Dito ka lang

738 37 7
                                    

Kurt

Kasalukuyan akong papunta sa bahay ng tita ko as usual para bantayan ung pinsan kong si grace kase base sa paguusap namin ni tita aalis sila at nagpaalam daw na mag iinuman si grace at mga kaklase nya. Kaklase ? Magkaklase kami ni grace pero sino naman kaya ung mga yon.

Hindi naman din ganong kalayuan yon mula sa bahay namin mga 50 hakbang lang ang pagitan. Kaya nang nandito nako sa harap ng gate nila agad akong nag doorbell sakto naman binuksan ni manang.

"Magandang gabi nanay ester" nakangiti kong sambit dito

"Magandang gabi din hijo tuloy ka" paanyaya sakin nito kaya pumasok ako at itinuro agad kung nasan si grace mukang alam na agad nya ang pinunta ko dito.

Papunta ako sa garden at nakita ko sila grace kasama ang mga kaibigan nya / classmate  nakita ko rin si Laxx kasama ung pinsan. Kaya huminto ako saglit.

Tinignan ko si Laxx mula sa di kalayuan mukang lasing na ganun din ang mga kasama nya.

*clinggg

Nawala ako sa pagkakatitig sa kanya nang biglang tumunog ung selpon ko mukang nag text si tita kaya chineck ko pero hindi text ni tita kundi si Laxx. Nagulat ako sa mga text nito. Sino si yanna ? Huh?

Yannaaaaaaaaa
From:Laxx

Mahal na mahal kutaas alam mo bahjyon.
From:Laxx

Bat kasr ganun bat kelangan pang lokohin ako dipa bako sapat ha. Sabihin mo
From:Laxx

Nandito lang ako sayo naghihintay mahal ko
From:Laxx

Mukang nawrong sent ang Loko ,kaya nireplyan ko.

Asan ka ?
Sent.

Pagkasend tinignan ko mukha nito mula sa kinatatayuan ko mukang nagulat HAHA. Tumunog uli ung selpon ko nagreply ang Loko binasa ko to at nagulat ako sa last message.

Kila grace dito sa classmate namin mahal na mahal kita
From:Laxx

Iloveyou.
From:Laxx

Nang mabasa ko yun biglang bumilis ang tibok nang puso ko.

*dug dug dug

*dug dug dug

*dug dug dug

Kahit alam kong hindi para sakin ung message na yon di ko mapigilan na tumibok ang puso ko. Mahal kuna ata talaga ang lalaking yon simula palang nung umpisa. Di baleng nababakla na ako pero Hindi ko talaga sinasadyang nahulog na talaga ako.

Lumapit na ako sa kanila para patulugin na si grace at ung iba dahil mukang di na nila kaya maliban dun sa tanggero nila.

Habang palapit ako nakita ko si Laxx umiiyak at kinuha ung bote na hawak ng lalaki at pinuno ang baso walang sabi na ininom ito at tatayo ngunit matutumba ito kaya agad akong napabilis sa paglalakd at sakto namang nasalo ko ito. Ngumiti ito sakin at nagsalita.

"salamat" mahinang sambit nito

*dug dug dug

Hindi Ko SinasadyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon