New place,new school,new classmates,new friends and new heart ache?Huwag naman na sana...
(Kathea Marie O. Lantaca's POV)
Grabe nakakakaba!4th year high school na ako pero parang "first day high" lang 'tong nararamdaman ko.Kailan ba kami papasok sa room namin para makaupo na ako?Nakakahiya kasing tumayo dito sa labas ng mag-isa.Ang daming kasing estudyante.Lahat sila may kasama ako lang wala...
*******
Hayy...Buti na lang at nakapasok na ako sa room.Malas lang kasi nalate pa ako.May tinulungan kasi akong estudyante.Transferee student din siya katulad ko.Hindi niya kasi alam kung anong section siya kaya tinulungan ko muna.Nakakatuwa nga kasi bisaya rin siya katulad ko.At ang mas nakakatuwa ay napunta siya sa section na napuntahan ko.Ang section Santan.
"Bilang first day of school,kailangan niyong magpakilala sa harap isa-isa.But this time in filipino kayo magpapakilala."Yes buti nalang!Baka kasi mautal akong mag-english sa sobrang kaba.
At Dahil nga sa wala namang nagvolunteer na maunang magpakilala ay inisa isa nalang kami ni maam.
Di nagtagal ay ako naman ang tinawag.
"Magandang umaga sa inyong lahat.Ako nga pala si Kathea Marie O. Lantaca.Galing ako sa probinsya ng Siquijor at isa po akong bisaya.Lumipat po ako rito sa public school para madali po akong makakuha ng scholarship kapag nagcollege na ako.Mahihirapan po kasi kaming makakuha ng scholarship kasi yung school na pinanggalingan ko ay private school."
******
Matapos ang pagpapakilala ng aking mga bagong kaklase ay nagpakilala naman ang teacher namin sa Filipino.Hindi pa pala siya ang aming adviser.
Hindi naman kami nagtake ng lesson agad.Matapos magbigayan ng libro ay hinintay na namin ang recess.Kahit papaano ay may nakausap naman na ako.May tatlo pala akong kaklase rito na naging kaklase ko na noong grade 3 pa ako.At nakaraos rin sa first day of school.
____________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
One Sided Love Story Of Mine
Roman pour AdolescentsAng story na ito ay tungkol sa isang babae na umibig ng sobra at nasaktan din ng sobra.Hindi niya inakalang ganoon na lamang magtatapos ang kanyang One Sided Love Story.Ang taong iningatan,pinahalagahan at minahal niya ng sobra ay iniwasan siya mata...