Who's Frio?!
Sky's POV
Pagbalik ko sa bahay ay andun si Mama Beth at may kung anong pinapasok sa loob, malaking foam ata.
Siguro tapos na ang construction, nagiinstal na sila ng gamit.
"Hi Mama Beth" pagkuha ko sa atensyon nito, agad naman itong lumingon sa gawi ko.
"Oh iha, bat parang late na ang uwi mo, nagpractice ba kayo" alam din ni Mama Beth na naglalaro ako.
"Hindi, Mama Beth, naggrocery lang ako, next week pa ang simula ng training namin"
"Ay, nako tamang tama yan, bago ang binili kong rep, mas malaki na ito, Kasi dalawa na kayong gagamit" pumasok na kami sa loob, bago na din ang sofa sa sala, at mas malaki na nga ang rep na nasa kusina ko ngayon kesa sa dati. Inayos ko na ang mga pinamili ko.
"Mama, kailan pala lilipat dito yung pamangkin nyo" tanong ko dito mula sa kusina, andun kasi sya sa sala.
"Siguro by Wednesday lilipat na sya dito, may tinatapos pa sya sa work nya e" ano kayang work nun, baka mas matanda yun sa akin kaya may trabaho na sya.
"Ilang taon na ba yun mama"
"Nako, kaedad mo lang yun, parang sa school mo din yun nagtransfer e, kaya mas pinili nya dito tumira para malapit" tapos na ako sa pagaayos kaya tumabi ako sa kanya sa sala, mas compy nga ang sofa na to kesa dun sa dati. "Kaya, anak, ikaw na ang bahala dun sa batang yun pag andito na sya, saka sa school, ngayon lang sya papasok sa eskwelahan kasi homeschooled sya, kaya ikaw na ang bahala sa kanya ha, anak" hinawakan nya ang kamay ko, bat parang pakiramdam ko magiging baby sitter pa ata ako.
"Sige Mama, ako na po ang bahala sa kanya" ngumiti lang ito sa akin, weird. Tumayo na ito at nagpaalam na, tapos na rin naman ang pagaayos nila sa bagong kwarto.
Dahil sa kuryusidad ay pumunta ako sa bagong gawang kwarto, tulad lang ang laki ng kama namin, meron din syang study table, walang masyadong design, tulad ko, hindi din siguro sya mahilig sa mga design, gusto ko kasi mga plane lang, walang masyadong arte. Meron din syang closet, at mas malaki yun kesa sa drawer ko, babae nga naman. Overall, gusto ko yung design ng kwarto nya, pasok sa taste ko, sya kaya ang nag design nito, yung kwarto ko kasi ako ang nag design nun, si Mama Beth din ang nagrecomend nun, mula kasi ng magawa itong bahay, ako ang unang tumira dito, pang isahan lang talaga to, hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagpagawa si Mama ng bagong kwarto.
Lumabas na ako, sana matino yung pamangkin na yun ni Mama, hindi ko pa din pala alam ang pangalan nun.
Nagprepare na ako ng dinner ko, tama na muna ang order sa labas, last week kasi puro order lang ako sa labas o kaya makikikain ako sa mga bahay ng mga tropa.
Naligo muna ako pagkatapos ko magluto, pumasok sa isip ko yung jersey ko, san kaya yun napunta, sa pagkakatanda ko kasi, maayos kong ginayak lahat ng gamit ko, tawagan ko na nga lang si Dad.
Bumaba na ako para magdinner, saka ko tinawagan si Dad, ilang ring lang ay sinagot na agad nya.
"Hello baby, kamusta ang first day of school?" Bungad agad nito.
"Ok, lang po, di pa naman nagklase, puro introduction lang.. Ay dad, kaya ako tumawag, ay gawa dun sa jersey ko, naiwan ko ata dyan, pwedeng paki check sa drawer ko"
"Sige anak, wait lang.." Mukhang naglakad na ito papunta sa kwarto ko. "Sya nga pala, bebe, pinapauwi ka dito ng Mama mo sa weekend, bonding daw tayo bago kami bumalik sa states"
"Sige po, Dad, di pa naman simula ng training namin, si Mom po pala?"
"Bumalik sya sa Hospital, may emergency daw, kilala mo naman yung mama mo" yeah, my Mom is a doctor, while my dad is a business man, actually on a vacation lang sila dito sa pinas, babalik na sila sa States next week. "Nak, ano bang kulay ng jersey mong yun?"
YOU ARE READING
My Celebrity Suitor (gxg)
RomanceThis is a story about a celebrity falls in love with a woman who's heart is still buried in the past.