CHAPTER ONE

26 2 2
                                    

"Here's your order Ma'am. Enjoy eating."

I smiled after I laid the customers order. Ngumiti ito pabalik at nagsalita.

"you're lovely,"

"Ay hindi po ako si Lovely, Ma'am."

I know naman na she's not literally referring  to my name but I find it cute to be sarcastic at times.

"You're funny."

"Mas lalong hindi po, Ma'am."

"What's your name?"

"Aeira po." I answered. She smiled again and this is the perfect timing for me to get back at work. Ayoko namang masisante dahil lang sa pakikipag chikahan sa customer.

"Babalik na po ako sa trabaho, Ma'am. Enjoy po!" yumuko pa ako ng konti bago tumalikod. When I'm at the counter already, Lyrelle leaned a bit to say something in a whisper manner.

"Minamahal ka talaga ng customer natin!" aniya.

"Sana lahat minamahal, Lyrelle, ano?" panunukso ko. Tumawa lang siya nang malakas kayat napangiwi ako dahil nakaka-agaw kami ng atensyon.

"Minahal naman talaga ako. Pero past tense na 'no?! Pakyu siya,"

I covered her mouth using my palm but it was too late. Nasabi niya na.

"What a mouth, Lyrelle!"

"magandang bunganga 'to " I rolled my eyes. She's pretty, I admit that. But she kept on cussing and I don't know why. It's not that I'm innocent, I just feel like it's weird cussing all through out the day without a valid reason.

"Hindi. Nakakahiya sa customers," I fired back. Ngumiti lang siya at inasikaso ang bagong dating na panauhin.

Hanggang sa natapos ang day shift ko ay parito't paroon ang ginawa ko. I feel no worn. I find it satisfying. I do love work but not to the extreme point that I can kill myself out of fatigue. Just to satisfied my working craving skill.

"Tara na, mahirap banggitin ang pangalan. Pagod na pagod ako grabe!" Sobra niyang sabi. Umiling na lang ako sa kakulitan niya at mas lalong napailing sa tinawag sakin. Kesyo daw di niya mabanggit pangalan ko dahil sa hirap nitong padulasin sa dila at iba daw ang gusto niyang dumulas sa dila niya kung sakali. 

"Pagdating sa apartment, naku! Matutulog agad ako!" Nagtawag kami ng cab at nang makahanap ay agad na sumakay.

"You're going to sleep, unclean?"

"Sus! Minsan nga akong hindi naliligo eh," Sa lakas ng boses niya, pati driver ay natatawa sa sinasabi niya. Nasapo ko noo ko sa kahihiyan.

"Naaamoy ko naman,"

"Ay, grabe! Parang joke lang eh,"

"Hindi. Naaamoy ko talaga,"

"Hoy, grabe ka ah. Hindi ah!" See? Siya unang may sabi pero pag ginagatungan, ayaw aminin?

"Oo na. Kala mo naman,"

Irap ko sa kanya kaya't tumawa lang siya. Minsan talaga tinatanong ko siya kung ano ang nakakatawa pero ang isinasagot niya lang ay tawa tapos dire-diritso nang tatawa.  Ikaw nalang ang mauumay sa kakatawa niya kasi di talaga siya titigil hanggat hindi ka nauulinigan or hindi siya napapagod sa kakatawa.

"Ito po bayad. Salamat po. Makapag asawa sana kayo ng tatlo ang dede!" Nagpatiuna akong maglakad sa kahihiyan. Ang bibig talaga nun. Kung ano-ano ang lumalabas.

"Hoy! Hintayin mo ko! Ariyey!" Pagtawag niya sa maling pagbigkas pa pero kinawayan ko lang siya at nagmadaling pumasok. Since busog rin naman kami, walang magluluto. Magpapahinga na lang after cleaning up.

PIONEERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon