DRUNK CHAT

914 37 3
                                    

Laxx

Halos tatlong linggo na ang nakalipas matapos ang nakakahiyang pangyayare na yon mabuti nalang cute ako kaya pinagbigyan nila ko HAHAHA.

*flashback*
"MR. DEL FUENTE WHAT YOU THINK ARE YOU DOING?" sigaw ni ms. Gonzaga na nakacross arm at lisik na lisik ang mata na nakatingin sa akin

" A-e ,Maam i-im s-sorry p-po " utal utal kong sambit sabay yuko para sincere

Sana effective Jusmiyo marimar.

"Sige pagbibigyan kita sa pagkakataong ito! Pero sa susunod na maulit ang ganito pasensyahan tayo ha. Dadalhin na kita sa guidance at singko na ang makukuha mong marka sakin sa buong semester." sambit nito na medyo mahinahon ,at pumunta sa harap para magsimulang maglesson.

Agad akong bumalik sa upuan ko ,ganun din ang lahat wohoo ! Buti nalang at mabait si maam buset na kurt yon. Kasalanan nya to e kundi lang sya eepal epal taimtim na natutulog lang ako sa gilid. May araw karin saking mokong ka.

Bago ako makaupo tinignan ko muna si kurt at nakangisi ito sa akin di lang yon abay ang gago nag blee pa nakakinis Grrrrr! Inirapan ko nalang sya at nagfocus kunyare sa lesson.

*end of flashback*

Sa tatlong linggo ,para rin kaming aso't pusa ni kurt diko alam kung bat pinapatulan ko ang mokong na yon.

*tok tok tok

"Nak ,gising kana ba ?" si mama

"opo ma. Bat po ?" sambit ko na bumangon na at tumungo sa cr para makapaghilamos. Buti nalang pinaglagyan nila mama ng cr ang bawat kwarto kaya hindi na kelangan bumaba.

"may bisita ka ,ung lalaking naghatid sayo dito noon " sambit ni mama

Whaaaaat ! Anong ginagawa non dito ,saka linggo ngayon ah bakit nandito to. Wala nabang araw na hindi ko makikita. Umay.

"s-sige ma ,lalabas nako " maikling tugon ko nalang kay mama

After ko makapaghimalos at mag toothbrush nagpalit din ako ng damit para maging maayos sa paningin ng bisita ko kuno.

Pababa palang ako ng hagdan kita g kita kuna ang abot tenga na ngiti ni mokong. Ano na naman bang ginagawa nya dito!

"Yes ? Bat ka andito ? " masungit kong sambit sa kanya

"Kalma ang aga aga ang init ng ulo mo " wika nito na nakatitig sakin

"tsk. Ano ba kailangan mo pwede ba sabihin muna ,kase may pupuntahan pako ! " sambit ko

" Accept mo naman ako sa facebook oh " malungkot na sabi nito

Wtf ,apaka hayoooop yun lang ung pinunta nya dito ? Ung totoo nagshashabu ba ang mokong na to !

"Di ka naman siguro siraulo ano !" sambit ko sabay ngisi

"hijo kain ka muna oh "pagsingit ni mama sa usapan at naglagay ng juice at cake sa lamesa

"salamat po tita" mahinang tugon nito

Kinuha ko ang selpon at tumungo sa facebook para iaccept ang fb request ng mokong na to.

Friens request
Kurt Dale Montefalco wants to friends with yoh  confirm|delete

*click confirm

At pinakita ko ito sa kanya ,kasabay ng pilit na ngiti.

"okay na zer ,is there anything else i can help you with ?" tanong ko sabay taas ng kilay

Hindi Ko SinasadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon