CHAPTER SEVEN

1 0 0
                                    

"Anong nangyari dyan sa pisngi mo?" pag uusisa ni Lyrelle ang bumungad sakin  makabalik sa pwesto ko. Paano ko nga ba ipapaliwanag sa kanya na nagsara lang ako ng pinto ng kotse, napagkamalan na akong kabet?

"Iyan ba binili mo sa labas? Blush on?" gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko since nakaramdam ako ng hapdi sa pisngi pag nauunat.

Grabeng babae yun. Ang lakas makapanampal. Marami na kaya siyang napag kamalang kabet ng boyfriend niya? Sa ganda niyang yun, nagmistula siyang stalker? Sabagay, puso na ang pinag-uusapan rito.

"Hoy, ano? Ba't namumula yang pisngi mo?"

"Tisay ako, nagtaka ka pa?"

"Ang kapal ng mukha mo" ngumiti nalang ako kahit gusto ko matawa. Ramdam ko talaga ang hapdi sa pisngi ko.

Nagpaalam muna akong mag babanyo sa kanila para makita ko ang estado ng mga pisngi ko. Makalipas ang ilang minuto ay nakapasok na ako sa loob. Tinignan ko ang mukha ko kaliwa't kanan at nakumpirmang mamula mula nga siya. Kung tititigan mo ng mariin ay parang may bakas pa ng kamay ang babaeng iyon.

That's what jealousy can do. You're in charge of how you feel but I guess jealousy is an exception? It can make up to things we can't control of. It can turns us to be violent and agressive. An unconscious reaction, I guess? I'm not sure since I don't get easily jealous since the people who sorrounds me make me feel that I'm more than enough. I'm worth it.

Lumabas na ako ng banyo at nagtungo na sa post ko ng matigil kung sino ang nandoon.

"Wala pa si Bell--oh! ayan na pala" nakangising mukha ni Lyrelle ang lumingon sakin kaya't pinagtaasan ko siya ng kilay.

Iniisip na naman ng babaeng to kung saan saan nagsout.

"May naghahanap sa'yo kanina pa, Ms. Nerculous," gusto kong sapakin si Lyrelle sa diin ng pagkakasabi niya. Takha akong tumingin sa lalaking nasa di kalayuan sakin na nakatingin na din pala.

"Iyan ba binili mo sa labas? Ang gara ah?" umirap ako kay Lyrelle at nilagpasan ito ng makatungo sa lalaking naghihintay raw sa'kin. 

"You were looking for me?" tanong ko agad. Nagsitikhiman si Carla at Lyrelle na kunwari ay may ginagawa pero alam kong nakikinig at nakiki tsismis naman.

Mga galawan!

"Can we talk?" napa 'huh?' ako sa isipan ko. Anong pag uusapan namin?

"B-baki--"

"Pwedeng pwede yan! sigi na, Belle. Dun kayo sa labas mag usap since maraming customer dito at busy kami. Shoooo!" tuluyan na niya kaming naitulak kaya't wala na akong ibang nagawa kundi ang lumabas. Ramdam ko ang pagsunod nang lalaki sakin kaya nagtungo ako sa area na hindi matao.

Siraulong, Lyrelle, pag ito mamamatay tao baka mamatay agad ako nito. Ibugaw ba naman.

Nang makarating sa di mataong lugar ay hinarap ko siya. He startled. Nasobrahan naman ata sa takot ang taong 'to na pati pagbaling ko ay napaigtad siya?

"What now?" I started. Gusto ko ng matapos to kahit di pa nagsisimula. Baka maya maya lang ay may humaklot na naman sa'kin at gawaran ako ng sampal! Mukhang manlalaban na ako sa pangalawang pagkakataon.

"I just want to apologize, formally" I nodded and sighed.

"I said, it's fine, right?"

"But you seem not fine" weird may it be but I check her appearance. He's tall and masculine. He's so damn good looking. And the way he talk seems like I'm talking to a very matured man.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PIONEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon