Chapter IV

1 0 0
                                    

Back to School

Sky's POV

Days had passed, today is first day of school, tapos na ang summer, simula nanaman ng hell days ng mga studyante.

If you're asking about her, hindi na sya nagparamdam simula nung umalis sya, kung yung hickey naman na nilagay nya, it's slowly fading. Nung makita yun ng mga tropa ko hindi nila ako tinigilan hanggat hindi ko sinasabi sa kanila kung sino ang may gawa nun, kaya in the end kwenento ko rin sa kanila ang nangyari, pati team ko inaasar din ako, nakita kasi nila nung nagbibihis ako. Gosh, mabuti ngayon at nawawala na, hindi na nila ako masyadong inaasar, pero napansin ko na medyo naging distant sa akin si babe nung unang nalaman nila, pero ngayon naman ay Ok na, siguro may gumulo lang sa kanya.

Hayss.. Parang ayaw ko pa pumasok, may hangover pa ako. Naginom nanaman kaming magtotropa kagabi, mga gago, tutal daw ay may pasok na at magiging busy na ulit kami.

Nag vibrate ang phone ko sa side table kaya kinuha ko ito.

Si coach Tob.

"Hello, coach"

"Bunso, may meeting ang team sabihan mo ang iba, 9am sharp"

"Sige po coach"

"Pumasok na kayo, first day of school, wala pa kayo, pag nalate kayo sa meeting, 100 laps" napatayo na ako dahil sa sinabi ni coach. Pag ganto hindi nagbibiro si coach

"Sige po coach, sasabihan ko na sila" binaba na nya kaya agad akong nagchat sa GC namin at tumakbo papuntang cr.

Hindi ko makita ang jersey ko, baka nalimutan ko pa yun sa bahay, anak ng, makakatakbo pa ata ako ng sampong laps nito. Nagmadali na ako, baka madagdagan pa ang parusa ko pag nalate pa ako.

Ng makarating ako sa school parking lot ay sobrang daming tao, may mga men in black pa, bat ganto dito wala bang klase. Yung mga students may pinagkakaguluhan dun sa may entrance, di ko na pinansin ang pinagkakaguluhan nila, nagmadali na akong pumunta sa gym, mahirap na baka madagdagan pa ang parusa ko.

Pagdating ko walang tao, ano to, halos liparin ko na para makarating dito tapos wala pa sila. Kaya nagchat ako sa GC namin, kung asan sila, meron silang pinag uusapan, something about this Frio, hindi na ako nagabala na mag back read pa sa mga convo nila, kinuha ko nalang ang bola.

Matagal din akong hindi nakahawak nito ah, I did some dribbling and then shot...bang, walang mintis, siguradong magsisimula na ulit kaming magpractice para sa Nationals. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na ako ang Captain ng Basketball Team dito sa school namin, girls division.

Nagshot lang ako ng nagshot, hanggang sa bumukas na ang pinto ng gym at iniluwa nun ang mga teammates ko.

"10 laps, right now, for those who are late" sigaw ko sa kanila, kaya napatigil sila sa pagkukwentuhan nila. Pinagpatuloy ko lang ang pagshoshot ko.

"Wow, captain, wala ka pa ding kupas"

"Blooming si captain oh"

"Mas lalong gumaganda"

"Iba talaga pag may jowa na, mas nagiging blooming"

Yan ang mga pambobola nila, pero di yan uubra sa akin ngayon, matapos kong magmadali pumunta dito, di na pati ako nakapag breakfast.

"15 laps, POSITION!" Isang sigaw ko pa, kaya wala na silang nagawa kundi, magsimula na silang tumakbo.

"Captain, hindi naman kami late e, sumulyap lang kami kay Frio, once in a life time lang namin makikita yung crush namin"

"Oo nga captain, asa locker na nga yung gamit namin, kanina pa kami andito"

Madami pa silang sinabi na dahilan, kesyo lumabas lang daw sila para makita yung celebrity crush nila, siguro yun yung pinagkakaguluhan nila kanina sa labas. Bumukas ulit ang pinto, may bagong dating, hindi na ako nagabala pa na tingnan ito.

My Celebrity Suitor (gxg) Where stories live. Discover now