Komokopya kami ng notes ng bigla nalang tumabi si Cee Jay samin.
"Sino nga ulit yung crush mo Kathea?"Habang palipat lipat ang tingin niya saming dalawa ni Roco.
"Uy wala ah!"Alam niyo yung feeling na napakalaki ng "Honestly is The Best Policy" na nakasulat sa ibabaw ng board?Cee Jay naman kasi eh.Kapag ako talaga nabuking.
Buti nalang at hindi nagtagal ang pangungulit ni Cee Jay at niliubayan din ako.
*********
Pauwi na ako nang makasalubong ko sina Francis at Peter.
"Uy Kathea may tinatago ka palang lihim ah!"Sabi ni Francis sakin.
"Anong lihim?"Nagtataka kong tanong.
"Crush mo pala si Roco ah!"Hala pano niya nalaman?
"Uy hindi ah!"Sabi ko naman.Tama naman sinabi ko diba?Hindi ko naman na crush yun eh.
"Weeh?"
"Uy hindi ah!Wala akong crush dun ano ka ba?Diyan na nga kayo."At tumawid na ako.Sh*t pano nila nalaman?
*********
Nasa labas na kami ng bahay ni kuya Rey nang makita ko mga kaklase ko na may kasamang taga ibang section.
Siya yung gwapong nakita ko kahapon.Friend rin siya ni Krista.Siya si June Marleo Buena.Crush ko na naman pero mababaw lang.Ang gwapo kasi.Pero sobrang babaw lang talaga ng paghanga ko sa kanya.Physical crush lang.
Alam ko na kung anong dapat gawin para mapagtakpan ang tungol kay Roco.
Katabi ko si Ginger nang mapansin kong nasa likod pala namin si Peter.At isinagawa ko na rin ang aking plano.No choice kasi eh.Sana magwork.
" Ang gwapo nung kasama ng mga kaklase natin."
"Sino?"
"Yung si June Marleo Buena."
"Ah si Buena pala ah!hindi pala si Roco."Sabi naman ni Peter na nasa likod namin.
Nagwork nga ang plano ko kaso nga lang narinig din ito ni Jeron at sinabi rin sa iba.At ang ending ay nagsimula na akong asarin ng mga kaklase ko at araw araw na nila itong dinadala sa praktis namin.
********
Nauna akong dumating sa praktis namin ngayon.Ilang oras din akong nagintay bago dumating si Krista.
"Be may sasabihin ako sayo.Secret lang natin please!"
"Ano yun?"
"Alam mo namang naging crush ko si Roco diba?Nalaman kasi nila Francis at Peter kaya gumawa ako ng paraan para mapagtakpan yun kahapon.Ang awkward kasi kung malalaman ng mga kaklase natin eh.Kaso parang nagkamali pa yata ako."
"Bakit ano bang ginawa mo?"
"Sinadya kong marinig ni Peter yung tungkol kay Buena para mapagtakpan yung tungkol kay Roco.Kaya nga lang narinig din ng iba.Ang ingay kasi ni Peter eh.Nalaman tuloy ng lahat ng kaklase natin.Mas lalo tuloy gumulo yung buhay ko."
"Haha.Talagang gugulo!Eh ang daldal nung mga yun."
"Pero atleast di na nila paghihinalaan si Roco diba."
"Sabagay.Wag ka mag-alala hindi naman si Buena kagaya ng ibang lalaki na magtetake advantage kapag may nalaman siyang mga ganyan eh.Mabait yun."
"Sana nga.Hala be!Andiyan na sila!"
"Relax lang te Kat."
At kasama na naman nila si Buena.Uwahh!!!Ang awkward.Bakit kasi nalaman nina Francis yung tungkol kay Roco.Dahil siguro dun sa pang-aasar ni Cee Jay sakin nung isang araw.Hayyy..
_____________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
One Sided Love Story Of Mine
Teen FictionAng story na ito ay tungkol sa isang babae na umibig ng sobra at nasaktan din ng sobra.Hindi niya inakalang ganoon na lamang magtatapos ang kanyang One Sided Love Story.Ang taong iningatan,pinahalagahan at minahal niya ng sobra ay iniwasan siya mata...