tao naman nasa may gilid ng kwarto at iyak ng iyak, di na din napagilan ni Sehun at agad syang umalis sa tabi ko at pumunta kay Luhan hyung at niyakap ito, lalong di na kinaya ng lahat nag-iyakan na sila.

MySasaengLoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon