Laxx
*calling...
End
*calling...
End
*calling..
Click.
"Ano ! Napatawag ka ? Ang aga aga e ,kakabanas !!" pagsigaw ko
"Good morning babe " sambit nito mula sa kabilang linya na base sa pananalita e nagpipigil ng tawa
Abay loko ang aga aga lakas ng trip at ako pa ang napiling pag tripan pero kiliiiig ako mga bente ginudmurning nyako HAHAHA
"babe ampota!! Pwe!! " pagalit ko paring sabi
"Papasok kaba ngayon ? "tanong nito
"Abay natural ginoo may mga quiz tayo ngayon kahit walakong review review papasok ako" sambit ko with pacool face ket dinya nakikita HAHAHA
"a-ano k-kase" utal utal nitong sabi
"anong ano ? "
"a-ano " ulit nyang sabi
"nang aano ka na naman balaka nga maliligo nako at ayawkomg malate ngayon !" apaka walang kwenta kausap puro nalang ano ,di naman ako inaano nang aano HAHAHA wag berde mga reader nang aano den kayo e HAHAHA
Bago ko patayin ung tawag narinig ko pa syang magsalita na susunduin daw pero not sure if ako ba hays. Lakas ko naman mag assume kung ako yon mga bruh siguro pinsan nya si grace ,oo baka yun nga ung susundin nya. :<
After ilang minuto at concert sa banyo nagbihis nako at bumaba para makapag almusal panigurado nandun narin ung tukmol kong pinsan and guess what tama ko mga bruh.
"Good morning beloved cutiee prince" sambit ni lira sabay subo ng hatdog
"Baka bitin kapa sa hatdog sige na kunin muna ung isa apaka buset mo " sambit ko nalang at naupo na para kumain
"Ta ,anong meron bat ang sungit ngayon ni Laxx ? " si lira
"May problema ba anak? " pag aalalang tanong sakin ni mama
Mama talaga masyadong paniwalain awit.
"Oo naman Ma. Wag kang nagpapaniwala jan kay Lira " sagot ko nalang
"Sigurado ka anak ? Napansin ko din nitong mga nakaraang araw lagi kang maaga umuwi at hindi na kayo ganong nagsasabay nitong si lira umuwi ,magkaaway ba kayo ?, Lira ? " Sambit ni mama sabay tingin kay lira pati sakin
"Hindi po tita ,si Laxx po walang trip mag gala kaya always maaga uwi nyan pano walang jowables HAHAHA " sambit ni lira sabay halakhak
Taena neto mapang asar
"Ma ,hindi po kame magka away gusto lang talagang magpahinga nitong mga nakaraang araw " pagpapaliwanag ko
"Sigurado kaba anak yun lang ang dahilan ?" pagpupumilit na tanong ni mama
Si mama talaga walang pinagbago lagi paring maalalahanin pagdating sakin ,swerte ko talaga sa nanay ko.
"Ou naman Ma. Saka if may problema naman ako e kayong dalawa ni lira unang nakakaalam " nakangiting sambit ko
"Osya sige na magsikain na at baka malate pa kayong dalawa "
Tawanan.
Mga 15 minutes kaming nasa kusina para magalmusal at nagayos na kame para lumarga papunta school ,saktong paglabas namin ni lira may motor na nakapark sa harap ng bahay at may nakasakay na lalaki diko makita ung muka kase naka helmet. Mukang delivery boy ng sa online shop pero bat sa harap ng bahay nakapark.