JUST LIKE OTHERS

325 19 13
                                    

Laxx

Byernes ng umaga at di nakakatuwa kase exaaaam naaaaaa tos walakooong review huhuhu. Bahala na si stock knowledge mamaya jusme baka ma out of stock ako HAHAHAHA.
Pero ayon nandito kame sa tapat ng bahay nag aantay ng sagot para mamaya HAHAHAHA joks. De inaantay namin ung mokong kong jowa. Piste apaka tagal mag 20minutes na kame dito soon to amag na huhuhu.

"Hoy !! Ano na nasan naba yang si kurt !! Malelate na tayo oh!" maktol ni lira

"Sumaglet kalang papunta na yon" sambit ko.

"Nako ah ! Kung kelan exam saka nagbabagal bagal yang kurt nayan hays!" wika ni lira

"Wait lang tayo masyado kang aral na aral kala mo talaga nag aaral ng maigi HAHAHAHA" Pagbibiro ko

"Ay pasmado bibig mo pinsan sarap busalan!! HAHAHA" sambit nito

"Aga aga dami munang reklamo e wait lang tayo nagchat naman na e malapit na daw sya" wika ko

"Oo na tsk" tanging sambit nito

30minutes na ang nakalipas pero di parin dumadating si kurt. Taena.

"Oh nanjan pa pala kayo! Bat hindi pa kayo umaalis?" si mama

"Ito kasing si laxx tita. Antayin daw namin si kurt kase susunduin daw ,eh anong oras na wala parin!" sambit ni lira

"baka natraffic lang pagpasensyahan nyo na !" wika ko

*calling

"Si grace tumatawag ,nako baka anjan na ung professor naten" wika ni lira

"Sagutin mo loudspeak mo nalang " wika ko

"Oy lira ,asan na kayo mag sstart na ung exam " Si grace mula sa kabilang linya

" Papunta na ,pareserved nalang kame ng upuan sa likod tatlo ah " pagsagot naman ni lira

" Okay. Tatlo ? Kanino ung isa ?" sambit ulit ni grace sa kabilang linya

"sakin ,kay laxx saka kay kurt" wika ni lira

"Gaga girl nandito na si kurt nagkasabay kame pumasok sa gate ng school may kasabay nga sya na babae e" sambit ni grace

"Ay t*ngina seryoso bayan ?" pagsingit ko sa usapan nila grace at lira. Kakabadtrip e

"L-laxx ? " tanong nito sabay end call

Lah bastos to ah ! Nagtatanong ako e biglang end !!!

"Hmm? " maikling sambit ni lira habang nakatingin ito sakin with taas ng kilay

"Aba diko alam. Diba nakita mo ung chat nya kanina otw na sya!" sambit ko na medyo tumaas ung boses. Badtrip talaga mga bruh

"Nako naman mga ito magtatalo pa ,hala lumarga na kayo at baka di nyo maabutan ung exam nyo" pagsingit ni mama

" sige Ma, alis na kame byebye po" sambit ko

"Alis na kame tita bye po" sambit naman ni lira

Pumara na kame ng tricycle at sumakay papunta sa school. Buti nalang malapit lang ung school at nakarating agad kame. Pagkadating baba sabay abot ng bayad at karipas ng takbo kase last 2minutes nalang baka di na namen maabutan ung 1st and 2nd test arghhhh.

Hindi Ko SinasadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon