TOSCA
Tumunog ang alarm clock ko at agad akong naalimpungatan. Shit, ang bilis namang ng oras. Umaga na agad? Gusto kong maiyak. Hindi na talaga ko masasanay na gumising ng maaga kahit ito naman na ang buhay ko ngayon. Pinatay ko na yung alarm pero nakahilata pa din ako sa kama. Another five minutes please?
Hindi pa man din nawawala ang malay ko ay nag ring naman ang cellphone ko. Hinanap ko iyon sa bedside table gamit lang ang kamay ko.
"Hello?" Antok na sagot ko sa tawag.
I heard Scor chuckled on the other line. Biglang nawala yung antok ko!
"Wake up. Akala ko ba 7:30 kita ihahatid?" Aniya.
"O-oo! Babangon na." Sagot ko nalang.
"Papunta na ako diyan. Let's have breakfast before we go to work."
"Okay, mag-ingat ka." Nagdalawang isip ako kung magsasabi ba ako ng I love you. Parang naiilang kasi ako na ewan.
Hindi na sumagot si Scor, mukhang may hinihintay siyang sabihin ako pero parang hindi ko kaya! Ih, virgin ka?
"I love you." Aniya matapos ang ilang sandali.
Nataranta ako. Napressure kung sasagutin ko ba.
"S-same." Napa sampal agad ako sa noo ko eh. Ang tanga ng sagot, Tosca!
Hindi ko na siya hinintay sumagot. Ako na ang nag-baba. Inis na inis ako habang inaayos ang kama ko. Papadyak padyak pa ako patungo sa banyo para mag-shower. Pwede naman kasi sabihing 'I love you too' o kaya 'You too' nalang pero 'same' talaga? Huhu! Kainis!
Kakatapos ko lang maligo nang tumunog yung doorbell ko. Si Scor na 'yun. Bat naman nag do doorbell pa siya eh alam niya naman ang passcode ko. Oo, birthday niya. Hindi ko pinalitan.
Hindi kami nagkita nitong nag-daang weekend pero palagi kaming magkausap sa facetime. Mas kumportable pa nga ako nang video call lang dahil naiilang ako kapag personal na eh. Hindi naman kami umalis ng bahay pareho. Hindi ko din alam kung aparisyon ko lang pero parang ang clingy niya nitong nagdaang mga araw.
Pag-bukas ko ng pinto ay may kung anong binabasa si Scor. Sinulyapan ko iyon at nakita kong may nirereplyan siyang email sa cellphone niya. Kunot pa ang noo niya nang tingalain ako.
"Good Morning?" Patanong na bati ko habang may alangang ngiti.
"Good Morning. I'm sorry, it's just hectic at work." Naramdaman niya siguro ang pag-iingat ko.
"Pasok ka. Magluluto ako ng breakfast saglit." Sabi ko at niluwagan ang awang ng pinto para makapasok siya.
"No need. I brought breakfast." Aniya at itinaas ang dala niyang mga plastic bags na ngayon ko lang napansin.
Tumango ako at iniwan muna siya sa sala. Bumalik ako ng kwarto at nag-bihis. Pinili ko ang isang puting sleeveless chiffon blouse na ipinartner ko sa isang itim na pencil skirt. Nag-baon na din ako ng itim na blazer dahil baka ginawin ako mamaya sa office.
Paglabas ko ng kwarto ay wala siya sa sala. Nag-punta ako sa kitchen at doon ko siya naabutan. Maliit lang din naman kasi ang condo ko, kung nasaan yung kitchen ay nandoon din ang lamesa. Nilalabas niya isa isa sa plastic iyong breakfast na dala niya. Imbis na istorbohin ko siya, napasandal nalang ako sa doorframe. I don't know but him in my kitchen feels so natural.
Naramdaman niya sigurong may nanonood sa kanya kaya lumingon siya sa direksyon ko. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo na conscious ako. Umalis na ako sa pagkakasandal at saka lumapit sa lamesa. Naka handa na doon ang pancake, bacon, sausage at orange juice. Naamoy ko din ang kape na nag-b-brew sa kitchen counter.
BINABASA MO ANG
The Things I Hate About You
General FictionTosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh ito ang kanyang trabaho? Nag-iba ang lahat nang mag-tagpo ang landas nila ni Scorpion, ang lalaking abot langit ang inis sa kanya at sa hindi...