Chapter II

1 0 0
                                    

My Sky..

Thana's POV

Hindi ko akalain na magdedeliver ako ng isang, product sa isang nakakabwisit na customers. Puro nalang kamalasan ang nangyari sa araw na ito, una nasiraan kami sa kalagitnaan ng edsa, tapos ako pa ang magdedeliver ng bwesit na product na to. Sobrang layo pa ng pagdedeliveran.

Gabi na ng bumaba ako sa van na sinakyan ko papunta sa pesteng lugar na to, this was supposed to be my day off, not a road trip on whatever this place is. Pagkababa ko ay umalis na agad ang van na sinakyan ko, taga dito lang daw sya sa malapit kaya paparada na daw sya.

Mula ng bumaba ako ay ramdam ko na may nakamasid sa bawat galaw ko, masyadong creepy yung place, may mga Tambay pa. Dapat bilisan ko na ang pagdedeliver ng Bwisit na product na to para makaalis na ako kaagad dito.

Mabilis ko ng kinuha ang bayad ng customer at nagmadali na akong umalis, nilocate ko agad ang location ko kaso bigla nalang namatay ang pesteng cellphone ko, may mas lalala pa ba sa araw na ito, Bwisit. Napabangga pa ako sa isang tao, nakakainis talaga, nakakadiri ang baho pa ng amoy nya.

Biglang nagtama ang mata namin ng isang babae na naglalakad, ang lakas ng dating nya, hindi ko alam kung bat para akong na starstruck sa presensya nya, ano bang nangyayari sa akin.

Nilagpasan lang ako ng babae, bat may babaeng katulad nya na naglalakad magisa sa gantong klase ng lugar. May isang lalaki na mukhang nanakawan sya kaya tinawag ko sya, hindi na Natuloy ng lalaki ang balak nya.

"Hey, Miss, excuse me" tawag ko dito, agad naman itong tumigil at lumingon sa gawi ko, pero hindi sya sa akin nakatingin, lagpas ang tingin nya sa kung Anong nasa likudan ko. Walang imosyon ang mga mata nya at sobrang lungkot ng mga ito, simpleng shirt lang naman ang suot nya pero ang lakas ng dating nya, o may problema lang ang mga mata ko, tingin ko ay maganda sya, matangos ang ilong, did I just checked her out, omg, there's something wrong with me.

The way her eyebrows arches upward- what da.. Get a hold of you're selves Thana.. Tinaasan nya ako ng kilay na parang nagtatanong kaya nagsalita na ako.

"Gusto ko lang magtanong kung san dito yung sakayan papuntang Manila, dead bat na kasi ang phone ko" parang walang gana nya lang akong tiningnan.

"Sa dulo ng daan na ito ay may paradahan ng mga tricycle, sumakay ka dun at sabihin mo na dalhin ka sa sakayan ng bus" walang gana nyang tugon at tinalikuran na ako, bastos to ah, di ba nya ako kilala.

"Hindi ka ba manlang magpapasalamat sa akin.. Alam mo bang nanakawan ka na nung lalaki kanina-.." Medyo naiinis na sabi ko sa kanya.

"Ikaw ang target nila" Putol nya sa sinasabi ko, kaya natigilan ako. Ako ang target.

"What!.. OMG! My wallet is gone, pati cellphone ko, Fck!" Wala na ang lahat, pano pa ako makakauwi neto, teka, alam nya, tapos di manlang nya sinabi sa akin. Agad ko syang hinabol, Iiwan nalang nya ako dito, pwes hindi ako makakapayag, hinawakan ko sya sa braso para pigilan sya sa paglalakad.
"Bat di mo manlang ako sinabihan"

"It's not my fault.. Sa tingin mo ba, kung nakialam ako kanina, buhay pa tayo.. Ano ba kasing ginagawa mo dito sa lugar na to sa gantong oras.. Look hindi ako nakialam kanina dahil madami sila, may mga patalim sila at mga halang ang kaluluwa nila, wala akong laban sa kanila, mahal ko pa ang buhay ko kaya pasensya ka na" naiinis na sabi nya saka naglakad na ulit sya paalis.

Tama naman yung sinabi nya, kung nakialam pa sya baka saktan pa kami ng mga Hayop na yun. Kaya sinundan ko nalang sya, baka harangin pa nila ako e.

"Ano nang gagawin ko, wala na akong mapupuntahan.. Pwede mo ba akong pahiramin ng pera" sa hotel nalang muna ako tutuloy, ano nalang sasabihin ng mga fans ko pag nakita nila ako, nasa wallet ko ang mga credit card ko, hindi ako makakapag withdraw ng pera, di pa ako makatawag sa manager ko, baka nagfile na yun sa police na nawawala ako.

My Celebrity Suitor (gxg) Where stories live. Discover now