BINGO

969 35 3
                                    

Laxx

"Good morning Ma" walang emosyon kong bati kay mama

"ayos kalang ba anak ? Bat tila ang lungkot mo ngayon ? " pag aalalang tanong ni mama

Actually di ako okay dahil sa lintek na halik na ginawa ng mokong nayun sa room at muntik pang maulit sa hallway gago lang ?  Hindi ako nakatulog gaano buong magdamag at ito pa nga mga sir ,hinatid ba naman ako hanggang bahay namin para sure daw na uuwi ako. Kahit labag sa loob ko pumayag nalang ako dahil inaantok nako sobra that time. Asar.

*flashback*

Pasalamat sya tinulak ko lang sya kung hindi lang ako ang "the most humble in the world" baka nasapak kuna yung kumag nayon. Pero alam nyo mga sir sherep ng labi nya HAHA. Erase erase . Kadiri .

Nang makalabas ng room nagmadali akong maglakad para di nya ako abutan. Mukang wala naman sya kaya back to chill nalang ulit ako sa paglalakad.

"s-sandali Laxx " tapik nito sa balikat ko at hingal sa pagsasalita

Kasar naman oh. Ano bang trip nito !

Di kuna pinansin at nagsimula nang maglakad. Lakong pake sa kanya tsk.

"Pag di ka tumigil at di moko kinausap hahalikan ulit kita " mariing sabi nito.

Neknek mo kala mo matatakot moko. Pwe!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

" ISA" sigaw nito

Kahit sumigaw kapa jan ,wala kong pake buti nalang wala nang tao sa hallway at mga room ,dahil halos lahat ng subejct ngayong araw ay vacant dahil sa meeting ng mga prof.

"DALAWA ! ,PAG ITO NAG TATLO ASAHAN MUNA ANG MANGYAYARE" pagsigaw parin nito

Dahil sa di naman ako takot pero parang ganun na nga HAHA nilingon kuna sya at kumunot ang noo ko dahil ngumiti ito. Tila nang gagago. Nakakabadtrip

"Ano bang problema mo ha. Sabihin mo at nang maka uwi nako ,makatulog, dahil puyat ako kagabe maliwanag ba!" pagsigaw ko sa kanya na mas lalong kinalapad ng ngiti nya halos lampas tenga na.

Lumapit ito,iniabot ang kamay sakin at ngumiti.

"Kurt dale montefalco nga pala "

Jusme magpapakilala lang pinahaba ang usapan. Hayop ka otor.

"Laxx damon Del fuente" sambit ko at pakita ng pilit na ngiti

"Friends ?"

Kapal ng tinga amp*ta

"friends " at inabot ko ang kamay nya nag shakeshands kame.

Agad akong bumitaw sa kamay nya at maglalakad na sana nang bigla akong akbayan nito.

"hatid na kita kai-ibigan" sambit nito at nakangiti parin

"Huh ?" takang tanong ko

"wala sabi tara na ,Laxx hatid na kita sa inyo baka kase maglakwatsa ka pa e"

"no need pre " naiinis ko sambit dito. Ngunit di nyako pinakinggan at nagsimula nang maglakad kahit labag sa loob ko napahakbang nalang din ako dahil sa nakaakbay parin sya saken. Kasar!

Nakalabas kame ng campus at sumakay ng jeep papunta sa terminal ng tricycle kase base sa sinabi ng mokong nato hintayin ko daw pinsan ko ng ala singko, since 4:45 palang naman dumaan muna ako/kame sa fast food para bumili ng fries at float.

After non naupo ako sa waiting shed ng terminal mga 5minutes dumating na pinsan ko.

"dumating karin babae ka " sigaw ko dito na kinatingin ng mga taong nakapaligid samin

Hindi Ko SinasadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon