Stranger
Sky's POV
Naglalakad na ako pauwi sa bahay, galing ako sa bahay ng friends ko, na board na ako sa bahay kaya tumambay muna ako sa kanila, naginuman kami ng konti pero hindi naman ako lasing ngayon.
Madilim na at tanging ilaw lang sa poste ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang daan, hindi ako naglalabas ng phone kasi alam ko na kanina pa may nakamasid sa akin, siguradong kanina pa sila nakamatyag sa bawat paggalaw ko, oo sila, madami kasi sila. Medyo tumabi ako ng may paparating na van.
Nakita ko sa di kalayuan ang isang tao na mukhang may dinideliver dun sa bahay, base sa pangangatawan nito ay isa syang babae, may isang tao na nakamasid sa kanya, halata mo na hindi taga dito ang babae, mukhang target sya ng mga magnanakaw, mukha kasing wala syang idea sa lugar na kinaruruonan nya ngayon, hawak nya kasi ang phone nya. Isa sa pinakadelekado ang paglalabas ng mga mahahalagang bagay kasi makukuha mo talaga ang atensyon ng mga kriminal na andito.
Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pasempleng pagkuha ng lalaking nagpanggap nanakabanga nya, ang pagkuha sa wallet nya. Ayaw kong makialam, masyadong delekado, gayong alam ko na may mga iba pa na nakamasid sa kinaruruonan ko. Kaya nilagpasan ko nalang sila, wala namang mananakaw sa akin, hindi ako nagdadala ng pera sa tuwing alam ko na gagabihin ako paguwi, ang cellphone ko naman ay maingat kong itinago sa suot kong short. Nakasalubong pa ng mata ko ang titig ng babae pero agad ko lang syang nilagpasan.
"Hey, Miss, excuse me" sabi ng boses sa likudan ko kaya napahinto ako sa paglalakad, naramdaman ko ang palapit nya sa pwesto ko kaya nilingon ko sya, nakita ko ang mabilis na paglalakad ng mga tao, senyales na nagtagumpay sila sa mga motibo nila.
Binalik ko ang atensyon ko sa babae, nakatingin lang to sa akin, kaya tinaasan ko sya ng kilay, na parang nagtatanong. Nagtaka ako sa suot nya, mukha kasing tinatago nya ang mukha nya kasi balot na balot sya.
"Gusto ko lang magtanong kung san dito yung sakayan papuntang Manila, dead bat na kasi ang phone ko" tama nga ang hinala ko, hindi sya taga dito.
"Sa dulo ng daan na ito ay may paradahan ng mga tricycle, sumakay ka dun at sabihin mo na dalhin ka sa sakayan ng bus" deretso kong sabi saka ko sya tinalikuran at naglakad na ulit ako.
"Hindi ka ba manlang magpapasalamat sa akin.. Alam mo bang nanakawan ka na nung lalaki kanina-.."
"Ikaw ang target nila" Putol ko sa kanya,
"What!.. OMG! My wallet is gone, pati cellphone ko, Fck!" Nagpanic na sya, Naramdaman ko na hinabol nya ako. Hinawakan nya ang braso ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. "Bat di mo manlang ako sinabihan"
"It's not my fault.. Sa tingin mo ba, kung nakialam ako kanina, buhay pa tayo.. Ano ba kasing ginagawa mo dito sa lugar na to sa gantong oras.. Look hindi ako nakialam kanina dahil madami sila, may mga patalim sila at mga halang ang kaluluwa nila, wala akong laban sa kanila, mahal ko pa ang buhay ko kaya pasensya ka na" muli ko syang tinalikuran at naglakad na ako pauwi, gusto ko na matulog.
"Ano nang gagawin ko, wala na akong mapupuntahan.. Pwede mo ba akong pahiramin ng pera" patuloy pa rin nya akong sinundan.
"Gusto man kitang tulungan pero wala akong dalang pera, alam kong mapanganib sa dadaan ko kaya di ako nagdala, at pwede ba wag mo na akong sundan, gusto ko ng makauwi at matulog" naglakad na ulit ako at patuloy parin ang pagsunod nya.
Napabuntong hininga nalang ako saka ko sya nilingon. Nangingilid na ang luha nya at mukha talagang Paiyak na sya, bigla naman akong naguilt, busit na kunsensya yan.
"Pwede mo ba akong tulungan.. I feel hopeless, wala na akong mapupuntahan" bigla akong nakaramdam ng awa dahil sa itsura nya, dapat pala di ko na sya tiningnan.
YOU ARE READING
My Celebrity Suitor (gxg)
RomansThis is a story about a celebrity falls in love with a woman who's heart is still buried in the past.