Chapter 32

1.1K 28 0
                                    

Chapter 32

Para akong Bata na ignorante na tinitignan ang paligid, ang mga puno at malaking fountain sa gitna ng daanan. Tumingin ako Kay Demon na parang sanay na sanay na dito.

Ang mga punong Naka palibot sa buong mansyon ang Mas nagpa ganda dito bukod sa garden. Hindi ko Alam Kung ano ang itsura ko ngayon pero Alam Kong nakaka hiya ang reaksiyon Kong ito.

Pero Mas Naka hinga ako ng maliwag nang makita na walang ibang sasakyan dito bukod sa sinakyan namin at ni senora. Walang maingay at tahimik Lang ang paligid.

"You like it here" napatingin ako Kay Laurent na Naka akbay na ngayon sakin.

"Yeah, Sariwa ang simoy nang hangin, nakaka relax at maganda" he chuckle and kiss my cheek.

"We can stay here if you want, this is the Family House of Skyford, anyway." tinanggal ko ang pagkaka akbay niya sakin at humarap sakanya.

"I want to have my own Family house though, pero ang pangarap ko talaga ay tabing dagat."

"Then Doon let's create your dream, this time... With me" I pouted and smile.

"Nasa Manila ang trabaho natin so kahit sa Quezon ayos na." he hummed and nod.

"Lets start to look a land then" tumango ako sakanya bago sabay na pumasok sa bahay Nila.

Bumungad sakin ang napaka gandang hagdan na gold ang hawakan, may red carpet din at mga paintings na Naka hilera habang sa gitna non ang napakalaking picture frame na may Naka Lagay na 'Skyford Clan'.

Nilibot ko ng tingin ang napakalaki nilang Sala at nakita Don ang tatlong Sofa Set at napaka laking TV na harap non may malaking center table din mukhang pinasadya, may silver gold na vase sa gitna non at mga magazine na sila ang laman. Tatanggalin ko na Sana ang tingin Doon nang may mahagip ang Mata ko roon. Agad akong lumapit Don at kinuha ang Isang magazine na ako ang laman. This is my magazine in Canada. Medyo umbok na ang tiyan ko dito.

"Mas malulula ka pag nakita mo ang kwarto niya." gulat akong tumingin Kay brennon na Naka tingin narin sa magazine na hawak ko.

"What do you mean?" nginisian niya ako at nginuso ang dining table.

Halos mabitawan ko ang magazine na hawak ko ng makita ang buong Angkan Nila. Napalunok Nalang ako. Dumako ang tingin ko kay Laurent na kumakain ng Shanghai, tumingin siya sakin at kinindatan ako bago sinenyasan na lumapit.

Ang ingay mula sa kanilang mag pipinsan at ang tanong mula sa mga magulang Nila Kung anong meron at nagpa tawag si Senora ng biglaang dinner. Hindi pa naman daw kasi linggo.

Lumapit ako Kay Laurent na may hawak na Shanghai. Hinapit niya ang bewang ko at tinapat ang Shanghai sa tapat ng bunganga ko, sinamaan ko muna siya ng tingin bago kumagat.

"Mama akala ko ba ay Family Dinner, Bakit may naligaw Ata" tinaasan ako ng kilay ng mommy ni Laurent, at dahil masaya ako ngayon nginitian ko Lang siya ng matamis at kinindatan siya.

Bakas ang inis sa mukha nito. Kinuha ko ang kamay ni Laurent na may hawak nanamang Shanghai, tumingin ako sa mommy niya bago kumagat sa Shanghai ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni Laurent sa bewang ko at napatingin narin ang mga senior samin dahil sa ginawa ko. Samantalang wala namang pakealam ang mga pinsan niya at nakangiti Lang ang Lola niyang nakatingin samin. Nasa tabi nito si Demon na kinuha na ang Isang Plato ng Shanghai at pinapapak ito.

May Lumabas mula sa kusina na mga kasambahay at nilapag ang mga hawak Nila na ulam at kanin. Lahat ay puro Filipino Food at homemade lahat na nagpangiti sakin.

Minsan Lang ang ganitong pagkain sa mga katulad Nila, Yung iba ay talagang kina career ang pagiging mayaman. Pero sila, simple Lang. Kung ano ang nasa hapag Yun ang kakainin Nila.

The Hidden Son Of Skyford ClanWhere stories live. Discover now