KEY’s POV
“diba sinabi ko naman sayo krystal? Akin ka lang! tandaan mo yan! Wala ka ng magagawa pa doon” nakangising sabi nung prinsipe.
“di mo ko makukuha ng buo Sayriel, dahil ang puso ko, nasa asawa ko, at yun ang hinding hindi mo kayang kunin saakin” nakangiti na sabi ni mama habang may mga luhang tumulo sa mga mata niya. Sayriel pala ang pangalan ng prinsipeng ito.
*paakk*
Napatakip ako sa bibig ko ng makita kong may dugo na lumabas sa bibig ni mama.
“AKIN KA LANG!” at bigla na lamang siya umalis.
Nakita kong tumayo si mama at naupo siya sa isang sulok ng silid, tahimik, walang kibo at umaagos ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Hindi ko mapigilang maiyak, di ko kayang makita ang aking ina sa ganyang kalagayan, pero wala akong magagawa, ang lahat ng ito ay nasa nakaraan na, wala akong kapangyarihan para mabago to. It’s over.
*woosh*
Nasan na ko?
Nilibot ko ang paningin ko, nandito pa din pala ako sa silid nung prinsipe, pero ang pinagbago ngalang eh may tatlong tao na ngayon ay nasa harap ko at nag uusap, asan si mama?
“mahal na hari” nakita kong yumuko sila, maliban dun sa isa. Hari? So hari na pala to?
“malapit na po manganak si krystal, maaring ngayon o bukas na ang itinakdang araw ng panganganak, ano pong plano mo?” tanong ng isang babaeng naka damit ng parang sa kulto. Anong ibig sabihin nila? Manganganak na si mama?
“bubuhayin ko ang bata, siya ang magiging tagapagmana ko” sagot ni sayriel
“pano kung babae? Alam mo kung ano ang pwedeng mangyari, papatayin iyon ng inang reyna” ang boses na yun, narinig ko na siya. Lumapit ako ng kaunti. Unti-unti ko siyang namukhaan. Hindi ako makapaniwala, king cross? Ang tatay ni iniego. Ano ang ibig sabihin nito? Paanong?
“wala akong magagawa kundi patayin yun” napatingin ako sa kanya. Anong ibig nyang sabihin?
“kung yan ang desisyon mo kamahalaan” isa isa na silang umalis, pero sinundan ko yung tatay ni iniego.
Palinga linga pa siya at may pinuntahan na isang silid, binuksan nya iyon at tumambad ang isang nagdadalantaong babae, si mama. Ibang iba ang itsura niya sa huli kong kita sa kanya, maayos na siya at sobrang ganda niya, nakangiti pa siya habang sinalubong si king cross. What the hell is happening here? Is she under of some kind of spell? Why is she so bright?
“krystal”
“kamahalan” yumuko si mama at pagkatapos ay ngumiti ng malapad.
“papatayin nya ang bata kapag naging babae ang isisilang mo” seryosong sabi nito. Bigla naman nawala ang mga ngiti ni mama.
“alam kong alam mo na babae ang aking dinadala, tutulungan mo ba akong makatakas dito?” malungkot na sabi ni mama.
“hindi kita matutulungan, pero ang anak mo, oo, kelangan mong mamili” ha?
“anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni mama.
“kelangang isa lang sa inyo ang makaligtas dito, ikaw o ang anak mo?” bakit? Bakit hindi pwedeng sabay sila?
BINABASA MO ANG
The Return of the Ice Princess
Fantasytwo women claim to be the ice princess but who is the real one?