..

7 0 0
                                        

  "Sige start na tayo habang hindi pa tayo pinapababa."-kuya Rey

  "Sali parin po ba kami kuya Rey?"-Ken

  "Oo naman.Kaya niyo naman sigurong makisabay pa diba?May oras pa naman tayo.Basta kahit anong mangyari ipagpatuloy nalang natin 'to."

  Habang nagpapraktis kami..

  Nauutot na ako!Tae naman bakit ba kasi nasa likod ko pa 'tong si Ken?Di tuloy makatakas utot ko.Haysst!

*********

  Pagkatapos ng ilang oras na pagpapraktis ay nagbihis na rin kami.

  "Okay,bawat section bumunot dito ng numero para malaman niyo kung pang-ilan kayong magpeperform."Sabi ng isang teacher at pinabunot ang mga leader ng bawat section.

  "Hala number 1 tayo!"-kuya Rey

  "Lagot!"

  "Di bale na.Kaya natin 'to."

*********

  "Okay lang yan kuya Rey.May next time pa naman eh."

  Hindi kami nanalo.Hindi naman kasi namin nagawang mamemorize.Hayy..sayang...

**********

  "Class magkakaroon ng pala tayo ng buhay na museo.Lahat ng section dapat may mga representative na magcocostplay ng mga character sa El Fili.Sino ba ditong gusto sumali?"

  Walang nagvolunteer kaya si maam nalang ang namili.Isa sa mga napili ay si Roco bilang basilio.

  "Ikaw Ken?Pwede kang maging si Simoun?"Oo sige maam!Siya nalang.

  "Maam ayoko."

  "Hindi kasi sayang may hawig kasi kayo."

  "Sige na Ken."Sabi naman ng iba sa aming mga kaklase.

  "Huwag kang mag-alala tutulungan ka naman nila eh."

  "Oo nga!"

  "Maam ayoko talaga."

  "Ang hirap mo naman ligawan Ken.Pero sige.Hindi naman ako namimilit.Kaya nga lang baka magsisi ka sa pagtanggi mo."Haha.Ayos si maam ah.Di daw namimilit.

  "Ano Ken?Sasali ka ba o ano?"

  "Sige na nga lang po."Hayy..salamat natapos din ang pilitan!Nakakayakot si maam mamilit.

*********

  Nag-oonline ako ng makita ko na nakaonline rin pala si Ken

  Conversation:

"my plano n kau para s buhay n museo?magkano daw ambagan?"-me

"5 pesos"-ken

"kau n bahala s cotumes?"

"Kailang namin kayo eh"

"hmm..pg-usapan nlng cguro bukas para maayos...promise tutulong kami."

"Salamat cghe out na ako goodluck nalng sayo bukas sa P.TEST"

"cge thanks!kaw rin.."

Kiligerns!haha.Ano ba yan?Natuluyan na ba talaga ako?

**********

  "SPARTA BUKAS NA PALA ANGBUHAY NA MUSEO!MAY PLANO NA BA KAYO?KUNG WALA PA DALA NALANG TAYO NG MGA MATERIALS NA PWEDE NATING MAGAMIT SA PAGDEDESIGN NG BUHAY NA MUSEO!!!!KAYA NATIN 'TO PAG NAGTULUNGAN!!!"Post ko sa group namin.

The Next Day!

  "Kathea totoo ba yung pinost mo?Ngayon na ba talaga yung buhay na museo?Bakit naman biglaan?Akala ko ba sa 12 pa?"Tanong ni Francis at nang iba pa naming kaklase,lalo na yung mga kasali

 "Kaya nga!12 naman na ngayon diba?"

  "Adik!10 pa nga lang ngayon eh."

  "Ay ganun ba?Akala ko kasi 12 na ngayon."Haha,pahiya ako dun ah!

  "Grabe ka!Di mo ba alam na nagpanic kami dahil sa post mo?"-Francis

  Mayamaya ay tumabi sakin si Ken.

  "Grabe be!!!For the first time nakatabi ko siya!!!"Bulong ko naman kay Krista.Sobrang dikit ko na nga sa kanya kasi nahihiya akong madikit kay Ken.

  Nagdidiscuss si maam nang bigla na lang akong kinausap ni Ken

  "Kathea kailan natin pag-uusapan yung tungkol sa buhay na museo?"Sh*t muntikan akong magkamali ng isasagot.Akala ko ang tinatanong niya ay kung kailan namin pag-uusapan ang tungkol samin!Buti nalang naprocess ko agad sa utak ko.Grabe epekto niya sakin.

  "Ahhh..eh kausapin mo muna yung mga officers baka kasi anong sabihin nila.Try mo itanong kung kailan magpaplano."Hyyy..pinagpawisan ako dun ah.

_____________________________________________________________________________A/N

  to be continue

One Sided Love Story Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon